May mga dugong patuloy pang tumutulo pababa sa manggas niya. Parang huminto ang mundo ko. "Glen..." Napaatras ako ng isang hakbang. Awang ang mga labing nataranta ako at biglang hindi alam ang gagawin. "Glenville..." Nanlalamig ang buo kong katawan. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga. "D-Dugo..." Nanginginig kong itinuro ang dibdib niya. "B-Bakit... bakit ang dami..." Mabagal niyang ibinaba ang tingin sa sarili niyang shirt. Parang ngayon lang din niya iyon napansin. Pagkatapos... ay ngumiti pa siya, kaya lalo akong nagimbal. Halos maligo na siya sa sariling dugo, pero nagawa pang ngumiti? "I'm fine." Fine? Fine?! Halos mawalan ako ng ulirat. "Fine?!" Hindi ko na napigilang mapasigaw. "Ganito ba ang fine sa ‘yo?! Glenville, naliligo k

