Kanina pa ako irita ng makita ko ang Charlotte na 'yon. Pa babe babe pa ang tawagan nakakainis. May babe naman pala bakit maghahanap pa ng magpapanggap na pakakasalan niya. Siraulo ba siya?? Anong akala niya sa akin. Panay salita ni Sandra at hindi namalayan na nasa likuran niya na si Terrence. "Sinong kausap mo? Bakit nagsasalita ka ng mag-isa?" tanong nito at heto nang bubweset na naman siya sa akin. Akala niya nakakatuwa siya. "Wala ka na don, bakit mo ba ako sinundan? Hindi ka na lang doon sa babe mo. Mas mabuti pa nga 'yon na lang ang pakasalan mo. Bakit hindi ba siya ang pak--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng lumapat ang labi niya sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko hanggang sa tinugon ko rin ang halik niya sa akin. Nang matauhan ako agad ko siyang tinulak at nagtatakbo ako

