Hated 3

1155 Words
Nagising ako nung natamaan na ako ng sinag ng araw. Babangon na sana ako nung nakita kong may katabi pala ako. Ang hayop kong pinsan. Pareho pa kaming hubo't hubad takip lamag yung kumot. Hindi mapigilang tumulo yung mga luha ko nung nakaupo na ako sa kama ko. Nangyari na talaga yung kinatatakutan ko. Pinagsawaan na niya yung katawan ko. Nalawaya na niya yung kabuuan ko. Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko na. Gusto kong magsumbong pero papaniwalaan ba ako? Maya-maya pa ay naramdaman ko yung paggalaw niya. Gumising na nga siya at umupo sa may kama na parang wala lang yung ginawa niya sa akin kagabi, na parang wala lang yung nangyari sa amin. "Sabay na tayong maligo." Utos niya sa akin saka ako hinawakan ako sa kamay ko. "Bitawan mo ako Troy." Madiin nasabi ko. Hindi na niya ako pinansin pa saka siya pumasok sa cr ng kwarto ko. "Ano ba Troy! Doon ka maligo sa sarili mong banyo!" Saad ko naman sa kanya. Hinarap na niya man ako saka ako sinagot... "Bahay ko'to kaya wala kang karapatan na utusan ako. Maliligo ako sa kung saan ko gusto." Natahimik ako sa naging sagot niya. Kaya pa kaya niya lang akong ganituhin kasi bahay niya to? Ang kapal rin ng mukha niya para gamitin yung katawan ko para sa pangangailangan niya. Pinahid ko na naman yung mga luhang bumagsak mula sa mata ko dahil naalala ko na naman yung ginawang katarantaduhan sa akin ng pinsan ko. Tumayo na ako kahit masakit pa yung gitna ko. Ilang ulit kaya siyang pumasok sa akin kagabi. Kinamumuhian ko talaga siya kapag naalala ko yung mga ginawa niya. Nagbihis na ako nung nabaling yung atensiyon ko sa dugo na nandon sa kama. Ipinikit ko na lang yung mata ko para maiwasan ang pagtulo sa mga luha kong nagbabadyang bumagsak ulit. Lumabas na ako sa kwarto ko saka pumunta sa kusina. Nadatnan ko si Ate Lucy na kumakain. "Good morning! Cherish kain na, sorry ah kung gabi na ako nakauwi kahapon. Si Kuya Levan mo pala, umalis na... bago lang." tumango lang ako dahil wala ako sa isip ko ngayon. Parang nililipad yung isipan ko sa hindi ko malaman kong anung planeta. Malapit na kaming matapos kumain nung nakita ko siyang papalapit sa akin kaya nagmadali akong ubusin yung kanin ko saka nagpa-alam na sa kanila. Nagtungo na ako sa kwarto ko at agad na naligo dahil malapit na akong malate sa klase ko. --- Natapos na yung klase namin pero mas ginusto ko pang ayaw umuwi dahil baka magkakasama na naman kami sa iisang bubong ng kaming dalawa lang. Mas mabuti na yung matagalan ako kesa naman magko-krus na naman yung landas ng lalaking iyon. Ilang oras pa akong nag-stay sa school pero may nakakuha ng atensiyon sa mata ko. Nakita ko si Troy, may kasama siyang babae at oo... naghahalikan sila. Napakagago niya pala talaga, may girlfriend pala siya pero nagawa niya pang magloko. Hinayaan ko na lang siya at mas minabuti nang umuwi na dahil alam kong nandito pa siya sa iskwelahan kaya paniguradong ako lang mag-isa sa bahay ngayon. Naglinis agad ako nung nakarating ako sa bahay kaya malaki yung time ko na makapag-relax na. Wala na akong ibang ginawa kundi nag-aral at nung napagod ako ay umidlip na lamang yung tanging bagay na naisipan ko. Nagising na lang ako nung naramdaman kong giniginaw na ako. Natagpuan ko na lamang yung sarili kong nakahubad saka ginagalaw na naman niya. Agad ay napalikwas ako at nagtangkang samapalin siya subalit ay mas naunahan na niyang pigilan yung kamay ko. "Bwesit ka Troy. Napaka-gago mo." Sabi ko habang ginagawa niya yung kahayupan niya. Mga ilang minuto pa ay tumigil na siya sa mga pinagagawa niya at humiga sa tabi ko. Habang ako naman ay parang bata na umiiyak sa tabi niya. "Bakit mo 'to ginawa Troy? Wala naman akong ginawang masama sayo." Paulit-ulit yan na sinambit ko pero nanatili pa rin siyang tahimik. "Ganyan ka na ba talaga kalibog para ako yung gawin mong laruan? Oo may pangangailangan ka dahil lalaki ka pero magkadugo't laman tayo. Pinsan mo ako tapos nagawa mo to sa akin." Panunumbat ko sa kanya. Ayoko na magsumbong dahil nahihiya ako sa sasabihin ng iba, kay tita, kina ate Lucy at Kuya Levan at baka ano pa yung masabi nila sa akin. Natatakot ako, naduduwag... lahat-lahat. "Can you just sleep? Tumigil na nga ako diba?! Ano pang gusto mo?!" "Ikaw pang may ganang magalit tapos ikaw pa itong may ginawa sa akin?! Troy, umalis ka nga sa kwarto ko pwede?!" "Are you threatening me? Sige subukan mo cause alam kong ako yung paniniwalaan dahil ako yung anak, sampid ka lang dito, palamunin." Natahimik ako, sa sinabi niya. Siguro ay wala talaga akong laban sa lalaking to. Nakatakda ata na maging miserable yung buhay ko nang dahil sa kanya pero isang taon nalang at pwede na akong bumukod o umalis mula sa kamay ng lalaking 'to. ------- Mahigit three months na akong nakikitira dito at mahigit three months na rin akong ginagalaw ng pinsan ko. Gabi-gabi ay nagmamakaawa ako na huwag niyang galawin pero wala siyag puso. Hindi niya lang ako ginagalaw pag meron ako... yun lang yung mga gabing nakakatulog ako ng mahimbing. Hindi rin naman kasi siya napapaghalataan ni Tita kasi madalas ay tulog na sila kapag umuwi siya, samantalang ako, bukas yung mga mata sa takot at nakahanda na naman sa pagdating ng gago kong pinsan. Pero nabunutan ata ako ng tinik ngayong araw na'to dahil nabalitaan kong magsasama na daw sila Troy at ng girlfriend niya dito which is fiancee na niya ngayon, si Ate Ines. Siguro naman ay, wala ng time yun para gawan ako ng kagaguhan diba? May girlfriend na siyang dapat pagtuunan ng pansin, rerespetuhin at hindi lolokohin. Kumakain kami ngayon ng hapunan ng sabay-sabay, lahat kami, kasama girlfriend niya. Simula ngayong gabi, dito na daw siya titira kaya mabuti na rin yun. Mas feel ko atang safe ako. Tahimik lang hanggang sa natapos na kaming maghapunan at nagkwentuhan na lang sa mesa nung maramdaman ko na naman yung haplos niya sa baba ng mesa. Nandun na naman yung kaba ko. Nagpaalam na ako sana sa kanila na mauna ng umakyat nung pinigilan niya ako dahil magpapasama pa daw siya sa pag-gogrocery sa akin. Hindi daw niya gusto isama yung gf niya dahil pagod na daw ito sa biyahe nila kanina. Gustuhin ko mang umayaw pero mahirap tumanggi sa harapan nila ni Tita at ate. Hindi na nga nila ako pinapatrabaho ng gawaing bahy tapos ayaw ko pang tumulong sa pinsan ko? Baka kasi isipin nilang, inaabusa ko sila. Kasabay ng pag-oo ko ay ang paglakas ng kaba ko. Sana naman magbago na siya. Kotse na niya yung sinakyan namin papuntang mall pero nagulat ako nung sa ibang daan kami tumahak. Tinanong ko pa nga siya kung saan kami pupunta pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD