Evia's POV
nagising ako sa maiingay na boses na naririnig ko, pero hindi padin ako dumidilat, napakahirao dumilat, nang hihina padin ako
"kamusta napo siya? ayos napo ba siya? "ang boses na naririnig ko ay kay cassandra, hindi ako pwedeng magkamali
"opo, wala napo kayong dapat ikabahala dahil naagapan naman po ang mga gamot na nainom niya, na overdosed siya. "rinig kong sabi ng isang hindi pamilyar ang tinig, na sa pag kakaalam ko ay isang doctor.
wait, doctor?
napamulat ng bigla ang aking mga mata, nasa hospital bako ng enchanted academy? bakit hindi nalang sa clinic?
"kung sa clinic ka namin dinala, malamang sa malamang kanina kapa pinaglalamayan, ano bang pumasok sa utak mi at ininom mo ang hindi malamang gamot? nababaliw ka naba? ilang araw kanang ganyan, for Pete's sake evia! may utak ka naman pero bakit hindi mo ginagamit?! "napayuko nalang ako ng parang bata dahil sinesermonan ako ng kaibigan kong si noreen
"I'm sorry... "ayun lang ang tangi kong nasabi sakanila nakita kong napairap sila sa hangin, umalis nadin ang doctor sa room ko
"b***h. paano kung natuluyan ka?! papaano nalang kami na maiiwan mo evia?! minsan mag isip ka muna bago mo gawin! "hindi ko napansin na anjan pala si jeana na nagsesermon din sakin, kaba at saya ang aking nararamdaman ngayon, kaba dahil nga 'Doon' ,saya dahil nalaman kong may pake sila sa akin, hindi ako nagiisa, may kaibigan akong tunutulong sakin.
natahimik kami ng ilang minuto, napa angat ang ulo ko na pabalang na bumukas ang pintuan kung saan ako nakaconfine, lumabas doon si sky, calvin, citron, zionne at ang panghuli ang walang reaksyong si drake.
"s**t! anong nangyari sa iyo evia? mag susuicude kaba? wag naman ganyan! "napa ismid nalang ako sa sinabi ni sky, masyado siyang OA tss.
biglang may pumasok na nurse, nagulat siya dahil ilang tao ang nasa loob ng room ko, mas nagulat ako ng lumapit si citron sa nurse, anong ginagawa niya?
"kailangan niya ba ng dugo?! tell me! idodonate ko lahat ng dugo ko! "naghihisterical na sambit ni citron sa nurse at inalog alog pa ang balikat ng nurse, namula naman ang nurse sa ginawa ni citron, mukhang may balak pang kiligin, tss.
at dahil hindi makasagit ang nurse dahil hindi maka get over na hinawakan siya ng isang citron, ako na ang nagsalita "okay lang ako citron, you don't need to donate your blood for me, I'm perfectly fine now. "binigyan ko siya ng isang pagkatamis tamis na ngiti para maniwala siya, alam kong uto uto 'tong si citron, pero okay naman na talaga ako, baka mamaya nga ay pwede na akong lumabas eh.
"tch. if you're thinking to do that suicide thingy again, please do inform me, it'll be my pleasure to kill you. "marahas akong napatingin sa tamad na sinabi ni drake na cool na cool sa pagkakaupo niya, gago!
"haha, thanks, dapat marahas ha? para masaya,tapos papatayin din kita, para tie. "sarkastiko kong sabi sakaniya, napa ismid lang siya, aba't sinusubukan talaga ako ng drake na 'yan!
nag stay lang kami ng ilang oras doon, at kalaunan ay sabi ng doctor pwede nadaw akong umuwi, napatango naman ako, buti naman, nakakatamad sa loob ng kwartong 'yon lalo na't kung mga abnormal ang kasama mo.
kakalabas lang namin ay agad na kaming ipanatawag ng head mistress, ano nanaman ba ito?
sabay sabay na kaming naglakad papunta sa Headmistress office ng may pagtatakha sa aming mga mukha, wala na kaming oras sa pag katok kaya kusa na lang namin binuksan at nakita namin si mrs. naerra na mukha problemado, bakit?
"andito na pala kayo, sige na't maupo para makapag umpisa na ang ating dapat pag usapan"kagaya ng sinabi ni mrs. naerra, umupo kami sa kaniya kaniyang upuan na nakalaan para sa'min.
"hindi ba't next week na ang alis niyo papunta sa aquaria? "napatango kami, december 5 yata alis namin? ano meron?
"hindi niyo na kailangan manguha pa ng green leaf, dahil nung kumuha sila jeana niti ay pinadamihan ko na para may stock, heto, bago kayo umalis kainin niyo 'yan, makakatulong yan sa matagal niyong paghinga sa tubig. "nag bigay ng greenleaf si mrs. naerra, ng ako na ang kukuha ay pinalo nito ang kamay ko kaya napakunot noo ako.
"tss. nakakahinga kana sa ilalim ng tubig pati nadin si rieda, hindi niyo na kailangan ito, ibigay niyo nalang sa mga kasama niyo. "napanguso nalang ako sa sinabi ni mrs. naerra, pano pag hindi ako nakahinga?
"pag handaan niyo ang pagpunta hindi basta basta ang pagpasok sa aquaria, aabangan ko ang inyong pagbalik. "napa ngiti si cassandra, kahit ako din, hindi panga kami nakakapunta babalik agad? pfft.
"ayun lang, maari na kayong makaalis. "nagsitayuan na ang iba pero nanatili akong nakaupo kaya tumingin sakin si mrs. naerra na may pagtataka sa kanyang mukha.
"ano 'yon hija? "
"gusto ko lang po manghingi ng paumanhin sa hindi pag gampan ng tungkulin ko dito sa Enchanted Academy ng ilang araw, hindi ko napo nagagampanan ang tungkulin ko bilang isang Capt. vencaro, I'm sorry head mistress"bahagya pa akong yumuko para sa paghingi ng tawad, tumayo si mrs. naerra at hinawakan ang magkabilang balikat ko at inalalayan akong tumayo ng tuwid.
buti nalang at nasa labas na sila rieda, don na lamang daw nila ako hihintayin, bahagyang ngumiti sakin si mrs. naerra, nakikita ko sa kaniyang mga mata ang lungkot at pag aalala
"Natatakot ako sa maaring kahinatnan ng propesiya hija, natatakot ako, kailangan nating mag handa, hindi porke't nananahimik na sila ay patatahimikin na nila ang white magicians, maiintindihan modin ang sasabihin ko. "sa sinabi ni mrs. naerra, kinabahan ako, ano 'yon? kahit wala akong ideya, nababahig sa kaniyang salita ang pagkaalarma sa ano mang oras.
tanging pag tango nalang ang isinagot ko, at dahan dahang naglakad palabas, i feel something strange, nadagdagan pa nung sinabi 'yon ni mrs. naerra
pag labas ko ng pintuan ay siyang kita ko sa mga kaibigan ko na tumpok tumpok na nag uusap, nagkausap nadin kami nila rieda, bati na ulit kaming lahat.
nang pagtingin nila sakin ay sobrang seryoso nanaman, pilit ko silang nginitian lahat.
"hey, tara sa cafeteria"nakangiting wika ko sakanila, pero walang nagbago sa expression nila ,ano nanamang problema nila?.
"woi hahaha, ano na? "
"kilala niyo ba siya guys? "seryosong tanong ni sky at umiling sila habang nakatingin sa akin, natigilan ako sa sinabi niya at tila nadurog ang puso ko, ano nanaman ba'to?
"huwag kayong magbiro ng ganyan, hindi nakakatuwa. "seryoso padin silang nakatingin sakin, nakakainis na sila, parang kanina lang ay ayos na ayos kaming lahat tapos ano na ngayon?
"huwag kang feeling miss, we don't know you, tara na guys sa cafeteria. "at iniwan nila akong nakatanga papatak na sana ang luha ko pero ngumiti nalang ako
"b-baka nag bibiro lang sila diba? "at nanghihinang naglakad papunta sa cafeteria, nakakasalubong ko ang mga estudyanteng laging bumabati sakin, nginitian ko ang ngaestudyanteng 'yon pero nagulat ako ng kunot noo lang nila akong nilagpasan
nalulungkot ako, bakit hindi nila ako pinapansin? napasinghot akong pumunta sa garden ng EA at dun pinatulo ang luha ko
ano bang ginawa ko sakanila? wala naman ah, umiyak lang ako ng umiyak dun, buti at walang tao.
i think they didn't care about me anymore, and it breaks my heart, tangina masakit hindi mapansin ng kung sinong nasa paligid mo.