Nang marinig niya ang boses nito nagmamadali siyang kumilos habang kausap ang lalaki sa phone. "Sige, papunta na ho ako. Pasensya na sa naging abala." sagot ko bago mawala sa kabilang linya ang kausap ko na lalaki. Sinuot ko ang blazer ko para takpan ang pantulog na suot kong nighties at wala na akong time na makapag palit ng damit gawa ng sinabi ng bouncer na magsasara na sila.. Wala na rin akong oras para mag-ayos pa at baka makaistorbo na ito doon kaya nagmamadali na akonh nagdrive palayo ng Mansyon. At kahit badtrip pa ako sa kan'ya hindi ko pa rin magawang tiisin ito sa oras ng kailangan nito ako. Medyo malayo pa nga ako at hindi ko rin alam kong aabot ba ako. Nakakahiya na rin sa owner ng bar, talagang doon pa siya natulog. Nakakainis!! Twenty Minutes Later nakarating ako sa bar at

