Kabanata 1: Simula

1853 Words
๐Ÿบ๐Ÿบ๐Ÿบ๐Ÿบ๐Ÿบ๐Ÿบ (Tell-Tales no.1) ๐Ÿบ My Wolf ๐Ÿบ (Castellano's Mansion) Pagbaba ni Billie ng kotse malaking mansyon o baka nga palasyo ang nagpanganga sa kanya.Nang tanggapin niya ang trabaho bilang private tutor hindi naman ganito ang inaasahan niya, na ganito kayaman ang batang tuturuan niya. Kahit na nakita na niya ang malaking gate na dinaanan nila iba pa rin ang presensya ng mansyon sa kanya.Sa malawak nitong harapan na at mala-greek style na haligi ng mansyon at isama pa rito ang naglalakihang magkabilaang pintuan, kahit pa lumang disenyo pa ang mansyon,ay parang gustong mahilo ni Billie sa laki nito. Isang babaeng naka-formal attire ang sumalubong kay Billie at may kasama nitong isang butler at maid na nakasunod sa kanya. Naka-flesh pencil shirt ito.Sky blue blouse na may mahabang panggas.At talagang napaka-pormal nitong tinggan lalo sa clean hair style nito.Nasa middle 30's na ito at madaling makikita ang istrikta nitong aura. Bahagyang nahiya si Billie sa suot niya.Dahil kahit ang butler at ang maid ang gagandang tingnan.Samantalang siya at black naka-Chuck Taylor low cut shoes, maong na Capri pants,white v-neck blouse at navy blue button up cardigan ito.Kaswal na kaswal lang. " Welcome!, Ms.Fransciso sa bahay ng mga Castellano," pormal na bati ng babae. "Wow, hanep sa bahay...bakit di na lang deneretsong mansyon," bulong ni Billie. " Salamat po Ms.Karen.Ang laki naman ho pala ng bahay nila, este ng mansyon," ani Billie.Nasinubukang magbiro pero talagang napakaseryoso ng kaharap niya. ' The pressure is real,' ika nito sa isipan. " Please sumunod ka sa'kin Ms.Francisco, at sila ng bahala sa mga gamit mo," ani Ms.Karen. " Ako na pong bahala sa mga gamit niyo, Ma'am," magalang na sambit ng butler na kinuha ang maleta niya at ganoon na rin ang bagpack na dala-dala niya mismo. " Naku, ayus lang.Isang maleta lang naman 'to at kayang-kaya ko na ang bagpack, isa pa may gulong naman," tanggi sana ni Billie pero wala na siyang nagawa ng kunin at bitbitin ito ng butler. " Hayaan mo na siya.Deretso na sa magiging kwarto mo ang mga gamit.At isa pa, masanay ka na sa kanila Ms.Francisco, matagal ka ring maninirahan dito," payo Ms.Karen na may kasama na ring paalala. " O-okay ho,". Bitbit ang gamit ni Billie umalis na ang butler at tanging ang maid na lang ang natira na nakasunod sa kanila. " Please follow me, Ms.Francisco,". Sumunod naman si Billie kay Ms.Karen habang nakasunod naman sa kanya ang maid, medyo naiilang siya rito. Pagpasok pa lang ni Billie sa loob ng mansyon naghuhumigaw sa gara ang grand staircase. " Whoa....palasyo 'ata to sa Cinderella.Dito 'ata naiwan ang glass slipper niya, wagas ang hagdanan....," bulong ni Billie na tila walang humpay ang pagkamangha sa lugar. Bukod sa mala-Cinderella na hagdanan isang bagay pa ang kumuha ng pansin niya.Habang nakasunod kay Ms.Karen at panay ang salitang nito napahinto ng hindi sinasadya si Billie. Napahinto siya sa tapat ng malaking painting na tila na nahi-hypnotize siya roon. Isang malaking painting ito ng babaeng napakaganda, may mahabang buhok at nakasuot ito ng puting damit.Napaupo ito sa damuhan at sa harapan nito ay isang puting lobo.Nakahawak ang babae sa lobo na kung buhay ang painting ay tiyak hinihimas nito ang balahibo ng lobo. " Ms.Francisco!," tawag ni Ms.Karen rito na nagpabalik sa diwa ni Billie sa katawang tao na tila saglit ay humiwalay. " Ah, pasensya na po.Masyadong maganda ang panting na'to," paumanhin ni Billie ng hindi maitago ang pagkamangha sa painting. Pasalamat si Billie kay Ms.Karen dahil pakiramdam niya ay hinihigop ng painting ang kaluluwa habang nakatitig lang rito. " You're right.That painting can talk to your soul but not to everyone," sambit ni Ms.Karen na malinaw na naiintinhan ang ibig sabihin ni Billie. " Ang laki po," ani Billie. " Shall we continue?," tungon ni Ms.Karen Nagkaroon ng mini-tour si Billie sa mansyon sa ilang bahagi nito.Nagsilbing tour guide si Ms.Karen para sa kanya.Pero sa laki ng mansyon tila nakalimutan nito ang mga pasikot-sikot, pakiramdam niya ay maliligaw siya kung mag-iisa lang siyang gagala roon. " Okay, hanggang dito na muna tayo.Ihahatid ka ng maid sa magiging kwarto mo.And feel free na mag-ikot-ikot rito at magtanong na rin sa mga maid at butler," bilin ni Ms.Karen bago ito umalis at mauna kay Billie. " Salamat po," ani Billie. Nakasunod sa maid.Walang pagsidlan ang pagkamangha ni Billie sa lawak ng hagdan ng mansyon. Sa isang malapad na pintuan ang hinintuan ng maid. " Dito po ang magiging ng kwarto niyo Ms.Francisco," buong galang na sambit ng maid na bahagyang nakayuko pa sa kanya. At ng buksan ito ng maid ang sikat ng araw mula sa mataas at malaking bintana ang bumungad sa kanya.Sapat na ito para bigyan liwanag ang buong kwarto. " Whoa.....,"halos malaglag ang panga ni Billie ng makita ang magiging kwarto niya. Sa sobrang lawak nito mas malaki pa ito dalawang classroom na pinagsama sa paaralan kung saan siya nagturo noon. Pagpasok ni Billie sa loob mas lalo pa siyang namangha.Lumang ang disenyo at istilo ng kwarto at pakiramdam niya nasa isang kwarto siya ng isang prinsesa na napapanood lang niya sa mga fairytale movie. " May kailangan pa ho ba kayo, Ms.Francisco?," tanong ng maid. " A,'yung maleta k-'," hindi na tinapos pa ni Billie ang sasabihin ng makita niya ang maleta sa gilid ng kama. "Ah, wala na naman.Salamat," dugtong na lang nito. " Kung ganun, mauna na ho ako," paalam ng maid. " Okay ho.Salamat po,". Pagka-alis ng maid tinungo ni Billie ang malaking bintana para dumungaw at mula sa kwarto niya matatanaw ang isang gazebo at sa tingin niya ay harden. "Gaano ba sila kayaman?..." napatanong na lang si Billie sa sarili. ๐Ÿบ๐Ÿบ๐Ÿบ๐Ÿบ๐Ÿบ (Clarence) Isang buwang ang nakakaraan ng alukin si Billie na maging isang private tutor.Hindi naman inaasahan ang nangyari iyon, ngunit tila tadhana dahil kaka-resign lang din niya sa dating paaralan na tinuturuan ng magkaroon ng s****l attack sa kanya ng co-teacher nito.Nagreklamo naman siya pero nanay nito ang may-ari ng school kaya anong laban niya.Pinili na lang niyang mag-resign.Sinubukan siya ng mga itong suhulan ngunit tinanggihan niya.Ganoon pa man tahimik na lang siyang nag-resign dahil ng mga panahon na iyon ay na-ospital ang ina at ayaw niyang makadagdag sa alalahanin nito kaya sinarili na lang ang nangyari.Taas-noo nitong tinanggihan ang offer ng mga nito sa kanya ng mga ito. Dahil wala pang makitang trabaho tinanggap na muna ni Billie ang alok ng isang kaibigan na magtrabaho sa convenient store nito.At doon niya nakilala ang batang si Clarence.Nasa grade five ito noon at palaging tambay ng convenient store bagay na hindi dapat sa edad nito. Napansin ni Billie ang bata kaya kinausap niya ito at doon na nga nakilala niya ang batang si Clarence.Simula noon ay palagi na silang nag-uusap at tinuturuan ito, ngunit lingid sa kaalaman ni Billie kaya pala ito tumatambay sa convenient store ay dahil palagi itong nabu-bully hanggang isang araw. Nang walang Clarence na nagpakita sa convenient store, nagtataka si Billie dahil may usapan sila.Nag-alala ito at kahit na pwede na siyang umuwi ng maaga ay naghintay pa rin ito sa bata.Hanggang sa maligaw nga Ms.Karen sa convenient store at pinakita ang picture ni Clarence dahil hinahanap nila ito.Walang pagdadalawang-isip na tumulong si Billie sa paghahanap. Alas 'y siete na ng gabi noon ngunit patuloy pa rin ang paghahanap kay Clarence at kahit na maaari ng hindi tumulong si Billie ginawa pa rin niya at siya nga ang nakahanap sa bata. Sa playground lang pala ito nagtatago, na maka-ilang beses na nilang sinuyod.Sa taas ng malaking puno ito nagkubli, nagpalipat-lipat lang upang hindi mahanap. Muling nagtungo si Billie sa playground at parang may nagtutulak na magtungo roon ulit, sa malaking puno.At doon nga niya nahanap si Clarence. " Huli ka na, kaya bumaba ka na diyan," sambit ni Billie habang nakatingala rito. Sumunod naman si Clarence at bumaba nga ito ng puno. " Anong ginagawa mo run?," mahinahon ngunit kaswal pa rin tono ni Billie para hindi maramdaman ng bata ang pagka-ilang o takot. " Wala lang po,". Napansin ni Billie na marumi ang polo ni Clarence at may mga galos ito sa braso. " Palagi ka ba nilang binu-bully?," deretsong tanong ni Billie na hindi na kailangan hulaan pa ang nangyari rito. Sapol ang damdamin ng bata.Napahikbi ito subalit pinipigilan na malaglag ang mga nangingilid na luha. " Ginagawa ko naman ang lahat pero ayaw nila sa'kin.Hindi ko alam kung bakit," at nagsimula ng magkwento si Clarence.Parang ilog na umaapaw ang damdamin nito. "Halika," aya ni Billie sa swing. Parehong naka-upo sa tig-isang swing ang dalawa.Kina-usap niya ng masinsinan ang bata pero sa paraang hindi kailangan nakaramdam ng awa nito sa sarili. " Alam mo palagi rin akong nabu-bully ng noon....," simula ng kwento ni Billie. ".....hanggang ngayon 'ata," dugtong nito.Hindi mapigilan maisip ni Billie ang nangyari sa kanya sa dating eskwelahan. Nagtaka si Clarence. " May nangbu-bully ho sa inyo ngayon?," tanong nito na tila hindi makapaniwala. " W-wala na 'yun," sagot ni Billie na ayaw mapunta roon ang usapan. " Kalimutan mo 'yun, ang punto ko.Noong bata ako nabu-bully rin ako, nasa elementary rin ako.Noong una hinayaan ko lang sila kasi para sa'kin kaya ko naman tanggapin ang mga sinasabi nila pero ng sinasaktan na nila ako, ibang usapan na 'yun.Dun, kailangan ko ng lumaban.Nag-practice ako ng karate....boxing....at kung anu-anong self-defense....isang araw, sinubukan nila akong i-bully,syempre lumaban ako.....," huminto si Billie. " Natalo niyo ho sila?,"tanong ni Clarence. " Hindi.Marami sila e, nabugbog ako,". Hindi napigilan ni Clarence ang tawa sa ending ng kwento ni Billie.Masaya naman si Billie na makitang nakangiti na ang bata. " S-sorry po, Ate Billie," paumanhin ni Clarence habang pinigil na ang tawa "Ayus lang.Masaya akong tumatawa ka na.....," ani Billie. " Nakakatawa di ba.Sila 'yung bully, sinubukan ko lang namang ipagtanggol ang sarili ko pero nasaktan pa rin ako...pero ang punto naman ng kwento ko.Sinubukan kong ipagtanggol ang sarili ko.Siguro nga nabugbog ako pero at least lumaban ako.Kasi ganun naman din, bubugbungin nila ako kaya mas mabuti na lumaban na lang ako," paliwanag ni Billie. "Kung ganun po okay lang ho mabugbog?," inosenteng tanong ni Clarence. " Hindi!...syempre hindi.," mariing sagot ni Billie.Nagkamali 'ata siya ng example rito. " Ang ibig kong sabihin hindi naman importante na matalo mo sila o manalo ka, basta naipagtanggol mo ang sarili mo, panalo ka na nun," dagdag ni Billie. " E, ano po'ng nangyari sa inyo pagkatapos nun?," tanong ni Clarence. " Lumipat ako ng eskwelahan.Ayaw ko ng mabugbog araw-araw noh,". Naging seryoso bigla ang mukha ni Clarence. "Pero hindi naman ganun ang dahilan ko kung bakit hindi ako lumalaban sa kanila....ayaw ko silang masaktan....gusto ko lang ng kaibigan," anito. " Wow, ang bait mo naman.Ayaw mo makasakit, tama 'yan pero dapat ipagtanggol mo rin ang sarili kung kinailangan," papuri ni Billie rito. " Hindi 'yun basta ganun...kapag hindi ako umiwas sa kanila, at sinubukang kong lumaban, masasaktan ko lang sila ng sobra...," mahinang dugtong ni Clarence. Hindi na narinig pa ni Billie ang sinabi nito. Dumeretso sa convenient store sina Billie at Clarence at doon naghihintay si Ms.Karen sa kanila. ๐Ÿบ๐Ÿบ๐Ÿบ๐Ÿบ๐Ÿบ Gerona J.R. ๐Ÿ™‚โ€โ†•๏ธ๐Ÿ™‚โ€โ†•๏ธ๐Ÿ™‚โ€โ†•๏ธ๐Ÿ™‚โ€โ†•๏ธ๐Ÿ™‚โ€โ†•๏ธ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD