Tumango ang mga tagapagbantay ng aquaria, siguro'y nakuha na nila ang permiso ni reyna merliah. "maari na kayong makapasok. "at hindi na nila kami hinarang pa, agad naman kaming lumangoy papasok, dito na namin nakita ang kabuuhan ng loob ng aquaria, ibang iba ito kumpara sa natural na karagatan, dito mo makikita ang mundo ng mga sirena, literal na mundo. lumiko kami sa bandang kaliwa kung saan andoon ang isang malaking kweba, malayo pa lang ay kita mona ang kasilawan ng loob ng kweba. walang sumisita na sirena samin, parang may kanya kanyang mundo ito, siguro'y hindi sila gumagawa ng hakbang kung wala namang pahintulot ang mahal na reyna. walang hirap kaming nakapasok sa loob ng kweba, kahit may malalaking pating na nakabantay dito,hindi kami nito ginalaw. pagkapasok namin ay siy

