Chapter 5

3135 Words
Bea's POV "Maaga ka bang uuwi ngayon? Ito ang unang araw mo bilang CEO, 'di ba?" tanong ko kay Gio at inaayos ang neck tie niya dahil mukhang hindi siya marunong maglagay ng neck tie. "Bakit ang galing mong mag-ayos ng necktie?" tanong ni Gio sa 'kin kaya malakas akong natawa. "No'ng nawala si Mommy ako na gumagawa nito kay Dad," sabi ko sa kanya at ngumiti. Pati kay Keith ginagawa ko ito kapag tamad na tamad siyang magnecktie. Lalo na sa uniform niya noon. Papasok 'yon na gulo gulo ang neck tie dahil tamad na tamad ayusin. "Ikaw kailangan mong matutunan magkabit ng necktie," Sabi ko kay Gio pero umiling-iling lang siya sa akin. "Hindi ko hahayaan na matututo akong magkabit ng necktie. Nandiyan ka naman para kabitan ako," sabi niya sa akin kaya malakas akong natawa. "Abuso ka," sabi ko sakanya at hinampas siya sa balikat pagkatapos kong ikabit sa kanya ang necktie niya. "Asawa mo naman ako e," malambing na sabi nito kaya napailing ako. "Aagahan kong umuwi mamayang gabi para hindi ka maiwan mag-isa dito ng matagal," sabi niya kaya tumango ako. "Anong gusto mong ulam ngayong gabi?" tanong ko sa kanya kaya nag-isip naman siya kunwari. Hindi ko talaga mapigilan na humanga sa kagwapuhan na taglay ng asawa ko. Ang swerte swerte ko dahil ang pogi pogi niya talaga. "Kahit ano nalang. Impress me Bea," nakangiting sabi niya kaya napangiti ako. "Sige na umalis ka na. iwe-welcome ka pa ni Papa," sabi ko, naninibago pa rin ako sa tawag na Papa sa ama ni Gio pero masasanay din naman ako dahil ilang hakbang lang naman ay bahay na ng mga magulang ni Gio. Baka daw kasi madalas din dumalaw dito ang Mommy ni Gio kaya talagang masasanay ako. Kailangan kong masanay. "See you later," malambing na sabi ng asawa ko kaya tumango naman ako. "Kapag nabored ka dito sa bahay pumunta kalang sa bahay nila Dad." "Noted Sir," nakangiti kong sabi kaya tumango si Gio at lumabas na ng bahay. Napangiti nalang ako at tatalikod na sana sa pinto ng bumalik si Gio. Nagtataka naman ako dahil wala naman akong alam na naiwan niya. "May nakalimutan ka?" tanong ko sa kanya pero nagulat ako ng lumapat ang halik niya sa noo ko kaya nagulat ako. Gulat na gulat at parang biglang tumigil ang nasa paligid namin ni Gio. Nang lumayo sa akin si Gio ay nginitian niya ako kaya lumabas ang magkabilang biloy niya sa pisngi. "I forgot to kiss my wife, so I came back to kiss you," sabi niya at ngumiti sa akin pero talagang gulat ako sa ginawa niya kahit sa noo ko lang siya humalik. "See you later." Sabi niya at iniwan na nga niya akong gulat dahil sa ginawa niya. Katulad ng mga nakaraang araw ang puso ko ay parang hinahabol dahil sa bilis ng t***k at ang mga paru-parong nagliliparan sa t'yan ko ay nandiyan na naman para bigyan ako ng kilig sa katawan. Hinalikan lang naman ako ng asawa ko kanina! Hinalikan niya ako sa noo pero ganito agad ang epekto niya sa akin. Ganito ba kabilis magpalit ng minamahal? Maybe my love for Keith is gone. Nang ganito kabilis. Third Person's POV Kinakabahan si Gio dahil hindi naman niya alam kung paano magpatakbo ng isang kumpanya. Lalo na patungkod sa mga sasakyan ang business ng ama niya. COO naman ang nakakabatang kapatid kaya siguro naman ay gagabayan naman siya. "Kuya," napatingin siya sa likod niya ng makita ang kapatid sa ama na naka-attire din. "Saan ang opisina ko dito?" tanong niya pero pinatigas niya ang boses niya para ipaalam dito na seryoso siya at wala siyang balak na makipag-close dito. "Pinaka mataas na palapag. You have a private elevator over there," sabi nito at tinuro kung saan ang pribado niyang elevator. Sobrang taas ng building na ito hindi niya alam kung bakit ganito kataas ang building ng ama. Hindi lang business sa sasakyan ang pinamana sa kanya ng ama kundi ang ang business nito ng mga iba't ibang bentahan ng jewelry pero mas namamayagpag talaga ang bentahan ng sasakyan ng ama. Mamahalin ang mga sasakyan na binebenta ng kumpanya ng ama na ngayon ay sa kanya na. May branches na ito sa buong pilipinas at meron na din sa iba't ibang panig ng asia. "Halika at pumunta tayo sa garahe ng mga sasakyan," sabi ng kapatid at hinila siya at dahil sa gulat ay mabilis niyang winaksi ang pagkakahawak sa kanya ang nakakabatang kapatid. Nakita naman ng kapatid ang disgusto sa mukga niya kaya napaiwas ito ng tingin. "I'm sorry. I didn't mean to touch you," sabi nito sa kanya. Halata naman dito na trying hard ito sa pagtatagalog. Anong tingin sa kanya? Na hindi siya marunong magtagalog? "Hindi mo kailangang tagalugin ako. Kaya kong umintindi ng ingles," sabi niya dito. Mas matanda lang ata siya ng isang taon dito. "Gusto ko lang mapalapit sa 'yo," sabi nito sa kanya kaya nangalit ang mga panga niya. Ayaw niyang mapalapit sa kapatid niya o kahit na sino na konektado sa ama niya. Hindi niya kayang mapalapit sa taong nanakit sa nanay niya. Hindi niya kaya, kahit na ilang pera ang ibigay sa kanya ng mga ito mapatawad niya lang ay hindi niya maibibigay 'yon. "Hindi na kailangan. Gawin mo ang trabaho mo dito at 'wag mo akong pakialamanan," sabi niya at tumalikod sa kapatid. Pero humarang ito sa harapan niya. "Come on, Kuya Gio. May ipapakita lang ako," sabi nito at ngumiti sa kanya. Ang kulit ng kapatid niya. Nang makita niya ito noon ay seryoso naman ito at walang nababakas na kapilyuhan sa mukha. "Don't mess with me. Hindi mo gugustuhin na magalit ako," sabi niya pero tumawa lang ang kapatid. "Kuya bakit parang nilalayo mo ang sarili mo sa akin?" tanong nito na medyo hindi pa kabisado ang pagtatagalog. Para siguro makipagsabayan sa kanya. Anong tingin nito sa kanya? Na mababa pa ring siyang tao dahil kabit ang mama niya? "Don't ever come near me again," malamig na sabi niya sa kapatid kaya napayuko ito at malakas na tumawa. "Why are you distancing yourself from me? What I have done to you?" tanong pa nito sa kanya kaya natigilan siya at mabilis na umiwas ng tingin. "'Wag mo nalang akong lalapitan," sabi niya at napalunok ng ilang beses. "If you don't want me to come near you, get out of our lives. Nirerespeto ko lang ang desisyon ni Dad at ikaw. Pero 'wag mo din akong pupunuin," sabi nito at tumalikod sa kanya. "Follow me if you don't want me to drag you down," sabi nito at nauna ng naglakad. Hindi naman ngayon ang unang araw na nalibot niya ang garahe pero ngayon ang unang pasok niya sa building. Dahil sa inis ay sinundan niya ang kapatid at hinila papaharap sa kanya. "If you are angry to me because Dad give this company to me, tell me face to face. I'm not afraid to you," mahinang sabi niya at tinitigan ang kapatid sa mga mata. Ngumisi lang ito at mabilis na winaksi ang kamay nitong nakahawak sa kanya. "Don't touch me. Hindi ako galit kasi sa 'yo binigay ni Dad ang kumpanya. I can build mine. Pero galit ako kasi may kapatid akong napakataas ng pride," sabi nito at tinalikuran na siya nito. Hindi niya alam pero sampal sa kanya ang sinabi nito. Tama bang tinanggap niya ang alok ng ama niya? Kasi dahil dito baka hindi niya matupad ang pangarap niyang magpatayo ng sarili niyang kumpanya na masasabing masaya siya. Nagpapanggap siya na tungkol sa pagpapatakbo ng business ang natapos niya pero hindi. Isa siyang Civil Engineer, may diploma siya na nagpapatunay na natapos niya ang gusto ng ina niya. Nang nasa maluwang na garahe na sila ay humarap sa kanya ang kapatid. "Ang grey na 'yon ang regalo sa 'yo ni Dad. Mamahalin ang sasakyan na 'yan kaya sana ingatan mo." Napatingin siya sa tinuro nito at ganon nalang ang gulat niya ng makita ang sasakyan na binigay ng ama. "Magkano ito?" tanong niya dito dahil dati ay pangarap niya lang na magkaroon ng kotse at hindi niya inaasahan na ganito ang ibibigay sa kanya ng tadhana. "15 milyon pesos," mahinang sabi ng kapatid kaya hindi niya mapigilan na malula dahil sa mahal ng sasakyan nasa harapan niya. Hindi lang ito ang mamahaling kotse sa garahe ng kumpanya nila pero ang nasa harapan niya ngayon ay sa kanya. "Ferrari 458 Italia," mahinang sabi niya at hinaplos ang mamahaling sasakyan. Mas gugustuhin pa siguro niyang magalusan 'wag lang ang kotseng nasa harapan na siyang bumabaliw sa kanya ngayon. "Hindi lang 'yan ang makukuha mo kapag napatakbo mo ng maayos ang kumpanyang ito," sabi ng kapatid kaya napatingin siya dito pero tumalikod na ito at naglakad papalayo pero nagsalita siya sapat para marinig nito. "Help me run our company," mahinang sabi niya pero sapat para marinig ng kapatid niya at natigilan sa paglalakad. "It's your company. You're my brother, so why not?" sabi nito at tinaas kanang kamay para ipaalam sa kanyang mauuna na siya. Napabuntong hininga siya pero sumigaw ang kapatid niya. "Sumunod ka na at ipapakilala ka pa sa buong employees dito sa company. Mas madami pang mas maganda diyan," sabi nito pero sa kanya ay sapat na muna ito. Bea's POV Gabi na umuwi si Gio at halatang pagod na pagod ang asawa ko dahil mukhang nahirapan ito sa trabaho. "Nag-dinner ka na? Mukhang pagod na pagod ka," sabi ko kaya nag-angat sa akin ng tingin ang asawa ko. Nakaupo siya sa sofa at kitang kita sa mga mata niya ang pagod. "I'm fine. Nabigla lang siguro ako dahil first time ko," sabi ni Gio kaya napatango-tango ako. Hindi ko akalain na hindi pa sanay ang asawa ko sa pagpapatakbo sa kumpanya nila. Akala ko kasi sinasanay na siya ni Papa George kasi business nila itong pamilya. "Gusto mo bang ihanda ko muna 'yong paligo mo? Para naman ma-relax ka kahit na papaano," sabi ko sa kanya kaya gulat na gulat siyang napatingin sa akin. Nagtataka naman ako kung bakit dahil wala naman akong sinabing hindi maganda. Tsaka baka dito ako magtratrabahon, kailangan ko din naman kumita. Magpapatayo nalang siguro ako ng office ko at si Papa George na daw ang bahala do'n. Nakakalula ang yaman ni Papa George. "Let's eat first," sabi niya sa akin kaya tumango ako pero bago ako tumalikod ay tinawag niya ako kaya napalingon ako sa kanya at sakto naman ang pagtayo niya kaya naglapat ang mga labi naming dalawa. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat at dahil sa kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Biglang namanhid ang utak ko at buong katawan dahil sa paglapat ng labi naming dalawa. Nakatingala ang ulo ko dahil at lapat na lapat ang labi ni Gio. Nakayuko siya at sa tingin ko ay natigilan din dahil halos maduling kaming nagtitinginan lang sa isa't isa habang magkalapat ang labi naming dalawa. Ako ang unang nakabawi at humiwalay sa kanya. "A-a-Ahm... k-kasi i-ihahanda k-ko na 'yong h-hapagkainan," utal utal na sabi ko habang hindi makatingin sa asawa ko kung nakatingin ba siya sa akin o nakaiwas din katulad ko. Napakalambot ng labi ni Gio at nakakabaliw 'yon. Kaya malakas kong sinuntok ang ulo ko dahil kung ano ano na namang pumapasok sa utak ko. Third Person's POV Halos mabaliw si Gio habang iniisip ang simpleng paglapat lang ng mga labi nila ni Bea ngayon ngayon lang. Nakatitig siya dito at gustong malaman kung anong reaksyon sa magandang mukha ng asawa. Pero gano'n nalang ang gulat niya ng hampasin nito ang ulo. Ilang beses na niyang nakikita kapag sinasaktan nito ang sarili dahil kung ano-anong iniisip nito na hindi niya alam. Susuntukin pa sana ulit ng asawa niya ang ulo ng pigilan niya ito. "Don't hurt yourself in front of me," may diing sabi niya dahil inis siya dito dahil sinasaktan nito ang salita at sa harapan niya pa mismo. Naramdaman niya ang panginginig ng asawa dahil siguro sa halik kanina. Iba din ang epekto sa kanya dahil biglang may kumiliti sa loob ng t'yan niya dahil sa simpleng halikan nila ng asawa. Ito ang unang naghalikan sila sa mga labi. Hindi niya nahalikan noon ang asawa sa kasal nila dahil sa kadahilanan na ayaw niyang makagawa ng pagsisihan niya sa huli at nirerespeto niya ito dahil baka ayaw nito magpahalik sa kanya noon. Pilit lang ang kasal nila at walang may gustong maikasal sa lalaking hindi mo gusto kaya naiintindihan niya si Bea kung nalilito ito sa desisyon nito sa buhay. Kaninang nagtatrabaho siya at kung gaano kahirap ng pinasok niya naisip niya ang asawa na baka magsisi siya kapag sinaktan niya ito. Mali atang piliin niya ang hindi niya gusto katulad ng sinabi ng kapatid niya kanina. Naisip niya lang na bigyan ng pagkakataon ang asawa niya na makapag isip. "Bea," tawag niya kay Bea kaya namumula itong tumingin sa kanya. "Sabihin mo lang sa akin na mahal mo pa si Keith palalayain kita," sabi niya kaya napamulagat ang asawa niya dahil sa sinabi niya. Pero kapag tumanggi ito sisiguraduhin niyang itutuloy niya ang plano niya. Nagbigay na siya ng warning kay Bea at pagkakataon na piliin ang mahal nito pero kapag tumanggi ang asawa niya at tuluyan na niya itong aangkinin. "B-bakit mo ba sinasabi 'yan? Akala ko ba magsisimula palang tayong dalawa. Anong problema mo?" tanong ng asawa niya dito kaya napalunok siya ng ilang beses. "Kasi ayaw kitang ikulong sa mundo ko na hindi ka talaga tuluyan na magiging masaya," sabi niya habang nakatitig sa asawa niya. Ayaw kitang matulad sa akin na hindi na masaya sa pinasok kong laro. "Gio, ginusto ko ito. Pinili kita at seryoso ako do'n," seryoso ding sabi ng asawa niya kaya madiin siyang napapikit. Pagsisisihan nitong pinili siya. Nasisiguro niyang pagsisisihan nito. Napakagat siya sa ibabang labi at hinatak si Bea at mapusok na hinalikan ang maganda nitong mga labi. Nakakaakit at gustong-gusto niya ang init na binibigay no'n sa buong katawan niya. So f*****g delicious. Bea's POV Ang gabing hinalikan ako ni Gio ay sobrang nakakabaliw. 'Yon ang unang halik natin bilang mag-asawa. Hindi'niya ako mahal dahil kilala ko ang iniibig nitong babae. Sigurado akong init lang ng katawan kaya niya nagawa ang bagay na 'yon. Nilayuan ko si Gio kahit na sinabi kong magsisimula kami sa umpisa bilang mag-asawa at ayaw kong malito siya sa nararamdaman niya dahil alam ko kung gaano kahirap mamili sa dalawa. Si Yna na asawa ni Ainsley ang babaeng mahal ng asawa ko. Tinanong ko din sa sarili ko kung bakit ako hinalikan ng gano'n ni Gio? Lalaki si Gio at may pangangailangan at alam na alam ko 'yon pero sa kaunting panahon ng pagsasama namin ng asawa ko ay hindi niya ako trinato na parang hindi asawa. Karamihan kasi sa mga novel na nababasa ko kapag may mahal ang lalaking iba at naikasal ito sa iba ay pahihirapan niya ang babaeng pinakasalan dahil hindi niya gusto at nauuwi sa pagbubugbog at nauuwi sa sakitan. Natatakot ako na baka pansamantala lang ito pero iba ang trato sa akin ni Gio. Baka paggising ko isang umaga ay ito na ang iniibig ko. Minsan na akong nabigo sa pag-ibig pero asawa ko na si Gio at karapatan kong pagsilbihan ang asawa ko. Hindi naman mahirap mahalin ang asawa ko. Moreno at makisig ang asawa ko. Ang ganda ng pangangatawan nito at sigurado akong mahuhumahaling ang lahat ng babaeng makakakita dito. "Bea?" nagulat ako at muntik nang mabitawan ang hawak kong baso. Hanggang sa maaari ay lumalayo ako sa asawa ko simula ng halikan niya ako sa labi ng gabing 'yon. Gusto kong makapag-isip siya at gano'n din ako. "M-mauna ka na sa taas. Pagod ka dahil sa trabaho," kinakabahang sabi ko dahil nahihiya ako sa kanya. "I want to tell you that I kept thinking about you and that special kiss that night with you," sabi niya sa akin at unti-unting lumapit sa pwesto ko. Napayuko nalang ako bigla dahil sa matinding kaba na rumagasa sa puso ko. Hindi ko alam pero nanginginig na binaba ko ang basong hawak ko. Dahil parang nahihipnotismo ako sa malalim na titig sa akin ni Gio. Nakakabaliw ang titig nito sa akin, gano'n din ang mga mapupula nitong labi. Shit ka... Bea. "Bea," tawag nito sa akin palapit ito ng palapit sa pwesto ko na tila ako naman ay biglang napako. Ang nagawa ko nalang ay umiwas ng tingin sa lalaking iniirog ko na 'ata. Hindi ko alam ang gagawin ko. "Bea, look at me." In a blinked of my eyes. He was so close and I could almost feel him touching my neck. Napapikit ako dahil sa sarap na hatid ng mainit na palad ng asawa ko. Magkasama kami sa iisang magarbong bahay. Nasa iisang kama natutulog, sa iisang mesa kumakain at pinag-isa kami ng Diyos para magsama habang buhay pero hindi naman kami nagmamahalan. Parehas na lito sa nararamdaman. Unti-unti ko siyang tinitigan kaya ngumiti si Gio at dahilan kaya lumabas ang dalawang biloy nito sa magkabilang pisngi. Damn. "You kissed me back that night. And I know you like what what happened," nakangiti niyang sabi sa akin kaya napalunok ako ng ilang beses. "Can I kiss my wife again?" malambing na tanong nito sa akin kaya napangiti ako. Napayuko nalang ako dahil ayaw kong makita niyang ngumiti ako dahil lang sa sinabi niya. Pero huli na 'ata ang lahat dahil malakas ng tumawa si Gio na nagpamula sa akin ng sobra. "My wife is so cute when she's blushing," tumatawang sabi ni Gio. "S-stop," kinakabahang sabi ko dahil hiyang-hiya ako sa biglaan kong pamumula at pag-iinit ng mukha. "Gusto ko ng s*x, Bea," sabi ni Gio kaya napanganga ako dahil sa sinabi ng asawa ko sa akin ng harap-harapan. "A-ano?" hindi ko mapigilan na tanong dito. Nakakanginig 'yon ng buong kalamnan. "Gusto kong makipagtalik," sabi ni Gio. "Sa isang babae." Hindi ko na napigilan na makaramdam ng pagtatampo dahil nagpapaalam pa ata ito sa kanya na m************k at mambabae. "Why do you want to have s*x with... someone?" mahina at malungkot na tanong ko mahihimigan ang pagtatampo sa boses ko pero may karapatan naman ako. Mas nainis naman ako ng makita ko siyang ngumiti. Mukhang inaasar pa 'ata ako. Ginagago nga 'ata ako ng isang Giovanni. "That someone you were talking about is you," sabi ni Gio at hinalikan siya sa noo. Nanlaki ang mga mata dahil sa sinabi ng asawa ko sa akin. Hindi ba ito nagbibiro?! "I want to have s*x with my wife. Ohhh! No, I want to make love to you my wife," sabi niya kaya napapintag ako dahil sa gulat at ito na naman ang puso ko. Tumitibok ng mabilis para sa lalaking kaharap ko. Mag tatalik kami ng asawa ko? Ngayon na mismo? Na-excite ako bigla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD