Prelude Shine

2260 Words
"Pasok na. Alam mo Lizette kung kailangan mo talaga ng pera hindi mo iisipin ang mga tao sa labas. Isa pa kakanta ka lang, wag ka ng maarte." napakapit ako sa laylayan ng palda ko sa kaba. "Kapag natipuhan ka ng isa sa mga customer ay tiba tiba ka pa. Baka isama ka pa sa ibang bansa ng mga 'yan." sinamaan ko siya ng tingin. "Eh kung ikaw kaya sipain ko papuntang ibang bansa?" ngumiti siya. "Pwede rin." sasagot palang sana ako nang tumikhim siya. "Huwag ka ng mag alala, basta kakanta ka lang naman." "Kakanta lang ako?" nakita kong lumikot ang mata niya bago tumango. "Oo." sagot niya pero hindi parin ako nakuntento sa sagot niyang iyon. "Mag ayos kana, bilisan mo at ilang minuto nalang ay darating na ang mga VIP." hindi na ako nakaimik pa nang lumabas siya ng kwarto. Napaharap ako sa salamin at tinitigan ang repleksyon ko. Tiningnan ko ang sarili ko. Nakasuot ako ng uniform dahil kauuwi ko lang galing school. Kailangan ko ng pera. Mag isa nalang ako sa buhay dahil wala na akong pamilyang aasahan. Namatay ang mga maulang ko two years ago, simula noon ako na ang bumubuhay sa sarili ko. Nasa isang high class na bar ako. Ang lalaki kanina ay si Kuya John, siya lagi ang nagbibigay ng part time job ko. Medyo nakakapanibago nga lang ngayon dahil mag peperform ako sa isang pang mayamang bar. Hindi lang basta basta pang mayaman ang bar na ito dahil nandito ang mga anak ng sikat na tao sa industriya ng politika at showbiz. Mga anak na nagwawaldas ng pera. Napailing ako. Hindi nila alam ang halaga ng pera. Mayaman kasi ang mga ito at sabi pa ni Kuya John, gabi gabi daw ang iba dito. Hindi ko na dapat sila inaalala. Kailangan ko ng magbihis. Nasa dressing room ako at napupuno ng iba't ibang sexy na damit. Kung hindi ko lang siguro alam, iisipin kong club itong pinasukan ko. Pinili ko ang pinaka disente na dress na kahit papaano naman ay natakpan ang dibdib ko. Halos lahat kasi ay off shoulder at may butas sa gitna, 'yung iba naman sobrang ikli. Ano ba ito? Napaka landi naman ng mga damit. Kakanta lang ako hindi ako mag popole dancing. Sinuot ko ang itim na dress. Fitted ito at hapit hanggang hita ko. Kung ano conservative ng harap ko ay 'yon naman ang ladlad ng likod. Maraming slit sa likod. Thanks to mama and papa's genes maputi sila. Maputi din kasi ako. Kinuha ko ang make up kit sa harap ko at naglagay ng kaunting blush on at lipstick. Naglagay din ako ng hikaw at kwintas na pearl. Puti ang kulay ng pearl at litaw na litaw ang kulay nito dahil nga itim ang suot kong dress at maputi din ang balat ko. "Lizette--" napalingon ako kay Kuya John na kabubukas lang ng pinto. "Gorgeous! Ang ganda ng napili mo." sinimangutan ko siya. "Siguraduhin mong kakanta lang ako ha?" tinapik niya lang ang braso ko. "Nagpakita ako ng balat ngayon, taasan mo ang bigay mo sakin. Kung hindi.." sinamaan ko siya ng tingin. "Oo na. Oo na. High class bar ito, dapat ikaw mukha ding high class kaya ayos 'yan. Tara na, nandyan na ang mga bisita." napalunok ako nang hilahin niya ako palabas. Bumungad sa akin ang pulang ilaw at ang usok na nagmumula sa mga lalaking nag iinuman. Napakaingay nila at ang iba sa kanila ay may babaeng nasa kaliwa at kanan nila. Napalunok ako. Parang ayaw ko na. "Andami naman tao.." inismidan niya lang ako at wala na akong nagawa nang itulak niya ako papunta sa maliit na stage. Nakita kong napatigil ang lahat at nalipat ang buong atensyon sakin. Tumikhim ako bago kabang humawak sa mic. Humugot ako ng hininga bago kumanta. Nagsimula ang tugtog. "I found myself dreaming, In silver and gold Like a scene from a movie. That every broken heart knows, we were walking on moonlight. And you pulled me close.." pumikit ako at dinama ang kanta. Nanginginig ang tuhod ko pero pinipilit ko paring maging maayos ang kanta ko. Alam ko namang matatapos din ang gabing ito. Hindi nila ako kilala at hindi ko din sila kilala. Wala naman akong ginagawang masama kaya hindi dapat ako mahiya. "So I'm gonna love you. Like I'm gonna lose you. I'm gonna hold you. Like I'm saying goodbye.." nang dumilat ako ay nakita kong nakatingin sa akin ang lahat ng nasa loob. Sa loob ko ay natuwa ako dahil kahit papaano ay pinapakinggan nila ang kanta ko. Nang matapos ang kanta ay nagpalakpakan ang mga tao. Karamihan talaga ay mga lalaking, mga naka suot ng itim na tuxedo at sumisigaw ang karangyaan sa bawat kilos nila. Tinapos ko ang tatlong kanta. Hindi na ako kinakabahan dahil na enjoy ko naman. Nang ngumiti ako at yumuko para magpaalam na sa stage ay may sumigaw na lalaki sa may dulo. "Let's drink babe! Come here!" tinaas niya ang baso niyang may alak. "Mukha mo.." inis na bulong ko. Mabilis na akong umalis sa stage at dumiretso na sa dressing room para makapagbihis at makauwi nadin. Medyo lumalalim na rin kasi ang gabi. "Liz! Huwag ka munang magbihis." biglang may humawak sa braso ko at hinila ako pabalik. "B-Bakit? Tapos naman na 'yung performance ko ah." umiling siya. Nilahad ko ang palad ko. "Pera muna bago ang lahat." huminga siya ng malalim bago dumukot sa bulsa niya. Isang puting sobre. Tiningnan ko kung magkano ang laman. Wow. 15k. Isang kanta lang. "Madadagdagan pa iyan kung gusto mo." kumunot ang noo ko. "May gustong makipagkilala sayo. Anak ni Mayor Santeverde." nanlaki ang mata ko. "Natipuhan ka. Tatabi ka lang naman doon at sasamahan siyang uminom. Mas malaki ang ibibigay niya kaysa sa pagkanta mo ngayong gabi." naningkit ang mata ko. "Hindi ako bayaran noh!" huminga ng malalim si Kuya John at hinawakan ang kamay ko. "Please? Ngayon ka lang naman nandito eh, dali na. Uupo ka lang doon. Ayon lang." umiwas ako ng tingin. "Ayoko." "Liz naman.." "May problema ba dito?" napalingon kami sa lalaking nagsalita sa likod namin. "S-Sir Rey.." nauutal na bati ni Kuya John at agad akong siniko. "Bumati ka, anak yan ni Senator Maniego." Ah. Ito pala ang anak ng bali balitang senador na kurap? Bahagya akong yumuko. "Good evening po." may hawak siyang baso na may lamang alak. Nagulat ako nang naglakad siya papalapit sakin. "Ikaw pala si Lizette." napalunok ako. Amoy siyang alak at kitang kita ang pamumula ng mata niya. "O-Opo." ngumiti siya. "Mind if you join me?" "Ano? T-Teka--" bago pa ako makapagprotesta ay hinila na niya ako sa malapit na table na punong puno ng lalaking nagtatawanan. Hinila niya ako paupo at napatingin ako sa hita kong masyado nang na expose dahil maikli na talaga ang dress kapag nauupo. "Oh! She's the singer right?" "She's hot." "What's your name?" "Let me pour you a drink." Napailing nalang ako ng sunod sunod dahil hindi na ako komportable dito. Hindi pwedeng magtagal ako dito. Kailangan ko pang umuwi. Napatingin ako sa lalaking anak ni Senator Maniego. Agad niya akong nginitian at napasinghap ako nang dumapo ang kamay niya sa hita ko. Kumanta lang naman ako, bakit kailangan ko pang makisalo sa lamesa ng mga ito? "Sorry po sir, kailangan ko pa po kasing umuwi." dire diretso akong tumayo at naglakad padiretso sa dressing room. Hindi ko kayang magtagal doon kasama ang mga lalaking iyon. Hindi naman ako bayaran para i-table nila. Baliw talaga yang si Kuya John, sa susunod hindi na ako tatanggap ng trabaho mula sa kanya. Dali dali kong kinuha ang damit ko at magbibihis na sana nang biglang bumukas ang pinto. Napaatras ako. "I-Ikaw?" pumasok ang lalaki kanina. Si Rey. "Bakit ka naman umalis ng ganon? Napahiya mo ako sa mga kaibigan ko." napalunok ako at napaatras. Gusto ko pa sanang magbihis pero sa tingin ko ay wala na akong oras. Habang papalapit siya ay umaatras ako. Bigla ulit bumukas ang pinto. Gusto kong humingi ng tulong sa lalaking pumasok. Pero nagkamali ako. Lasing din ang isang lalaki at ngumisi nang makita ako. Sa pagkakatanda ko, siya ang anak ni Mayor Santeverde. Nakita kong nilock niya ang pinto at naglakad din papalapit sakin. "A-Anong kailangan niyo sakin?" kinakabahang na tanong ko. Hindi naman ako matapang, may attitude lang. Hindi ko kaya ang mga ganitong eksena. Gago ka, Kuya John. Pag ako na deds, ikaw susunod ko! Nagkibit balikat ang isang lalaki. "What do you think?" "Ayaw mong magpakilala. Ngayon lang kami nakakita ng magandang tulad mo dito, dagdag pa ang boses mo. Sobrang nakaka.." ngumisi ang anak ni mayor ng nakakakilabot. "Don't get me wrong I'm not a pervert. I'm just being sincere." I bit my lip to calm myself. Wala ng time para magbihis kaya no choice akong ganito. Napatingin ako sa isang pinto sa dressing room. Hindi ko alam kung saan papunta iyon pero doon ako tatakbo. Nagbilang ako ng tatlo sa isip ko bago ako mabilis na tumakbo papunta doon. Mabuti nalang bukas! Nang buksan ko ang pinto ay agad ko iyong sinara at tumakbo sa kung saan. Nakita ko ang maraming pintuan ng kwarto at may narinig pa akong mga kakaibang ungol at sigaw. So this is the censored area? Wth. May nakita akong isang bukas na pinto at sinilip ko iyon. Nakita kong hallway na iyon palabas pero bago pa ako makalabas ay may humawak na sa braso ko. "Aahh! Pakawalan niyo ako!" tinulak ko sila pero tumawa lang sila. "Hindi ka kasi dapat tumatakbo. Pinahihirapan mo kami." "Sumama ka nalang kung ayaw mong mamatay." napalunok ako. Alam ko namang kayang pumatay ng mga ito eh. Mga mapanganib na tao sila at sabi sakin ni Kuya John lahat ng lalaki sa loob na anak ng mga personalidad ay mga miyembro ng iba't ibang fraternity. Wala akong laban. No! It can't be! Ngumisi sila. "Huwag ka ng maarte, tara!" pilit nila akong binabalik sa loob. Sorry pero.. "OW f**k!" sinipa ko sila sa 'where it hurts the most' sabay takbo. "Bumalik ka dito!" imbis na lumabas na ay dinala ako ng baliw kong paa paakyat ng hagdan na nakita ko. Hindi ko alam kung saan ako papunta, basta aakyat ako. Sobrang sakit na ng paa ko dahil sa heels na suot ko pero hindi ko yon ininda. Nang makarating ako sa second floor ay napatanga ako sa ganda. Angas naman ng bar na ito. Kung sa baba ay maingay dito naman tahimik, pero hindi ito bar. Para siyang suite dahil may kanya kanyang kwarto. May class. Walang ingay na ano. Sobrang tahimik. Napatingin ako sa hagdan at nakita kong papalapit na sila. Agad akong napatakbo. May nakita agad akong hagdan paakyat. Hinubad ko ang heels ko at tinapon sa basurahan sa gilid ko. Hindi dapat ako marinig. Mabilis akong umakyat nang marinig ko ang mga boses nila. Nang tumingala ako ay medyo mahaba pala ang hagdan na ito. Parang stairway to heaven. "Tingnan mo doon!" Napapikit ako sa kaba. Hindi dapat ako ganito ngayon, sana hindi ko nalang tinanggap ang ganitong trabaho. Nang makita ko ang isang itim na pintuan ay dahan dahan ko iyong binuksan at pumasok. Medyo madilim na sa parteng ito. Hindi ko alam na malaki pala talaga ang bar na ito, sobrang daming kwarto. Nang isara ko ang pinto ay nanigas ako sa putok ng baril na narinig ko. Natutop ko ang bibig ko at hindi makapagsalita. Dahan dahan akong naglakad at sinilip kung anong meron sa loob. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. P-Paanong may nangyayaring ganito dito? "Pinagkatiwalaan ka ni President tapos sasaksakin mo kami patalikod?" tinutok ng isang lalaki ang dulo ng barili niya sa babaeng nakatali ang kamay sa likod at nakatape ang bibig. Puro pasa ang katawan niya. Babae siya! Anong kademonyahan ang ginawa nila sa babaeng iyon?! "Hoy! Huwag mong kalimutan na isa ka lang puta!" sinampal niya ito ng baril. "Tawagan niyo ang ibang bata natin. Kailangang makuha na si Senator Delgado bukas na bukas din. Hindi pwedeng manalo ang ulupong na matandang 'yon!" nagsikilos ang agad ang mga lalaking inutusan niya. Mabait na senator 'yon ah. Best friend 'yon ni mama. Mabait siya. Sa sobrang gulat ko ay hindi ko mapigilan ang mapasinghap at sa di inaasahan natabig ko ang karton sa gilid ko. Nanlamig ako at napapikit ng mariin. "Tingnan niyo! Mga gago! Sinabi ko ng isara ang pinto! Mga gunggong!" umupo ako at tinakpan ang bibig ko. Naririnig ko na ang mga hakbang nilang papalapit sakin. Nanginginig ang kamay ko sa kaba. Napatingin ako sa bandang kanan ko. May bukas na ilaw at may pinto. Isa na namang kwarto. Isip. Lizette. Isip. Kapag nagtagal ako dito ay mahuhuli at mahuhuli nila ako. Kapag tumakbo ako pwede akong mabuhay. Hindi ko alam ang nasa kwarto na iyon pero.. Bahala na! Tinulak ko ang mga karton sa mga papalapit na lalaki at tumakbo papunta sa pintuan na iyon. "Hulihin niyo siya!" rinig kong sigaw ng lalaki. Salamat at hindi locked. Nang mabuksan ko iyon ay nakita kong hindi iyon kwarto kundi kusina. Daan pabalik ng dance floor! Hindi ako pwedeng pumunta doon. Tiningnan ko ang napakadilim na paligid. May isa pang pintuan bukod palabas sa dance floor. Lumapit ako doon at binuksan iyon. Nakita ko agad ang isang hallway at may pulang red carpet sa sahig na parang sobrang mamahalin ng lugar na ito. Madilim at walang ilaw. Sakop pa ba ito ng bar? Hindi ko na alam kung saan ako papunta. Basta patuloy lang akong naglakad. Napahinto agad ako nang marinig ko ang boses ng dalawang lalaki. Shit. Tumalikod ako at babalik sana nang marinig ko ang ingay ng mga lalaking humahabol sakin. Pinagpapawisan ako sa kaba. Saan ako pupunta? Nagpabalik balik ang tingin ko at rinig ko ang mga boses nilang papalapit. Bago pa ako makapag isip ay may bumukas na pinto sa gilid ko at hinila ako papasok. Hindi na ako nakapalag nang takpan niya ang bibig ko. Napasandal ako sa pader. Isa na namang kwarto. "Hmff--!!" "Do you wanna get caught?" napalunok ako sa lalim ng boses ng lalaki. Umiling ako sa tanong niya. "Then shut up." dumoble ang kaba ko kahit mabango siya. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD