PAGBARIL AT PAGKIDNAP JAMILLAH POV. SA dining room, naroon ang lahat ng miyembro ng pamilya Del Fuego. Ang aking mga magulang ay nakaupo sa tapat ko, parehong nakatingin sa akin. Hangga’t maaari, ayaw ko silang lingunin kaya pinagkaabalahan ko na lamang ang mga pagkaing nasa harapan ko. Tahimik ang buong silid; tanging tunog lamang ng mga kutsara at tinidor ang maririnig sa kabuuan ng silid. Ngunit makalipas ang ilang minuto, binasag ni Ninong Ruins ang katahimikan. Agad na napunta sa kanya ang atensyon naming lahat. “Baby ko… at sa inyong lahat, mga kapatid ko, nais kong ipaalam na dito muna mananatili ang mga biyenan ko.” Sandali siyang tumingin sa akin, para bang hinihintay ang magiging reaksyon ko. Hindi ako sumagot. Isang banayad na tango lang ang isinagot ko, at narinig ko ang

