SCANDAL RUINS POV. AYAW kong bumangon. Gusto ko lang manatili sa kama habang katabi si Jamillah. Alam kong gising na rin siya kanina pa, pero pinipili pa rin niyang manatiling nakapikit. Ramdam kong naghihintay siya sa kung ano ang sasabihin ko. Simula nang iligtas nila ako mula sa poder ng kanyang ama, hindi ko pa rin nagagawang magkwento sa kanya tungkol sa mga nangyari sa akin doon. Tanging si Wyatt, ang kapatid ko, lamang ang nakakaalam ng buong katotohanan. Kahapon, galing kami sa ospital para sa kanyang buwanang prenatal check-up. Dapat sana ay masaya kami pareho nang marinig mula sa OB-Gyn niya na malusog ang aming anak. Oo, nakangiti kaming nagpasalamat, ngunit pareho naming alam na hanggang labi lang ang ngiti, dahil sa likod noon, parehong puno ng lungkot ang aming mga mata.

