Narinig ko ang mahinang pag-ubo ni Prince sa tabi ko. Tinignan ko siya at nakita ko na nakatingin lang siya sa sahig. Obviously, ang awkward ng tagpo na naabutan niya. Dahil sa kahihiyan ay lumapit ako kay Marco. Humawak ako sa dibdib niya at marahan na itinulak siya pabalik sa kwarto ko. Para akong nakuryente nang lumapat ang palad ko sa kaniya pero tiniis ko iyon. Masama ang tingin na tinignan ko siya. “Magbihis ka na muna, pwede? May bisita ako,” mahina ngunit mariin kong sabi sa kaniya. Walang may alam kung gaano ako nahihiya ngayon. Kung kailan naman kasama ko si Prince ay saka naman nandito si Marco! Buong akala ko talaga ay wala na siya. And f**k him and his excuse to his boss. Nag-aalala sa mag-ina, my ass. “Okay,” nakangising wika niya. Agad akong lumayo sa kaniya nang tuluya

