Pinakatitigan ko ang sarili sa salamin. Nakikita ko na naman ulit siya… ang babaeng nasaktan noong nakalipas ng taon. Dala-dala na naman niya sa kaniyang mga mata ang pinaghalong kalituhan, takot, at pangamba sa kung ano ba ang mangyayari bukas at sa susunod pa na mga buhay. Namumutla ang mga labi ko kaya naglagay ako ng lipstick. Inilugay ko rin ang aking buhok na umaabot hanggang sa ibaba ng balikat. Paano nangyari na sa pisikal na anyo ay hindi ko na nakikita ang dating Tamara pero sa kailaliman ng aking mata ay naroon siya. I sighed. I am overthinking everything. Ang kailangan ko lang gawin ay bisitahin si… Coco. I made a decision. Hanggang wala pa siyang naaalala ay tatawagin ko pa rin siya sa pangalan na nakikilala ko. Calling him Marco would make me uncomfortable. Maging na rin sa

