Habang nag-iinuman ang lahat ng lumapit sa akin si Terrence kaya inabutan ko siya ng drinks. "You want to drink?" alok ko dito. Tiningnan niya lang ako ng malagkit kaya napalagok ako ng hawak kong glass wine sabay lagok at tingin sa malayo. "Ayaw mo?" tanong ko dito sabay abot ng wine glass na may lamang alak na kakasalin ko pa lang. Kinuha naman niya sa akin ito sabay inamoy at nilapag. Napakunot ang noo ko ng lumapit siya sa akin ng malapitan halos magkanda duling na nga ako sa lapit ng mukha naming dalawa at nanlaki ang mga mata ko ng dilaan niya ang labi ko. Para akong natuod at hindi nakapag salita. Ibang Terrence yata ang nasa harapan ko. "The wine is good for me." sagot niya sabay wink at tayo pabalik sa table ng mga kaibigan niya. Ilang segundo akong napatulala bago makabalik

