Chapter 12

1096 Words
Lucy Pagkatapos kumain nagpaalam na si Marco para magpahinga. Pagod ito galing Taytay. Bago umalis hinalikan na Naman ako sa mga labi. Napangiti nalang akong naiwang nakaupo sa harap ng mesa. Sana tuloy tuloy na. Pero paano si Jessa? Hiwalay na ba sila? Sila pa ba? Laglag ang balikat na Napatayo ako. Iniligpit ko ang pinagkainan namin ni Marco. Nagpupunas ako ng mesa ng mapansin may Cellphone sa isang upuan. Napakunot ang noo kong pinulot ang Cellphone.Kay Marco siguro itong Cellphone. Hindi ko mabuksan dahil may password na nakalagay. Napakagat labi ako ng mapansin ang wallpaper nito. Picture ko iyon pero hindi ako nakatingin sa camera. Stolen shot? Napangiti ako. Kinuhanan ako ni Marco ng picture noong nasa Taytay Cavite pa ako? Noong matagpuan nila ako. Sinubukan Kong buksan. Inilagay ko ang birthday niya. Seyempre alam ko iyon. Sinabi ni Melik sa akin pero hindi iyon ang pasword niya. Sinubukan ko ang petsa ng unang araw na nagkita kami ni Marco. Wala lang guest ko lang baka magkatotoo. Pero laking gulat ko ng bumukas iyon. Napatulala ako. Nang makabawi naglulundag ako sa tuwa. Damn it Lucy! para kang bata. Hindi ako makapaniwalang iyon talaga ang password ni Marco. Kagat labi akong napangiti. Isinara ko ang phone nito at isinuksok sa bulsa ng short ko. Ibibigay ko na lang ito mamaya pagkatapos ng trabaho ko magsasara na rin kami. Nang maka pasok ng kwarto hindi parin mawala ang ngiti ko. "Hoy! Nababaliw ka na naman diyan." sita ni Maika. Umikot ikot pa ito sa akin at sinisipat ang mukha ko. "Wala, ano ka ba. Tumigil ka nga diyan." saway ko rito. Tinulak ko pa ito pabalik sa kama niya. Inilagay ko ang Cellphone ko at Cellphone ni Marco sa ibabaw ng mesa katabi ng bulaklak ng bigay nito kanina. At kinuha ang towel. Nakasunod lang ng tingin si Maika sa akin pero nakataas ang kilay. "Wow, dalawa ang Cellphone. Mayaman. Akala ko ba nagpapanggap kang ordinaryong tao.?" sabi nitong dumapa pa sa kama. "Hindi akin iyang isa." sabi ko rito. At kumuha na ng pajama at over size T-shirt para pantulog. Taas kilay Naman uli ito. "Kanino?" "Kay Marco, naiwang niya. Ihahatid ko mamaya Pagkatapos Kong maghugas." sabi ko at Tinungo na ang pintuan. Hindi ko na hinintay ang iba pang itatanong nito dahil Isinara ko na ang pinto ng kwarto. Pumasok ako ng banyo ng nakangiti. Naglinis ako ng mabuti. Sinigurado kong mabango ako ngayon pagka harap si Marco. Nagtagal ako ng kaunti sa banyo. Lumabas akong nakabihis na at nakalagay ang towel sa ulo. "Naks ah, nakangiti parin? Hanep! Hindi ba nangangalay ang pisngi mo sa kakangiti." tudyo nito ng pumasok na ako ng kwarto. Nakaupo ito sa kama at nagbabasa ng pocketbook. "Tumigil ka! Ako na lang lagi Mong napapansin." saway ko rito. Kinuha ang hair brush at blower sinimulang suklayin ang buhok. Nang matuyo ang buhok kinuha ko na ang Cellphone ko at ng kay Marco. Hindi ko na pinansin si Maika kahit nagsasalita pa ito. Sa Gate malapit sa kwarto ako dumaan. Sa loob parin iyon ng training Camp. Binilisan ko ang paglalakad. Pinuntahan ko ang kwarto ni Marco iyong kwarto niya noon na pinatulugan sa akin. Kumatok ako. May lumabas doon isang matabang babae. "Sino sila?" tanong nito. "Ah, hinahanap ko si Lt. Marco." sagot ko rito. "Hon, sino iyan?" tanong ng nasa loob. Na pasilip ako sa nagsalita. "Hindi ko kilala. Tinatanong si Lt. Marco daw." sigaw nito sa lalaki. Napasilip na rin ang lalaki sa labas. Si Major Alvin. May katabaan din ito. "Ay, Lucy." gulat na sabi nito sa akin." Si Director Marco Monster ba hanap no?" Napangiwe ako sa tanong nito. Napatango narin. "Hindi dito ang room niya." sabi nito ulit at sininyasan ang asawang pumasok sa loob."Kita mo iyong pinakahuling kwarto sa double story building." itinuro pa nito ang building. Nilingon ko iyon at Napatango."Iyon na ang kwarto niya. Simula nang maging director siya." sabi pa nito. "Sige, thank you. Major." "Your welcome. Susuportahan ka namin para Naman mabawasan ang mala monster na ugali niyon." natawa pa ito ng malakas. Napapailing na lang akong umalis sa harap nito. Tinungo ko ang building na sinasabi ni Major. Hindi Naman madilim sa parting iyon may mga ilaw na man. Hindi nga lang masyadong maliwanag. Umakyat ako ng hagdan at Tinungo ang pinakadulong kwarto. Kakatok sana ako ng mapansing hindi nakasara iyon. Pambihira na man oh, bakit hindi siya nagsasara ng kwarto. Kaya nilakihan ko na lang ang bukas ng pinto. Pareho kaming Nagulat ng isang babaeng nakaupo sa kama ni Marco. Kumikinang ang damit nitong kulay pula. Parang luluwa na ang dibdib nito sa subrang hapit ng damit at kita ang puwit nito pag ito yumuko. Napataas ang kilay at gilid ng labi kong sinipat ito. Taas din ang kilay nitong nakatingin din sa akin. What is she doing here? Napalingon kaming pariho ng lumabas si Marco sa banyo. Nagulat ito ng makita ako. Nagtatanong ang mga mata. Pero agad ding binawi at binaling ang attention sa babaeng nakaupo sa kama. Gusto Kong pumihit patalikod at umalis na lang. Pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. "What are you doing here, Tes?" walang buhay nitong sabi sa babae. Tinungo ang drawer nito at kumuha ng damit na susuotin. "Nandito ako para masahein ka." sagot ng malanding babae. Pina lambing pa ng husto ang tinig. Tumayo ito sa kama at nilapitan si Marco. Iniwasan nito ang babae at pumasok uli sa banyo. Nang lumabas ito nakabihis na. Kumapit Naman agad ang malandi na Tes ang pangalan kay Marco. Hindi ito pinansin ni Marco. "And you, what are you doing here.?" sabi nito sa akin. Lumapit pa ng kaunti. Inabot ko ang Cellphone nito. Nang hindi nagsasalita. Inabot Naman nito. "Sina sauli ko, naiwang mo kasi. Sige aalis na ako." hindi ko na ito hinayang mag salita ulit. Tumalikod na ako at mabilis na umalis. Lakad takbo ang ginawa ko hanggang makababa ng hagdan. Nakayuko akong naglakad papuntang kwarto. Naninikip ang dibdib ko. Nasasaktan ako na may kasamang ibang babae si Marco. Akala ko okay na kami hindi pala. Pumasok ako ng kwarto. Tulog na si Maika. Nakatingin ako sa bulaklak na bigay nito. I smirked. Tumalikod akong nahiga sa kama, patalikod sa bulaklak na bigay nito. Pinilit Kong makatulog. Pero hindi Naman ako dalawin ng antok. Pilit sumisiksik sa isip ko si Marco at ang tinawag nitong Tes. Ano kaya ang ginagawa ng mga Ito? Nagyakap at naghahalikan kaya? Alangan Naman mag rorosary ang mga iyon Lucy no! Ginulo ko ang buhok sa subrang inis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD