Ngunit hindi ko namalayang unti-unti nang napapalitan ng pananabik ang pagod na nararamdaman ko. Hindi para makauwi lang sa mansyon. Hindi para makapagpahinga. Kundi para makitang muli si Glenville. Naisip ko tuloy kung kumain na kaya siya. Kung uminom ba siya ng gamot sa tamang oras. Kung sumasakit pa rin ba ang sugat niya. Kung nagpapahinga nga ba siya... o pasaway na naman at pinagtatrabaho ang sarili. Napailing ako sa sarili kong iniisip. Kailan pa naging ganito ang pag-aalala ko sa kaniya? Napatingin ako sa relong suot ko. Malapit na kaming makarating. At hindi ko maintindihan kung bakit... pero habang papalapit ang sasakyan sa mansyon. Pakiramdam ko ay mas lalo ring bumibilis ang t***k ng puso ko. Na para bang... may naghihintay sa akin doon na gusto ko na ring makita. Halos hin

