At sa kauna-unahang pagkakataon... habang nakatingin si Elizabeth sa mga matang iyon... naramdaman niyang hindi lamang siya kinamumuhian ng babae. May mas malalim pa roong dahilan. Parang... may isang bagay itong alam, na hindi pa alam ng iba. Hindi pa man tuluyang humuhupa ang tensyon sa consultation room ay muli na namang bumukas ang pinto. Tatlong lalaking nakasuot ng dark blue security uniforms ang mabilis na pumasok. Kasama nila ang Head of Hospital Security at ang Chief Nursing Supervisor. Halatang seryoso ang mga mukha ng lahat. "Mr. Elizondo," magalang ngunit mabigat ang boses ng Head of Security habang bahagyang yumuko kay Don Georginio. "We have already secured the VIP suite where Miss Astrid collapsed." Lahat ng mata ay napunta sa kaniya. "At ano ang nakita ninyo?" tanong

