Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the product of author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
This story might have typographical error or grammatical errors. Please bear with my english thingy 'cause I'm still learning to speak and write
_______________________________________
"Ang gago naman neto! Ano ba yun!? Natutulog yung tao e!" Bulyaw ko ng bigla akong hampasin ng pinsan ko ng unan.
"Payag ka na ba? Payag ka na kasi!!!" Pamimilit nya habang patuloy pa din akong hinahampas ng unan.
"Tangina naman. Saan ba ko papayag?!" Istorbo ng tulog amputa,may pasok pa ko mamaya bwiset!
"Sa isa nating pinsan! Dun muna tayo titira buong Summer Vacation. Dali na Sum!" Ang gago neto. Bakit kaya gustong gusto nya dun,e napakaboring dun. Tsk.
"Manahimik ka muna parang awa mo na. Kailangan ko ng pahinga at kulang ang tulog ko baka bigla kitang masikmuraan dyan Luca" inis kong sambit at hinablot ko sa kanya ang unan at bumalik sa pag kakatulog.
Wala pang ilang minuto ay naramdaman ko ang pag tatalon ng demonyo kong pinsan sa kama ko. Talagang inuubos ng lalaking 'to ang pasensya ko.
Hinampas ko sya ng malakas gamit ang unan at hineadlock sya. Kulang na nga ako sa tulog tapos babadtripin mo pa kong bwiset ka.
"Pag sinabi kong gusto kong matulog,gusto kong matulog ha! Manahimik ka!!" Naiiritang bulong ko sa kanya habang naka pulupot pa din sa leeg nya ang braso ko.
"Bahalaka dyan 'di kita titigilan Summer hanggat di ka pumapayag! Bitawan mo ko!" At hinablot nya buhok ko. Potangena talaga netong Luca na 'to kahit kelan napaka gago ng ugali!
"Hoy! Luca at Summer nag papatayan na naman kayong dalawa! Tumigil kayo dyan!" Sigaw sa amin ni Tita Beck. Agad naman naming binitawan ang isa't isa pero 'di pa din maalis ang inis ko sa kaharap ko. Gusto ko syang ibaon sa kinauupuan nya ngayon.
"Kayo talagang dalawa! Hindi ba kayo nag sasawang patayin ang isa't isa ha! Araw-araw na lang kayong ganito!" Dagdag pa ni Tita Beck. Hindi ko na maintindihan ang iba nya pang sinasabi dahil talagang nang gigigil ako dito sa Luca na 'to. May test kami mamaya at napuyat ako sa kakareview tapos bbwisitin ako ng ganito kaaga. Kulang na kulang ang tulog ko. Mamaya ka talaga sakin pag pasok natin sa school.
Nang matapos na kaming pagalitan at pangaralan ni Tita Beck ay inambahan ko sya ng suntok at ang gago ngumisi lang at kinindatan ako.
"Payag ka na kase. Ayan tuloy nasira tulog mo" pang aasar nya pa atyaka humagalpak ng tawa bago isarado ang pintuan ng kwarto ko at umalis.
Inis kong sinabutan ang sarili ko dahil ayoko talaga ng ginigising ako. Sirang sira ang umaga ko,peste.
Masama ang loob akong tumayo mula sa higaan ko. Mag aalas otso na kailangan ko ng kumilos para pumasok. Padabog kong sinara ang pintuan ng cr ko dahil sa sobrang inis. Maliligo na ko at mag aayos para mamaya ay kakain na lang ako ng masama ang loob at aalis ng bahay ng masama ang kaloob looban ng loob ko.
Habang nag sshower ako ay napansin kong may pasa ako sa braso ko. Tangina kase talaga neto ni Luca e ! Araw araw nakakainis.
Nang matapos na kong maligo ay nag bihis na ko. Above the knee ang palda namin at mag wwhite longsleeve lang ako ngayon dahil hindi pa natutuyo ang uniform ko. Hindi muna ako mag susuklay at mag tatali dahil basa pa ang buhok ko. 'Di ko ugaling mag suklay ng buhok pag papasok ng skwelahan.
Kinuha ko na ang bag ko na laging lawlaw. Oo,lawlaw dahil mas gusto ko yung ganung style kesa naman sa ang taas taas pag nakasukbit sa likuran. Parang nasa elementary ang itsura ko. Dumiretso ako sa Dinner area,para ano pa ba? Edi para kumain.
Padabog akong naupo at kaharap ko ngayon ang demonyo na nakangiti pa sa akin. Lord,ilayo nyo ko sa mga demonyo nag mamakaawa po ako.
"Goodmorning pinsan ko" hindi ko alam kung nang aasar ba 'to o nang gagago. Kinuha ko ang tinidor at itinutok ko sa kanya.
"Sige mag simula na naman kayo. Nasa harap kayo ng pag kain diba" malumanay pero may otoridad na sabi ni Tita.
Habang kumakain ay 'di ko mapigilang di mainis sa harapan ko. Paano ba naman kase nakangiti ang gago,nakakaasar kaya. Binilisan ko na ang pag kain ko,wala na kong pake kung mabulunan ako basta maubos ko lang 'to at makalayas na sa harapan ng demonyong ito.
"Tapos na po ako. Alis na ko." Sambit ko sabay inom ng tubig at isinukbit na sa likuran ko ang bag.
Nag simula na kong mag lakad ng mabilis dahil hinahabol ako ng demonyo.
"Summer bilis na kase" humarap ako sa kanya at hinampas sya ng bag.
"Sinabing manahimik ka" gigil na gigil kong pag kakasabi,feeling ko sasabog na ko anytime.
Nag patuloy na ulit ako sa pag lalakad at salamat dahil hindi na ko sinusundan ng demonyo. Same lang kami ng University na pinapasukan ni Luca. We're in grade 11. I'm a HUMSS student habang sya ay ABM student. Magaling sya sa math at sa pag ddrawing habang ako naman ay magaling sa debate at pag ddrawing din.
Sa gate palang ay nakita ko na ang mga chismosa kong mga kaibigan, nang makita nila ako ay agad silang tumakbo papunta sakin para sabayan na din ako sa pag lalakad.
"O? Anong chismis?" Walang gana kong tanong.
"Ay? Bakit parang wala sa mood ang lola natin?" Natatawang tanong ni Franchesca.
"Sirang sira ang araw ko wag nyo na dagdagan."
"Ows? HAHAHAHA btw mareng Summer ang chismis ngayon ay may bago na namang girlfriend ang ex mong haliparot!" Chismis ni Stella,sya ang pinaka chismosa sa aming apat na mag kakaibigan.
"Sus. Wala namang bago dun sa haliparot na yun" si Hazel ang medyo matino naman sa amin. Medyo lang dahil minsan maldita ang babaeng ito.
"Summ sali ka? Dance Club? Sa next school year?" Pag iiba ni Chesca sa usapan.
"Nah! Dancing is not my cup of tea."
Nasa corridor na kami ngayon at naka salubong ko ang ex ko na si Eros. Ang Ex kong haliparot na kada araw ay may babaeng kinakalantari. Tsk.
"Goodmorning Summ" bati nya sa akin.
"Walang good sa morning ko kung ikaw ang babati." Dire-diretso kong sagot habang hindi man lang sya sinusulyapan. Patuloy lang kami sa pag lalakad dahil anong oras na.
Pag karating namin ng room ay nandoon na ang teacher naming masungit. Buti na lang hindi sya nakatingin kaya nakapasok kami.
Nag simula na syang idistribute ang mga test papers at nang makatanggap na ako ay agad kong nag sagot. Lahat ng tanong dito ay nareview ko kaya it's a piece of cake bruh!
Habang nag sasagot ako ay biglang may sumipa ng upuan ko. Alam ko na,mangongopya 'tong si Chesca. Ang sabi ko sa gaga na mag review,for sure ang nireview nya ay ang jowa nya. Bilang isang mabuting kaibigan e binigyan ko sya ng kodigo,muntik pa nga kami mahuli ni ma'am buti na lang at nag sakit sakitan ang paborito nyang estudyante na si Hazel. Save by the f*****g bell.
Ilang oras pa ang lumipas bago namin matapos ang 3 subjects. Breaktime na namin ngayon at ang dalawang gaga which is si Chesca at Stella ay nag papaganda pa.
"Owemji I forgot my liptint. Can I borrow yours?" Tanong ni Stella kay Chesca.
"Here. You can take it na" sa aming apat ang dalawang yan ang laging mag kasundo pag dating sa mga make ups. Si Hazel naman at ako ay nag kakasundo pag dating sa mga libro. Marunong din naman mag make up si Hazel infact ang ganda nga nya e. Hindi mo na kailangan make up-an dahil mukhang anghel naman na sya. Kung lalaki lang ako,sapilitan ko 'tong jojowain. Ako naman ay boyish pumorma,mas gusto ko ang oversized shirt,sweater at hoodie basta maluluwag na damit. Hindi ko gusto ang make up,sa totoo lang.
"Ano pwede na ba tayo pumunta ng canteen? May nagugutom dito o!" Reklamo ko sabay turo sa sarili ko. Nag tawanan naman ang tatlo at napag desisyunan na namin na pumunta sa canteen.
Nang makarating kami ay pumwesto na kami sa favorite spot namin. Sila Chesca at Hazel ang bumili ng makakain namin habang si Stella naman ay dinadaldal ako.
"Look Summer! Bagay sayo 'to o!" Pinakita nya sa akin ang damit na nakita nya sa online. Off-shoulder yun na fit na fit.
"You good Stella? Muka ba akong nag susuot ng mga ganyan?"
"Bakit hindi mo subukan?"
"Tigilan mo ko sa ganyan Stella. " nag kibit balikat lang sya atyaka nag patuloy sa ginagawa nya.
Nakita ko naman na papalapit na dito ang dalawa dala ang pag kain namin. Nang maibaba na nila sa lamesa ay dali-daling umupo si Chesca,for sure chismis na naman.
"May gwapo don o!" Bulong ni Chesca sa amin. "And I think that guy likes Hazel" kinikilig na kwento ni Chesca habang hinahampas si Hazel.
"Wow ! That's nice ha! Mag kakajowa na ang Hazel natin,e how about Summer?" At nag tinginan sila sa akin.
"Not interested" maikli kong sagot at nag simula nang kumain.
Muli silang nag tawanan at nag simula na ding kumain. Nag-uusap silang tatlo about sa nag kakagusto kay Hazel,dahil for real ngayon lang sya kinilig even though ang daming lalaking nag kakandarapa sa kanya.
Maya-maya ay biglang tumahik ang tatlo,hindi ko alam kung bakit dahil busy ako sa pag kain.
"Look who's here" tumingin ako kay Chesca at nakataas agad ang isa nyang kilay habang nakatingin sa may likuran ko. Kaya lumingon ako.
Agad din akong napataas ng kilay nang malaman ko kung sino yung nasa likuran ko.
"Ano kailangan mo?" Masungit kong tanong sa kanya.
"Nothing. I just want to introduce my girlfriend" Hindi ko alam kung nang bbadtrip din 'tong lalaking to e.
"We're not interested." Tumalikod na ako ay pinag patuloy ko na ang pag kain.
"Still bitter Sum?" He chuckled. Bitter? Ako? No fvcking way.
Tumayo ako upang harapin sya. Inayos ko ang buhok ko at ngumiti ng peke sa kanya.
"I'm not bitter Eros. Sadyang 'di lang talaga ako interesado sa pamumuhay mo kaya makakaalis ka na" tinignan ko saglit ang girlfriend nya at nginitian ng walang halong kaplastikan.
Bumalik na ko sa pwesto ko at ang tatlong gaga ay nagulat sa ginawa ko,dahil for the first time nakita talaga nila ako maging seryoso. Minsan kailangan mo ding lumaban,hindi yung ikaw lagi ang inaapakan at nag mumukang nahihirapan.
Si Eros ay ex ko,3 years din naging kami at legal kami both sides. He's always cheating when I'm not around. Ilang beses syang nag sorry at ilang beses ko din naman syang pinatawad. But one day,when I woke up I just realized na hindi ko na sya mahal. Napagod ako. Hindi ako napagod kay Eros,napagod lang ako sa pag intindi at sa ugali nya. Sa totoo lang, I really love that guy kaya lagi akong nag papakatanga para sa kanya. But I'm so precious to be broke kaya ako na ang kusang lumayo.
"Sum!" Tawag sakin ni Chesca. "Are you okay? I'm asking you kanina pa" tinatanong nya ko kanina pa? Napataas na lang ako ng isang kilay dahil di ko naman narinig yung sinasabi nya kanina.
"I'm asking you if saan ka mag ssummer vacation?" Nag kibit balikat lang ako dahil hindi ko din naman alam kung saan ako mag bbakasyon. Maybe I'm going to spend my summer vacation in my room. Ayoko mastress sa bakasyon.
"Luca told us na dun daw kayo sa bahay ng isa nyong cousin" sambit ni Hazel. Ang bilis naman ng balita? Pero di pa naman ako pumapayag sa gusto ni Luca. Feel ko kasi boring dun sa bahay ng pinsan namin kaya hindi talaga ako nag attempt ng bakasyon dun. I swear,kahit isang beses hindi ako nag tatagal sa bahay nila.
"Bakit ba ayaw mo mag salita?" Iritang tanong ni Stella.
"I'm not in the mood Ell" bored kong sagor atyaka inihiga ang ulo ko sa may lamesa. This day is so exhausting.
Maya-maya ay tumunog ang bell hudyat na kailangan na naming mag sipasok sa mga room namin. Tatlong subject na lang at tapos na ang klase. Gusto ko ng umuwi at matulog. I need a long rest. Sakto at weekends tomorrow.
Pumasok na kami sa room at saktong pumasok na din ang teacher namin. Nag bigay na sya ng test paper na agad ko din namang sinagutan. Salamat talaga at lahat ng nireview ko ay nandito. After kong mag sagot ay nag paalam muna ako na mag ccr kahit hindi naman talaga. Tatambay lang ako saglit.
Habang nag lalakad ako sa corridor ay nakasalubong ko ang impakto kong pinsan. Luca.
"Sum buti nakasalubong kita,I have something to tell you"
"Ano?" Inis kong tanong. Dahil 'di ko makakalimutan ang pinag gagagawa nya.
"Nag text pala sakin si Tita Beck kanina. No choice ka,dun tayo sa isa nating pinsan mag bbakasyon dahil si Tita Beck ay pupunta muna sa ibang bansa para asikasuhin si lola" The f**k? Bakit dun pa kami?
"Bakit hindi na lang tayo isama?" Pag rereklamo ko. Pwede naman kaming isama ni Tita Beck sa France dahil dun din naman talaga kami nakatira ni Luca.
"Hindi pa pwede Sum." Napabuntong hininga na lang ako atyaka nag thumbs up. Nag lakad na muli ako papuntang cr para tumambay. Umay naman, dami daming pwedeng pag bakasyunan,bakit dun pa talaga naisipan ni Tita? Etong Luca na 'to for sure tuwang tuwa dahil makikita nya na naman mga tropapips naming pinsan. Mga tropa nya kase yung mga pinsan namin doon kaya gustong gusto nya na dun kami mag bakasyon.
Hays. Dalawang buwan na bakasyon sa bahay na boring, ano kaya mang yayari sakin dun? Sana naman hindi na ko maboring dun. Ipagdadasal ko talaga 'yon.