ANG PAGKIKITA NG MAGKAPATID RUINS POV. Naramdaman ko ang pagbangon ni Jamillah kaya agad ko siyang sinundan. Papunta siya sa nursery room, at doon ako nagtaka. Bakit siya pupunta roon sa ganitong oras, samantalang nasa crib naman ang aming anak, at katabi lang ng kama namin? Isa pa, may connecting door mula sa loob ng silid namin; hindi na niya kailangan pang lumabas… maliban na lang kung naglalakad siya nang tulog? Mabilis ko siyang hinabol at naabutan sa pinto ng nursery. “Baby ko,” tawag ko habang hinahawakan ang braso niya. Pero bago pa ako makapagsalita ulit, biglang nagliwanag ang paligid. Napindot na niya ang switch ng mga ilaw. Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita kung sino ang naroon… duguan, pero may malay pa. Agad akong lumapit at inalalayan siyang tumayo, saka dahan-

