Kabanata 5

1549 Words
-Geraldine POV- Kinakabahan na naman ako nang lumapit sa akin si Kuya Dante at walang-sabing maingat akong kinargang muli sa mga matipuno nitong mga bisig. Maagap namang napahawak ako sa leeg nito, ni hindi makatingin sa mga mata nito dahil natatakot na salubungin ang nakamàmàtay nitong titig. Abot-abot ang mabilis na pagtibok ng aking puso dahil sa matinding kaba. Natatakot ako kapag nagagalit ito. Matatanggap ko lahat ang mga pang-iinsulto nito sa akin, basta hayaan lang ako nitong makapiling sina Tita Thalia at Tito Diego. Mayamaya ay pumasok ang magandang doktora. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang kakaibang tingin na ipinukol ni Kuya Dante sa naturang doktora. Malakas ang kutob ko na isa ito sa mga ka-flings ni Kuya Dante. Nanatiling tahimik lang ako habang in-examine ng magandang doktora ang aking ankle. Napangiwi pa ako ng hawakan nito iyon. "Does it hurt?" Tanong nito sa akin. "Yes po, Doc." "Ano bang nangyari rito?" "C'mon, Felicity sinabi ko na kanina." Mababanaag sa mukha ni Kuya Dante ang inis. "Sinabi mo nga pero hindi naman detailed ang pagkakasabi mo." Nakangiting sagot lamang ng magandang doktora kay kuya. "Tanga, gano'n!" Umigting ang mga panga ni Kuya Dante ng sabihin iyon. Napalunok ako sa sobrang takot. "Enough, Dante. Don't you see, tinatakot mo ang bata." "Matanda na 'yan at hindi na bata para tratuhin pang parang bata. Can't you see her image? She looks so young, like a teenager." "See, you said she was young." Naiiling na tugon ng doktora. Sinuri nito ang aking bukong-bukong o ankle sa wikang Ingles. "First, you should take a rest, dear. Avoid activities that cause pain or put weight on your ankle. - Apply ice packs wrapped in a towel for 15-20 minutes at a time, every 2-3 hours while awake. Wrap your ankle with an elastic bandage to help reduce swelling. Keep your ankle elevated above the level of the heart, especially at night, and I give you some pain relievers like ibuprofen and acetaminophen." "Thank you so much, doc." Ang kwarto ay simple at malinis, na may puting dingding at sahig. Ang mga kasangkapan ay gawa sa chrome at salamin, na nagbibigay ng isang modernong hitsura. Ang isang malaking screen ay nakakabit sa dingding, na nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa klinika at mga serbisyo nito. Ang kwarto ay mahusay na naiilawan, at ang mga halaman ay nagbibigay ng isang touch ng kulay. Ang isang malaking mesa sa gitna ng kwarto ay nagsisilbing lugar para sa pagsusuri ng pasyente, at mayroong isang komportableng sofa para sa mga naghihintay. "Huwag mong kalimutan lahat ng mga dapat mong gawin, okay?" "Opo, tatandaan ko po." Lumingon ang magandang doktora kay Kuya Dante. "Pwede mo na siyang iuwi at hindi ka naman siguro bingi, Mr. Lucchese para hindi marinig ang ilang sinabi ko sa kapatid mo?" Pinasadahan lang ng tingin ni Kuya Dante ang magandang doktora mula ulo hanggang paa na tila ba may ipinapahiwatig ang tingin nito na tila kakaibang kabalbalan na naman, naalala ko na naman ang dahilan kung bakit ako nagka-sprain sa aking ankle. Narinig ko lang namang may ginagawang kabalbalan ang aking kapatid na lalaki, at dahil sa matinding gulat at pangamba ay hindi ko inaasahan na may nakaabang ng aksidente para sa akin. Heto ang napapala ng pagiging Marites ko. "Alam ko ang tingin na 'yan, Mr. Lucchese. Hmmm... ihatid mo muna ang kapatid mo at balikan mo ako rito." Pilyang turan ng doktora. Pinigilan kong mapasimangot sa narinig mula rito. Pa ayaw-ayaw pero gusto rin naman pala, hump! Nang mapasulyap ito sa aking gawi ay mabilis na ibinaling ko ang tingin sa ibang direksyon. Mabait, at maganda sana kaya lang talandi. Ugh! "Buhatin mo pa rin siya, Mr. Lucchese. Hindi pa siya pwedeng maggagalaw, okay?" "Grabe naman 'yan. Kailangan ko pa rin itong kargahin?" "Of course!" "Kaya ko po naman, doc. Isa pa, malayo lang naman po ito sa bituka," sagot ko sa doktora. "No, bilang doktora mo susundin mo ang sinasabi ko at huwag ng matigas ng ulo. Mr. Lucchese, kailangan ng kapatid mo ang iyong suporta, please lang 'wag mong pairalin iyang ugali mong hindi maintindihan, kawawa naman ang kapatid mo." Wala akong magawa kundi ang dahan-dahang tumango sa magandang doktora. "S—Sige po," sagot ko. "Fine!" Hindi maipagkakaila ang inis sa tono ng boses ni Kuya Dante. "Good." Nakangiting ani naman ng magandang doktora sabay kindat sa akin. Muli lumapit sa akin si Kuya Dante at binuhat ako, tulad kanina ay damang-dama ko ang pag-iingat sa bawat kilos nito. Isa sa mga napansin ko kay Kuya Dante ay may ugali itong masama pero kapag sa gawa ay ibang-iba, kumbaga opposite. "I'm waiting for you, Mr. Lucchese." Napansin kong hindi man lamang nilingon ni Kuya Dante ang doktora. Dire-diretso lang itong naglalakad patungo sa sariling kotse. Ako na pigil na naman ang sariling hininga dahil sa kaba na nararamdaman. "Kuya, pwede mo naman akong ibaba para makapasok sa kotse." "You have no authority over me." Hindi ngumingiting sagot ni Kuya Dante sa akin. Salubong ang dalawang makakapal nitong mga kilay kasabay ng pag-igting ng mga panga. Mas pinili ko na lamang na tumahimik pa dahil alam kong mas lalo lang lalala ang sitwasyon namin ni Kuya Dante kapag pinatulan ko ito. Binuksan nito ang pinto ng kotse sa may front seat. Pagdakay dahan-dahan ako nitong pinaupo sa naturang front seat. "S—Salamat." Medyo nauutal ko pang sabi. "Don't forget to fasten your seat belt." Paalala nito. Himala at biglang malumanay ang boses nito. Pinagpapawisan ako sa sobrang tense. Kainis nga naman talaga, bakit ba tila parang nataranta ako? Dahil sa pagkataranta ko ay hindi ko maisaayos ang pagsara ng aking seat belt. "Wow, you really expect me to put that on you?" Kuya Dante asked me, his voice dripping with annoyance. "K—Kaya ko na po ito, Kuya." "Dapat lang, hindi ka pwedeng maging dependent sa'kin. Matuto kang gumawa ng mag-isa." "O—Opo, Kuya." "Mabuti na iyong maliwanag." Pagdakay binuhay nito ang kotse saka pinaharurot ng takbo. Hindi naman nagtagal ay naisuot ko ng maayos ang aking seat belt. Tila para naman akong nabunutan ng tinik. Habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe ay hindi sinasadyang napasulyap ako sa kabilang side ng kalsada. Awtomatikong kumunot ang aking noo nang makita si Karina na may kasamang ibang lalaki? "Kuya, si Ms. Karina!" Bulalas ko sabay lingon ko kay Kuya Dante. "What?" Sarkastikong tanong nito. "Si Ms. Karina nakita ko." "Where?" Halatang hindi man lamang ito natinag. "Nalagpasan na natin ang naturang mall," sagot ko rito. Kaya lang nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ba rito na may kasamang ibang lalaki ang girlfriend nitong tulad nito ay taksil din. Sa huli ay nagpasya na lamang akong huwag sabihin. Lalo na at pareho lang naman ang mga ito na tila ginawang laro ang pakikipagrelasyon. Hindi ba't ilang babae na rin ang binigyan nito ng pansin at may halong kabalbalan? Hindi ko maiwasang magpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. "The héll I care." "Paano namang wala kayong naging pakialam kay, Ate Karina?" "Can you please stop asking so many questions? It would be better if you just shut your mouth, you're just making me even more annoyed." Tumahimik na nga lang ako at ayokong mas lalo lang itong mainis sa akin. Makalipas ang ilang oras na biyahe ay narating namin ang malawak na mansion ng pamilya Lucchese. Ang modernong mansyon ay isang patunay sa kapangyarihan ng minimalistang disenyo at maluho na pamumuhay. Ang malilinis na linya nito, maluwang na layout, at mga de-kalidad na materyales ay lumilikha ng isang tunay na natatanging karanasan sa pamumuhay na parehong naka-istilo at gumagana. Bumukas kaagad ang mala-higanteng gate ng mansion at mabilis na pumasok ang kotse ni Kuya Dante sa malawak na garage. Nagmamadaling tinanggal ko kaagad ang aking seat belt, so far and so good masaya ako dahil sa wakas ay marunong na akong magtanggal nito. Hindi ko na hinintay pang kargahin na ulit ako ni Kuya Dante dahil labis na akong nahihiya rito kahit pa nga sabihing nakakainis na ang ugali nito. Binuksan ko kaagad ang naturang pinto ng kotse at lumabas, buong-akala ko ay okay lang pero napahiyaw ako sa sakit nang itapak ko ang aking kabilang paa na may injury. "Dàmn it, Geraldine!" Malutong na mura ni Kuya Dante. At first time nitong sinambit ang aking pangalan dahilan para tumayo ang puso ko sa sobrang tuwa. Nagmamadaling lumapit sa akin si Kuya Dante habang ako naman ay napaluha na sa sobrang kirot ng aking injury. "Sir, kailangan po ba ng tulong ni Ma'am?" Lumapit sa amin ang may edad na matandang lalaki. "No, Manong Albert. Isa pa, kaya ko na siyang buhatin." "Sige po, sir. Maligayang pagdating po pala sa inyong dalawa. Ma'am, Sir." "Sina Daddy at Mommy dumating na ba?" tanong ni Kuya Dante kay Manong Albert. "Hindi pa po, Sir." Muli, walang-sabing kinarga na naman ako ni Kuya Dante sa mga matipuno nitong mga bisig. Hindi ko maintindihan ang kakaibang kiliti na nararamdaman ng bata kong puso. Hindi ko pwedeng maramdaman ang saya, hindi ba't walang-puso itong si Kuya Dante? Pero... bakit parang may something akong nararamdaman para rito? "Kumapit kang mabuti kung ayaw mong bitiwan kita." Kunot-noong turan ni Kuya Dante sa akin. Napalunok ako siyempre sa narinig mula rito. Aba, hindi pwedeng magkaroon na naman ako ng ibang injuries.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD