Kabanata 5

1174 Words
Kinabahan siya sa nakitang magkasalubong ang kilay ni Hendry. Uwian na kaya madalas ay inaabangan siya nito sa labasan ng building nila para maisabay siya pauwi o palabas ng skwelahan nila. "May problema ba?" marahan niyang tanong sa kaibigan nang makalapit siya rito. Tamad siya nitong tiningnan mula ulo hanggang paa, "May ginawa ba sa'yo si Travis?" Naisip niya kung ano ang pwede niyang sabihin dito. Bumalik lamang ang alaala nang ginawa nila sa cr kaninang umaga. "Ha--Wala naman?" patanong pa niyang sagot. Isang beses pa siyang tiningnan ng kaibigan, "Mag sabi ka agad sa akin kung may ginawa sa'yo," ani lamang nito at inaya na siyang maglakad pauwi. "Na ano?" kuryoso niyang tanong. Tumigil ito sa paglalakad at tiningnan na naman siya sa mata, "Kahit ano," simpleng sagot nito at nagtulog ulit sa paglalakad. Agad naman na kumabog ang dibdib niya. Hindi niya alam kung alin ang unang sasabihin sa kaibigan. "Marami--" Natigil niya ang pagsasalita nang galit itong humarap sa kanya. Halos magkabunggoan ang kanilang nga mukha sa lapit nito. "Umayos ka, Snow. 'Wag kang papadala sa mga sinasabi ni Travis," halong pagbabanta na ani nito. Wala naman siyang magawa na tumango na lamang. "Hendry..." Malapit na sila sa gate ng skwelahan at may sundo ito kaya hindi na pinasya niyang huwag nalang ituloy ang pagsusumbong. Gusto niya sanang ikwento ang nangyari pero nahihiya siya sa kaibigan. Wala naman kasing ginawa si Travis na hindi niya na gustohan. Sakto nga na paglabas nila ng gate ay naruon na ang sasakyan na laging naghahatid at sundo sa kaibigan. Ngumiti na lamang siya nang nilingon siya nito, "Mag ingat ka pauwi." Tumango naman siya at kumaway na. Nagsimula naman siyang maglakad pauwi. Malapit lang naman ang bahay ng tiyahin niya mula skwelahan kung lalakarin kaya sanay na siya. Madalas ay sinasadya niyang bagalan ang paglalakad para gabi na siya dumating o di kaya ay tulog na ang mga tao sa bahay para iwas sa gulo. Hawak ang sa magkabilang strap ng backpack niyang luma habang tumitingin sa kawalan diyang matiwasay na naglalakad. Minsan ay sinasabayan siya ni Hendry pero kapag inis ito ay nauuna nang umuwi. Marahil ay marami pa iyong gagawin pagka uwi ng bahay. Ganoon talaga siguro kapag matalino. "Snow!" Agad siyang lumingon sa tumawag sa pangalan niya. Wala naman siyang nakita na sumusunod sa likuran niya. Binalewala na lamang niya ito pero tinawag pa siya nang ilang ulit. Kaya lumingon-lingon siya sa paligid. "Ah!" gulat niyang sigaw nang lumitaw sa harapan niya si Travis. Tumawa lamang ito sa pagka gulat niya. "Ba't ka nang gugulat," puna niya. Tumawa muna ito bago nito inilagay ang kamay sa balikat niya. "Wala. Gusto lang kita makitang magulat," ani nito habang may malaking ngisi. "Hindi naman ako masyadong magugulatin, eh" sagot niya. "Talaga?" "Oo, no." Tumango-tango lamang ito at inangat ang bag niya. "Bigat nang bag mo. Akin na," ani nito at madaling hinubad sa kanya ang suot na bag. Napangiti na lamang siya dahil kahit luma ang bag niya ay parang naging mamahalin nang isuot nito. Hindi niya tuloy mapigilan na matawa, "'Di naman bagay sa 'yo. Akin na," subok niyang kuha pabalik nang bag niya. Tumigil ito sa paglalakad at hinarap siya, "Mas bagay kasi tayo," simpleng banat nito. Hindi naman niya mapigilang ngumiti nang malaki. "Palabiro ka," simpleng sagot niya. "Hindi, ah. Bakit? Tingin mo hindi tayo bagay?" Agad siyang tumango, "Oo naman. Sobrang yaman niyo kaya tapos 'di ba, pulubi nga tawag mo sa 'kin." Kinunot niya ang noo sa kaharap. Tumawa lamang ito at umiling-iling, "Hindi, ah. Sa mga teleserye nga ganyan ang madalas nagkakatuloyan," sagot nito. Para naman siya nabuhayan nang loob sa narinig. "Hindi naman 'yan totoo," ani niya kahit masaya sa narinig. Akala niya ay mapanghusga ito at hindi siya kakausapin nang ganito katagal. Mali lang siguro si Hendry kasi kita niya naman na hindi masyadong close ang dalawang magpinsan. "Mabait ka pala?" ani niya. Malakas naman itong tumawa at ginulo ang buhok niya, "Hindi rin," sagot nito at nauna nang maglakad sa kanya. Hindi na ito umimik hanggang sa makalapit na sila sa daan na may paliko patungo sa bahay nang tiyahen niya. "Dito na 'yung bahay namin--'yung bag ko pala," tawag pansin niya sa tuloy tuloy na lakad nito. Tumigil naman ito at humarap sa kanya, "Wala pa naman akong nakikita na bahay. Saan ba sa inyo?" Agad siyang kinabahan dahil baka makita nito ang bahay ng tiyahen niya at makita sila. Tiyak na sermon at tadyak na naman ang aabutin niya. Aakalain na naman nang mga ito na lumalandi siya. "Diyan naman na papasok. Kaya ko naman mag-isa. Baka kasi pagalitan na naman ako, nakakahiya," ani niya at bahagya na lamang na tumawa para maibsan ang hiya sa loob niya. Yumoko lamang si Travis at hinawakan ang mukha niya upang magpang abot ang kanilang mga mata, "Sige. Ingat ka," marahan nitong sambit nang hindi binababa ang tingin sa mga mata niya. Agad niyang iniwas ang mukha mula sa mga kamay nito at nagmadaling umalis. Nang makapasok sa daanan papasok at hindi na niya kita si Travis ay saka lamang siya tumigil. Nilingon niya ang daan kung saan niya ito naiwan. Bahagya siyang nalungkot pero napangiti naman siya agad. "Niloloko lang siguro ako n'un," ani niya sa sarili bago tuluyan na naglakad pauwi. Papalapit pa lang siya sa bahay nang tiyahen niya ay rinig na niya ang mga halakhak ng mga tao na naroon. Naroon na naman siguro ang mga kasama nito upang magsugal. Marami na naman ang hugasin niya malamang. Malakas na lamang niyang ibinuga ang hangin mula sa baga at dumaan sa may likuran ng bahay. Isang lingon sa may lababo ay nag aantay na ang isang bundok niyang gagawin. "Hoy, Snow! Mabuti at nandito ka na. Kanina pa marumi ang kusina kay bilisan mo nang maglinis. Mag saing ka na rin at magluto ka ng ulam! Hindi puro landi ang iniaatupag mo," malakas na sigaw ng tiyahin niya mula sa sala. "Opo," tanging sagot na lamang niya. Hindi niya nga alam kung saan napulot ng tiyahin niya na malandi siya. Wala pa naman siyang naging jowa o ano. "Si Travis pa lang naman nakakawak sa akin," bulong niya sa sarili bilang sagot sa kanyang iniisip. Sinumulan na niya ang pagliligpit nang mga plato na nakakalat pa sa may mesa upang mailagay lahat sa lababo para isahan na lang ang paglilinis niya. Patapos na siya nang biglang sumakit ang anit niya. "Hayop ka! Aahasin mo pa talaga si Travis na malandi ka! Lumayo ka sa kanyang kung gusto mong tumagal pa ang buhay mo!" nanggagalaiting bulong sa kanya nang pinsan niyang babae habang hawak ang buhok niya. Nararamdaman na niya ang hapdi nang ginagawa nito. Hindi na rin niya mapigilang tumulo ang mga luha sa mga mata niya. "Oo, lalayoan ko na 'yon. Bitawan mo na ang buhok ko," daing niya. "Talaga lang, ha! Malandi ka talaga!" huling hirit nito bago patapon na binitawan ang buhok niya. Wala na lamang siyang magawa na inayos ang sarili at pinahid ang mga luha sa pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD