Hindi pa rin nagpaparamdam si Sandra sa lahat. Namuhay siyang masaya at payapa. Nakasanayan na niyang gigising umaga at matutulog ng mag-isa. Kahit anong balita kay Terrence o sa mga co-models niya ay wala. Ayaw niya munang isipin sila, priority niya ang kan'yang anak na nasa sinapupunan niya. Ang hirap nga naman ang ginagawa niya sa bawat araw na kailangan niyang kumilos para sa sarili niya. Wala siyang ibang aasahan kundi siya lamang. Habang nakaupo siya sa sala. Hinahaplos niya ang tummy niya na nagsisimulang umumbok na. Totoo nga ang kasabihan nila kapag hindi pa alam ng lahat nakikisama ang baby sa loob. "Hi! Baby ko, anong gawa mo sa loob ng tummy ni Mommy?? Palakas ka lang dyan ha. Kaya natin 'to at kakayanin natin." wika niya habang kinakausap ang umbok niyang tummy sabay haplos

