Chapter 17 Proposal-3

582 Words

Pagdating ng gabi, saka lang muling umuwi si Glenville. Nasa dining room na ako noon, nakaupo sa mahabang mesa habang hinihintay ang hapunan. Sa totoo lang, pagod na pagod ako buong araw. Hindi dahil sa may ginawa akong mabigat. Kundi dahil halos buong maghapon kong inayos ang mga bagong gamit ko. Sobrang dami kasing pinamili ni Glenville para sa akin, kaya ilang beses akong napapailing at napapabuntong-hininga mula pa kanina. Sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang panahon, pakiramdam ko ay handa na ulit akong bumalik sa pag-aaral. Handa na ulit akong mangarap. Kaya kahit hindi ko aaminin kahit kanino, masaya ako. Talagang masaya. Nang marinig ko ang mga yabag ni Glenville, napatingala ako. Kapapasok pa lang niya sa dining room. Nakatanggal na ang coat niya at bahagyang maluwag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD