PAKIKIPAGKITA SA KAAWAY JAMILLAH POV. PARA lamang makaalis nang hindi nalalaman ni Ninong Ruins, kailangan ko muna siyang painumin ng pampatulog. Kanina, tumawag si Mr. Wyatt at sinabing maghanda na ako. Ngayon gabi raw ay dadalhin niya ako sa kinaroroonan ni Addison—ang babaeng labis na obsessed sa mga lalaking gusto niyang makasiping. “Baby, ano itong pinapainom mo sa akin? Parang maaga pa naman para matulog na agad tayo,” tanong niya habang napatingin sa orasan sa dingding. Alas-otso pa lamang ng gabi. Ngunit heto ako, pilit siyang pinapainom ng gatas. Alam kong hindi siya makakatanggi, ayaw niyang masaktan ang loob ko. “Ninong ko, gusto ko na pong matulog, kaya inumin mo na po ‘yan,” sabi ko habang muling dinampot ang baso at iniabot sa kanya. Nakita kong napilitan niyang tanggap

