Naalimpungatan ako dahil sa sobrang init. Nagising ako na nasa kwarto pa rin. Unang pumasok sa isip ko ay si Marco, nakauwi na kaya siya? Bumangon ako at walang ingay na naglakad papunta sa pinto ko para silipin kung nasa sala na ba siya. But I felt a pang of disappointment when I saw no one in my living room. Tuluyan na akong lumabas dahil wala pa rin si Marco. Bumuntong-hininga ako. Tinignan ko ang oras sa hawak kong phone, malapit na mag-ala una. Ilang araw pa lang rito si Marco pero hindi pa siya kailanman umuwi ng ganitong oras. Should I be worried for him? Ibinaba ko na ang pride ko. Hinanap ko ang number niya para tawagan siya. Pero bago iyon ay sinabi ko sa sarili ko na kapag hindi siya sumagot ng isang beses ay hindi ko na ulit tatawagan pa. O kung may marinig man akong ka

