Nagising ako ng madaling araw dahil sa lakas ng ulan, sobrang nilalamig na tuloy ako, sumilong kami ni drake sa isang malaking puno. ito lang daw pala ang pinakamalapit na isla kaya possibleng dito din bumagsak ang iba kong kasama, siguro ay iiba lang ng parte kaya pag tumila ang ulan ay hahanapin namin sila, para makauwi na kami ng Enchanted Academy, masyado na kase kaming nag tatagal dito kanina nung tinanong ko si drake kung bakit niya ako hinalikan, eh may girlfriend naman siya, hindi niya ako sinagot at nag iwas lang ng tingin, sabi niya 'you will know soon' umaasa akong may malalim lang siyang dahilan kaya siya nakipag break, pero may part sakin na naguiguilty dahil sa ginawa namin kanina ,hindi ko man lang inisip na may girlfriend siya, but he kissed me first. tama na ,kakal

