He can talk?! Sinabihan niya ba ako na maganda ako? Or nagkamali lang ako ng dinig. “Nakakapagsalita ka?” hindi makapaniwalang tanong ko. Ngunit ang inaasahan ko na pagsagot niya ay hindi nangyari. Nanatili siyang nakatingin sa akin na parang walang nangyari. Tama, ako lang ang nagkamali ng dinig. Masyado na akong pagod para makarinig ng kung anu-ano? Nang malagyan ko na lahat ay saka ko inilagay ang kayang takpan ng bandaid. Sa bawat lapat ko roon ay nakasunod ang tingin niya. Habang tumatagal din ay nakakaramdam ako ng inis sa mga tao na gumawa nito sa kaniya. “Anyare diyan, ineng?” biglang tanong ng nasa loob ng tindahan. Out of instinct siguro ay tumayo si Coco na parang natakot sa nagsalita. So, he can hear but he can’t talk? Paano nangyari iyon? “Napagdiskitahan po ng mga

