Paano mo mamahalin ang lalaking ginamit kalang para sa sariling kapakanan?
Panakip sa hindi dapat takpan?
Paulit-ulit na inaayos ang maling kailanman ay para sa 'yo ay hindi kasalanan?
Paano mo nga naman mamahalin ang may minamahal na iba? Mananatili ka na lamang bang pangalawa sa taong higit sa lahat ay iyong inuuna? Paano ka magmamahal ng taong pinilit kang gayahin ang matagal nang wala?
Paano?
"Giovanni... I want the truth and nothing but the truth," nanghihinang sabi ni Bea sa mahal na mahal na asawa.
Nakatalikod lang si Gio sa kanya halatang huling-huli na sa akto.
"Just tell me the f*****g truth,Gio! Sobrang sakit na," sigaw na niya dito kaya napaharap na ito sa kanya at halo-halo ang emosyon sa gwapong mukha ng lalaking iniibig.
"About what Bea?! About what?!" sigaw nito kaya unti-unti nang tumulo ang mga luha sa mga mata niya.
Nilalabanan niya ang naglalambot na tuhol. Hindi pa pwede.
Magsinungaling kalang Gio. Tatanggapin pa din kita at hahayaan ang lahat. Magsinungaling kalang sa akin. Handa akong magpakatanga habangbuhay.
"Did you ever loved me? Just like her, did you ever loved me, Gio?" mahina niyang tanong habang nakakuyom ang mga kamao.
Please, say yes!
Napayuko na ito.
"I don't know Bea. But one thing I'm sure I love her so much but I care for you. I really do! Please believe me. Kung may bagay akong hindi kasinungalingan at pang palabas lang ay 'yon ay mahalaga ka sa akin," seryoso nitong sabi na kanya pero tumalikod na siya
"Thank you, Gio." Napalunok siya ng muntik mabasag ang sasabihin niyang salita. "Thank you for finally telling me. Thank you so much. Thank you." 'Yon ang huli at iniwan niya ito.
Magpapahinga lang ako tapos lalaban at hindi hahayaan matapakan ulit.
He's mine.