3: When Karma Hits You Hard

2686 Words
Nagising ako dahil sa hapdi na nararamdaman ko sa pagitan ng bente ko at sa sakit ng buo kong katawan. Iginala ko ang paningin ko sa hindi pamilyar na silid na ito. "How the hell did I end up here?" kunot noong tanong ko sa sarili habang hawak ko pa ang ulo ko dahil sumakit na lang ito bigla. Agad naman akong napatakip sa bibig nang maalala ko ang nangyari kagabi sa bar. I look at myself, hindi ako nakahubad pero hindi rin naman akin ang sinuot kong damit. Alalang-alala ko pa na ito 'yong sinuot niya kagabi sa bar. Isang itim na pulo na hanggang paa ko na ngayon. “f**k!“ I tried to stand, but the sharp pain down there made me collapse back onto the bed. “Damn it. Did I really… lose my virginity? Ganoon ka simple?“ hindi makapaniwalang usal ko sa sarili. Napahilamos na lang ako sa mukha gamit ang palad ko dahil sa naisip ko. Gumamit naman siguro kami ng protection, di'ba? Oh god, please tell me we did. 'Yong problema lang ay hindi ko maalala. Maliit lang na parte ang naalala ko kagabi at pili lang din ito. Arghh!! I can help but to blame myself for this again. Bumalik kasi agad sa akin ang karma. It was all karma for me. No one should be blamed other than myself. Naagaw lang ang pansin ko dahil sa isang paper bag na nakalagay sa hulihan ng kama. Kinuha ko ito at tiningnan ang nakapaloob doon. Damit itong pambabae at may underwear din na kasama. I was speechless. My heart fluttered for a second. “Did he really buy these ...for me?“ But why? I had my own clothes. I can just wear it again. Hindi naman niya kailangang mag-aksaya ng oras para bumili nito. We're strangers after all. "Tika nga nasaan ba kasi 'yong mga damit ko?" Kahit masakit ay pinilit ko pa rin ang sarili ko na tumayo at hanapin ang damit na sinuot ko kagabi. Kumunot na lang ang noo ko dahil nahihilo na ako kakahanap pero hindi ko pa rin ito makita-kita. "Ghad! Where the hell are my clothes? And my damn underwear? Jeez! Don't tell me he made them into souvenirs," usal ko na lang nang mapaupo ako sa kama dahil sa pagod kakahanap. Pero hindi pa rin ako tumigil sa paghahanap kahit paika-ika na ako rito. Pati sa kasulok-sulokan ng kuwarto ay hindi ko pinalagpas at pinuntahan ko na rin para hanapin pero wala pa rin akong makita. "Maybe, nasa loob lang 'yon ng kotse niya," ani ko sa sarili. Hindi ko kasi maalala na rito kami nag jugjuggan. Hindi ko na nga matandaan kung paano niya ako inilipat dito. Uminit bigla ang pisnge ko nang maisip kong baka nga iniuwi niya ang mga 'yon. Pero bakit naman niyo 'yon gagawin? Is he some kind of s*x pervert? A freaking psycho? Tumindig lahat ng mga balahibo ko sa katawan dahil sa posibleng naisip ko. Memories of what happened between us last night came flooding back to me. It was rough and mind-blowing s*x. Maybe that's why my body and lower parts are so sore. I admit... he was really good in bed and he was ruthless. "Gentle" was not even in his vocabulary kahit na alam niyang virgin pa ang lola ninyo. I rolled my eyes. “Great. Lost my V-card at 23 to a complete stranger who probably thinks I’m some cheap hookup.” Kinuha ko na lang 'yong binili niya para sana makapagbihis na ako nang mapansin ko ang mga pera na nakasilid din sa loob ng paper bag. Hindi ko ito napansin kanina kasi natatakpan ito ng mga damit. “What the f**k is this?!“ I hissed through clenched teeth. Uminit bigla ang ulo ko dahil sa pumasok sa isip ko. Pakiramdam ko ay tumaas ang presyon ng dugo ko. Hayop talaga ang lalaking 'yon! "Did he seriously think I am a prostitute? A w***e?" hindi makapaniwalang tanong ko bago ako marahas na bumuga ng hangin at nang gigigil na itinapon na lang sa sahig ang paper bag kaya nagkalat lahat ng pera. "Kahit naman maging bayarang babae ako. My rate sure as hell wouldn't be this cheap, you old gezzer bastard!“ I yelled in frustration. Yes ...aminado naman akong malandi talaga ako, sobrang landi ko, pero mapagkamalang prostitute talaga? Damn, that man! Babalatan ko talaga siya ng buhay gamit ang nailcutter kapag nagkita kami ulit. I quickly got dressed and then stormed out of that godforsaken place. I hailed a cab and headed home. Pero kumunot agad ang noo ko nang pagkababang-pagkababa ko pa nga lang sa taxi ay mga nakaparadang police car agad ang nabungaran ko. Nakaparada ito sa harap ng bahay namin at para ring nakikimarites ang mga nagkukumpulang mga tao rito. Ano na naman kayang ginawa ng magaling kung ama at binulabog pa talaga ang buong subdivision? "Padaan nga! Bakit ba kayo nagkukumpulan dito? Wala ba kayong mapagkakaabalahan sa mga buhay ninyo? Shooo!!" inis kong pagtataboy sa kanila habang isiniksik ko pa ang sarili ko para lang makadaan papasok sa bahay. “Ang taray naman talaga ng anak ni Ramon,” rinig kong bulong ng isa. Binalingan ko naman siya ng tingin. “Oo! Mataray talaga ako kaya umalis na kayo rito bago ko pa ilabas ang mga aso namin at ipalapa kayong lahat!“ wika ko na may kasama pang pagbabanta at pinandilatan ko sila ng mga mata. Kanina pa mainit ang ulo ko kaya tantanan nila ako. Agad naman silang nag-alisan lahat, kaya napairap na lang ako sa kawalan. Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay mas lalong nadagdagan ang init ng ulo ko. Paano ba naman. Parang dinaanan na ng napakaraming bagyo ang loob ng bahay. Nagkalat sa sahig ang mga gamit namin. Pati nga siguro mga tagong documents at papeles ni papa sa kompanya ay nagkalat na rin. "What the hell is going on here? May balak ba kayong sirain ang buong bahay ko or straight up robbing us in a broad daylight?" inis kong sigaw sa mga police na nandito at nagkakalat. Buti nga lang sana kong aayosin nila sa huli. "Sir, positive po," rinig kong usal ng isang police at hindi man lang nila ako pinansin. Saglit lang nila akong tiningnan at bumalik kaagad sa ginagawa nila. What positive are they talking about? And what are they doing in my house? Where is my father? "Manang!" I shouted. Tumatakbo namang lumapit sa akin si Manang Lucy. "What the hell is happening here? Bakit nakakalat lahat ng gamit natin? At isa pa, anong ginagawa ng mga 'yan dito?" Tinuro ko naman ang mga police. Nagdadalawang isip naman na sumagot sa akin si manang pero nang makita niyang hindi na ako makapaghintay sa sasabihin niya ay nagsimula na nga siyang magsalita. "Eh ...eh kasi ma'am, bigla na lang kasi nila akong binigyan nong parang isang papel at hinanap si Sir Roman. Dinakip nila si sir at saka po nila hinalughog ang buong bahay," sagot niya sa akin na na nginginig pa ang kamay sa takot. That old man! That freaking old man! Napapikit ako habang nakakuyom na ngayon ang kamay ko. Wala na bang ikasasama ang araw na 'to? Baka may gustong pang dumagdag diyan! Huwag na kayong mahiya, para naman sabay-sabay ko ng maimura lahat. May lumapit naman sa aking isang police. Sa tingin ko siya ang may mataas na ranko sa kanilang lahat dahil siya lang naman 'yong nakatayo lang at pinapanuod ang mga kasamahan niyang nanghahalungkat ng mga gamit or should I say, nagkakalat. "Kayo ba si Ms. Asuna Letizia Hera, ang anak ni Mr. Roman Hera?" tanong niya nang makalapit sa akin. I crossed my hands at tinaasan ko kaagad siya ng kilay. “May nakita ka pa bang kaaya-ayang mukha rito bukod sa akin? Ako nga at anong ginagawa niyo sa pamamahay ko?" matapang kong tanong din pabalik sa kaniya. Tumikhim muna siya bago nagsalita at hindi pinag-tuonan ng pansin ang ginawa kong pambabara sa kaniyang kanina, "Sangkot sa mga illegal na gawain ang iyong ama, Ms. Hera. Parte siya sa isang malaking sindikato kaya kailangan namin siyang hulihin. Nasa presento na siya ngayon at naghahanap pa kami ngayon ng dagdag na ebidensya para idiin siya sa kaso. You may hire a lawyer for your father." I let out a long breath. “Ah,” I said flatly as I realized everything. What a nice birthday gift for me. Palihim akong ngumiti. Pakiramdam ko ay nagpalakpakan ang lahat ng anghel sa langit. Finally, the monster who raised me was getting what he deserved. "Okay, kunin niyo na lang lahat ng ebidensyang makikita niyo at puwede ba since kayo ang nagkalat, pakiayos na lang sa dating lagayan. Puwede naman kayong maghanap ng hindi nagkakalat eh, tsk." sabi ko at dumeritso na sa sarili kong kuwarto. Naiwan naman siyang nakatanga lang doon at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Ano ba kasing ini-expect niyang magiging reaksiyon ko? Should I beg? Cry? or matataranta? Tsk. I already know this will gonna happened. It didn't come as a complete surprise for me. Matagal na akong nag su-suspetsiya na may hindi ginagawang tama si papa, and now it seemed that the truth was finally catching up. Dasal ko na lang na magiging maganda ang buhay niya sa kulungan dahil wala akong planong kuhaan siya ng lawyer. Ayaw ko rin siyang dalawin sa kulungan. I knew that this was the opportunity I had been waiting for. Sa loob ng maraming taon puro bugbog at pagmumura lang ang natatanggap ko sa kaniya. Ginagawa niya na nga akong punching bag sa tuwing hindi nagiging maganda ang araw niya. I tried to run away pero hindi naging madali dahil laking mayaman ako at kailangan ko ang pera niya, kaya ang resulta ay bumabalik-balik pa rin ako sa kaniya. Tinatanggap ko na lang kung anong magiging kapalaran ko sa kamay ng magaling kong ama. Mahina ako, hindi ako katulad ng kapatid ko. Pero, may parte pa rin naman sa akin na kinakabahan at natatakot dahil alam kong hindi magiging maganda ang epekto ng pagkakakulong ni papa sa kompanya at pati na rin sa iba pa naming negosyo. My dad is one of the most admired businessmen in this country, and on top of that, he is running for governor in the upcoming election. If the news comes out that he is involved with syndicates, then it will be over for us. Paniguradong damay ako dahil pera lang naman niya ang bumubuhay sa akin. Anyways, I can't live without his money. _____ HINDI nga ako nagkamali dahil hindi pa nga nag iisang araw ang paghuli kay papa ay sandamakmak na agad na mga tawag ang natatanggap ko mula sa telepono. Mga kasosyo ni papa sa negosyo at ang iba ay mga board members ng kompanya. I don't know how to handle this matters kasi hindi naman ako nag-aral ng koliheyo. Puro bulakbol at inuman lang naman ang natutunan ko sa edad kong 'to. Buti sana kung lahat ng problemang ito ay puwedeng daanin lang sa alak, baka kanina ko pa ito naayos. *Knock *Knock *Knock "Come in," iritableng sambit ko nang may kumatok sa pinto ng silid ng kuwarto. "Maam Asuna, may tumatawag na naman po," nag-aalalang sabi sa akin ni Manang Lucy nang makapasok siya at hawak-hawak ng isang kamay niya ang telepono namin. Inis kong kinuha sa kamay niya ang kanina pa nag riring na telepono at sinagot ang tawag. "The number you've called doesn't exist, dumbass," inis na sabi ko bago ko padabog na pinatay ang tawag at ibinalik kay Manang Lucy ang telepono. “From now on, patayin lahat ng telepono sa bahay na ito. Isara at bantayan maigi ang gate at siguraduhing walang makakapasok ni kahit anino ng mga reporters," matigas kong utos kay Manang. Tumango naman siya bilang sagot bago umalis na. Marahas akong napabuntong hininga. Pumunta ako sa bintana at tiningnan ang mga reporters sa labas na kulang na lang ay mag camping sila roon. Kanina pa walang tigil sa pag ri-ring ang mga telepono sa bahay na ito at pati na rin ang cellphone ko kaya pinatay ko muna ito nang makapagpahinga naman ako saglit. Naririndi na ako sa mga tumatawag dahil puro masamang balita lang naman ang sinasabi nila sa akin, kesyo aalis na sila, 'yong utang daw ng papa ko, ano raw ang puwede kong gawin at ang worst pa ay papalubog na raw 'yong kompanya simula noong pinalabas sa balita ang pagkasangkot ni papa sa malaking syndicate at ang pagkahuli niya. It's been freaking 3 days, at hanggang ngayon ay hindi ako nakakalabas ng bahay dahil laman pa rin ng balita is papa. Pati mga reporters ay hindi na rin ako tinantanan kahit saan man ako magpunta. Lumabas pa nga sa balita ang mga kalokohang pinaggagawa ko at may litrato pa talaga silang inilabas na kung saan ay sino-sino lang ako nakikipaghalikan at nakakandong. Tsk! What a mess! May oras pa talaga silang inilaan para halungkatin ang pinaggagawa ko. Gusto ko ng mag bar at magsaya. Uhaw na uhaw na nga ang lalamunan ko sa alak. Can't they just let me out and let me enjoy this f*****g life? Bakit ba kailangan pa nilang lahat maging kontrabida sa buhay ko? Sumapit na nga ang gabi at ito pa rin ako, nagmumukhang isang preso na nakakulong sa sariling bahay. Hindi ko na nga alam kung paano libangin na naman ang sarili. Baka nga bukas ay nabaliw na ako rito. Noon ay hindi nga ako nakakatagal ng ilang oras sa bahay, almost all day ay naglalakwatsa lang ako at naghahanap nang puwedeng maka-fling, pero ngayon ay parang kulang na lang ay magkaintindihan kami ng butiking kanina pa nakadikit sa kisame ng kuwarto ko. Argh!! "Manang! Pahingi ngang alak!" sigaw ko nang makadungaw ako sa pinto ng kuwarto ko. Dumeretso agad ako sa banyo para maligo pagkatapos kong sabihin 'yon. It's already 10:30 pm nang makalabas ako ng banyo at nag init agad ang ulo ko nang wala akong makitang alak sa lamesa ko. 'Yon pa naman sana ang hinihintay ko. Hirap kasi ako makatulog kapag hindi ako nakakainom. Pagalit akong lumabas ng kuwarto nang puting tuwalya lang ang pantakip ko sa katawan. Nakalugay din ang mahaba at basa kong buhok. Hindi na ako nag-abalang mag suot ng damit because I am freaking mad right now. Sa tuwing nagagalit ako ay nakakalimutan kong magbihis. Puro babae lang naman ang mga nandito, except kay papa na nasa kulungan na ngayon. "Manang! Bakit walang alak sa lamesa ko?" asik ko kaagad nang makababa ako ng hagdan. Madilim ang paligid at kaunting ilaw lang ang nagsisilbing liwanag sa loob ng bahay. Pinapatay kasi nila lahat ng ilaw kapag matutulog na sila. Napabuntong hininga na lang ako para pakalmahin ang sarili. Dumeretso na lang ako sa kusina para ako na ang kumuha ng dalawang magkakaibang klase ng bote ng alak. Pali-palitan ko itong tinungga bago ko naisipan na bumalik na sa kuwarto at doon na lang ituloy ang pag-iinom. "Mmm." Hindi pa nga ako nakakahakbang sa hagdan nang mapatigil ako dahil sa narinig kong ungol. "Mmmm." Mas lalong lumakas ang impit na ungol na narinig ko. Unti-unti na ring binalot ng kaba at takot ang puso ko. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa dalawang bote ng alak sa kamay ko at pilit inaninagan ang living room dahil doon ko narinig ang ungol na 'yon. "Manang Lucy, ikaw ba 'yan?" kinakabahang tanong ko ngunit hindi ko iyon pinahalata. I freaking hate ghost! Nang walang sumagot ay hinanap ko kaagad ang switch ng ilaw at pinindot iyon. Ang kaninang kaba at takot na nararamdaman ko ay mas dumoble nang malinaw na sa paningin ko ang hindi mga pamilyar na mukha ng mga kalalakihan na nakatayo sa living room at mariing nakatingin sa akin. Hindi bababa sa lima silang nandito. Nakita ko rin sila Manang Lucy at ang iba pang katulong na nakaluhod at may takip pa sa kanilang bibig habang may mga nakatutok na baril sa kanila. “B-baril?“ I muttered before I gulped as I tried to make sense of the situation.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD