“Lizzy?” Napasinghap ako nang marinig ko ang pagtawag ni Victor sa pangalan ko. “Are you okay? Bakit bigla kang natulala?” may pag-aalalang tanong niya. Doon ko lang namalayang tumatahip na pala ang dibdib ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang bumabalik sa kasalukuyan ang gunita ko. Umiwas ako ng tingin at alanganing ngumiti. Y-Yeah… okay lang ako. May naalala lang,” kaila ko. Hindi ko alam kung ilang beses na akong napatingin sa pulang ilaw sa itaas ng operating room. Parang hindi na ito namamatay. Parang wala nang katapusan ang paghihintay. Sa bawat pagkakataong bumubukas ang pinto sa hallway, napapalingon agad ako, umaasang lalabas na ang doktor. Ngunit nurse lang ang dumaraan. O kaya naman ay staff na may itinutulak na stretcher. Mahigpit kong niyakap ang sarili ko. Nanlal

