Naalimpungatan ako dahil sa hangin na dumadampi sa mukha ko, I slowly open my eyes and saw the cloudy sky. Where am I? Unang tanong sa isipan ko at ng maalala ang nangyari kagabi ay mabilis akong napabangon at inilibot ang paningin lalo na sa banda kung saan nakaratay si Lucifer. “L-lucifer?” nauutal na ani ko ng hindi ko makita ang kanyang katawan.
Naalala ko talaga na doon ko siya iniwan matapos kung tahiin ang kanyang sugat, mabuti na lang at nakuha pala nilang Lazarus at Ambrose ang medical kit na sinasabi ko dahil kung wala. Wala kaming pagpipilian at isa sa amin ang bababa sa kabilang isla upang bumili ng medical kit.
Dahan dahan akong tumayo mula sa hinigaan upang hanapin ang katawan niya, alam kong ligtas siya dahil naagapan ko agad ang sugat niya. Kaya imposibleng may nangyaring masama sa kanya, mabagal akong naglakad papasok sa isang cabin ng namataan ko sh Lucifer, makatayo habang may hawak na sigarilyo at naliligo ng dugo. “Lucifer? Lucifer? Bakit hindi ka nagbihis? Atsaka bawal kang maanigarilyo—” Napaatras ako ng lumingon siya sa akin at nanlilisik ang kanyang matang tumingin sa akin, mabilis kong nahawakan ang kanyang kamay ng sinakal niya ako.
Why is he doing this to me? Why? Matapos kong sagipin ang buhay niya ay papatayin niya ako? Lucifer, why— “Austria? Austria? Austria, wake up.” mahinang pagtawag sa pangalan ko ang narinig ko.
“Mmm…” ungol ko at agad na bumalikwas ng bangon at hinihingal na umupo ng maayos. Tinignan ko agad ang gumising sa akin at nakita ang napakalinaw na mukha ni Lucifer, may bandage pa din ang kanyang katawan at mayroon ding band aid ang kanyang mukha.
Mabilis akong lumayo sa kanya ng maalala ng sinakal niya ako, mabilis ko din nilibot ang tingin ko ay nakitang nasa-gitna kami ng dagat. At maraming mga tauhan niya ang nasa paligid. “Nasaan tayo?” tanong ko at hindi tumingin sa kanya. Nanginginig ang kalamnan ko dahil sa kanya, I wanted to asked him pero alam ko naman na hindi niya ako masasagot lalo na nasa panaginip ko yon ng mangyari.
“Mindanao—”
At sa huli ay napatingin ako agad sa kanya ng marinig ang kanyang sinabi, nasa Mindanao raw kami na agad nagpatibok ng dibdib ko. Mama Melinda’s house is located at Mindanao dahil doon ako lumaki sa kanya kasama si Papa Ronaldo. “Mindanao? You have a place here?” tanong ko sa kanya at agad na tumingin sa malawak na karagatan.
“Yeah, some of the meetings and transactions were going to discuss it here.” Seryosong sagot niya sa akin at humithit sa sigarilyo.
Mabilis ko naman itong hinablot at napairap na lang sa ere, “I’m not treating your just to smoke when you wake up, your not allowed to smoke anymore.” sabi ko at tinapon ang sigarilyo sa tubig ng dagat.
Naghintay ako sa sermon niya ngunit wala itong sinabi, kaya naman ay kaagad akong napatingin sa kanya at gumapang agad kaba ko dahil sa kakaibang klase ng pagtitig niya sa akin. “What?” tanong ko pa sa kanya ulit ng mahimasmasan.
“You have the guts to cut me open just to get the bullet inside me.” Ani pa nito at ibinaling ang tingin niya sa karagatan tulad ng ginawa ko kanina.
Hindi ako umimik, tulad ng ginawa niya ay humarap ako sa malawak na karagatan.
“You did a good job but I don’t want to stain your hands.” Dagdag nito at marahan na tumingin sa akin at binalik lang din naman ang tingin sa dagat. “I know your scared at that time, pero huwag mong ipagpalit ang kaligtasan mo para iligtas ang hindi mo naman ka ano-anong tao—”
“Ano? Anong gusto mong gagawin ko, Lucifer? Papanoorin ka na naghihingalo? Papanoorin ka na nilalabanan ang mundo para lang mabuhay?” Nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya, “I’m not heartless person you know that, ayaw ko lang dalhin ang guilty kung hindi kita ginamot. Baka mamamatay ako tapos guilty parin akong hindi ka tinulungan upang mabuhay.”
“Your right—yeah, sino namang tao ang gustong ma-guilty habang buhay di ba?” Ani pa nito at agad na tumingal, “Honestly, I don't mind if that night I'm dead.”
Tumigil ang paghinga ko at pilit pinigilan ang sarili na hindi siya sagutin at tignan, “Xyriel will be worried.” Deretsong ani ko at agad na tumalikod upang makapunta sa loob, nagugutom ako kaya kailangan kong maghanap ng makakain.
Nakahinga ako ng malalim ng hindi siya sumunod, mabilis naman akong nakapasok at dumeretso sa maliit na kusina ng yacht, pagbukas sa maliit na fridge ay puro mga prutas lang ang nandoon. Bumuntong-hininga ako at agad na kinuha ang isang apple at yon na lang ang balak na kainin.
“You have a good outside,” isang baritono na boses ang nagmula sa likuran ko.
“Ay palaka!” Sigaw ko dahil sa gulat, “Tangna naman Lucifer! Mamatay ako sa gulat hindi sa tama ng bala!” Sigaw ko ulit sa kanya ng sobrang bilis pa din ng t***k ng dibdib ko. Ano ba siya kabute? Bigla-bigla kang susulpot eh.
“Tsk! May pagkain ka sa upper deck.” Ani nito at agad na tumalikod at umalis.
Muli ay bumagsak ang balikat ko at agad na naglakad paakyat sa upper deck, sobrang sosyal ng yacht na ito dahil may sariling cabin at upper deck pa, maliban din sa magara ang kagamitan ay halatang sobrang mahal nito. Pagdating ko sa itaas ay nakita ko si Xyriel, nakatambon ang kanyang mukha gamit ang maliit na libro. Naniningkit ang mata ko ng makita ko ang title ng libro, isa itong erotic novel at sa mukha niya ay hindi halatang mahilig siyang magbasa ng mga ganyang nobela.
( The book Xyriel read, my friend wrote it at meron din yan dito sa app ☺️)
“Don’t laugh.” malamig na sabi ni Xyriel at hindi pa naman tinanggal ang libro niya sa mukha.
Natigil ako sa balak na gagawin, nakakatawa naman talaga. “I know that book, it's nice pero sobrang spicy—”
“I didn’t ask you about it.” Ani nito at agad tumayo habang bitbit ang libro ni Luther, isa ito sa sikat na manunulat sa Pinas at ang binabasa niya ay ang libro nitong Ninong profano’s plea.
Napapailing na lang ako habang sinusundan siya ng tingin, pababa ito at mukhang nainis ko pa. Huminga ako ng malalim at nilapitan ang isang maliit na table kung saan ang pagkain, isang fried rice, beacon at sunny side-up egg. Hindi pa man ako tuluyang nakalapit ng tumunog agad ang tiyan ko, hudyat na gutom na.
Kaagad akong umupo at kumuha ng pagkain, hindi naman malaki ang lamon ko pero mukhang mapaparami ako ng kain ngayon. Habang kumakain ako ay namataan ko si Lucifer at Xyriel sa ibaba. Ang mga daliri ni Xyriel ay naglakbay sa katawan ni Lucifer, para akong sinakal sa hindi malamang dahilan. Napalunok ako ng tinulungan ni Xyriel si Lucifer na hubarin ang shirt nito, para silang nag-aano sa ginawa nila.
“Shít! I don't want to see Séx live, but that's Xyriel and boss I loved to see it.” Biglang may nagsalita sa bandang likuran ko. Napakurap-kurap pa ako dahil sa nangyari at nilingon ang mga taong nasa likuran ko. Si Lazarus, Ambrose at Gabriel.
“Gago ka ba! Myloves ko yan eh! Dapat akin lang siya—” parang batang pagmamaktol pa ni Gabriel.
Hindi ako umimik sa bangayan nila at mahinang kumakain, “Tang-ína Gabriel! Ang lakas talaga ng fighting spirit mo!” Natatawa na sigaw naman ni Lazarus sa kaibigan.
“Kaysa naman sayo, di mo nga masabi kay Talya na gusto mo siya—hsjgskak.” hindi na tuloy ni Gabriel ang sasabihin ng tinakpan ni Ambrose ang bunganga nito.
“Gagó ka ba?! Hinahamon mo ba ako?!” Sigaw ni Lazarus at hinila nito si Gabriel mula kay Ambrose.
“Isa ka pa! Kawawa si Monique sayo eh! Nakatagpo ng walang puso—Aráy naman Lazarus!”
Napapa-iling nalang ako dahil sa kakulitan nilang tatlo, puro sila mga hindi normal isa na si Lucifer.