#H01

2198 Words
01 (foul and millenial words ahead) Today is my first day as a grade ten student. Hindi naman na bago sa akin, hindi katulad noong grade seven ako ay sobrang nahihiya talaga ako sa pagiging clueless. Hindi ko alam kung nasaan ang room ko dahil bago palang ako sa school na ito. Nakaabot pa nga ako sa building nung mga grade nine above noon tapos nasa old building naman pala 'yong room ng mga grade 7 to 8. Napaka tanga ko naman kasi para hindi sumipot noong nag orientation. Kung bakit ba kasi sobrang tamad ko noon, dapat pala nagpaka active ako. Pero nakapag adjust na ako ngayong grade ten kaya alam ko na ang pasikot-sikot. Hinahanap ko sila Aritha dahil ang plano sa gc, magkikita kami sa canteen-- Tama! Magkikita kami sa canteen kaya sure akong nandoon din sila. Napaka bobo ko naman, ngayon ko lang naalala 'yong plano sa gc. Late nanaman akong natulog kaya late din function nung utak ko. Ayaw kong maabutan nung ceremony, ayaw kong huminto sa gitna ng init. Kung sila makabayan, ako hindi. Hindi ako nagbibiro, hindi talaga ako makabayan---joke lang baka murahin ako ni Heneral Luna mamayang alas three. Nasa labas palang ako ng canteen, medyo rinig ko na ang mga tawanan nila, for sure pinagtatawanan nanaman nila yung topic namin sa GC kagabi, si Karina kasi may sinent na screenshot tapos related siya sa lovelife ni Sid hanggang sa nagka ungkatan kami kagabi nung mga kahihiyan noong grade seven. Yung screenshot is about doon sa kaduo nila sa COD na pabuhat na nga ta's may gana pang magloko. Natawa kami doon kasi yung huling kaduo ni Sid, walang hiyang minention si Sid. Laughtrip kasi yung sinagot ni Sid doon sa comment nung huling kaduo niya. "Ano ulit yung sagot mo Sid? HAHAHAHAHAHA, paulit nga lodibells!" Kuntyaw ni Karina kay Sid. Umirap muna si Sid bago siya bumasungot. Alam kong pinapatay na ni Sid si Karina sa utak niya, baka nga shinoshotgun na nito si Karina since SG gods itong punyetang 'to eh. "Pag kaduo-kaduo lang, bakit siya nag 'i love you' sa'kin? Gold ba siya? Sadboi na nga tapos ang pangit pangit pa, kung hindi lang ako nililibre ng battlepass non, hindi ko naman 'yon papatulan, eww" Sid ranted tsaka niya padabog na nilagay 'yong Ipad niya sa bag niya. Nako! Buti nalang wala pa dito si Ymara kasi for sure mababad-trip 'yon sa pag balibag ni Sid sa Ipad niya. Ayaw kasi ni Ymara na parang pinapabayaan lang namin mga gamit namin na akala mo five pesos lang yung price. Medyo nakakainis din kapag nananaway si Ymara pero may point din naman siya so point taken, perfect! Tumunog na yung Angelus, hudyat na magsisismula na ang ceremony. After kasi ng Angelus, may five minutes pa kami para pumunta sa kanya-kanyang linya. Nakakatuwa din kasi halos lahat kami mag tropa nasa huli kasi mga matataas kami, except kay Karina na hindi pinagpala. Sakto lang naman height niya kaso nag mumukha siyang pandak kasi matatangkad kaming mga kaibigan niya. Medyo may pagkachubby din siya kaya siya talga yung pinaka-cute sa aming mag tropa, no caps. After nung ceremony namin pumunta muna ako sa office nung mga marians. Palamura ako pero nagseserve ako sa simbahan kaya example sa akin ng mga kaibigan ko yung h0ly s**t. Pagkatapos ko kunin yung naiwan kong payong sa office dideretso na sana ako sa room kaso naalala kong homeroom ngayong umaga hehe, gusto ko sanang tumakas kaso ako nga pala presidente sa room. Awit lods! May mga spy pa naman sa room, hayst! Wala naman masyadong ganap kanina sa room dahil first day pa lang din naman, nagpakilala rin yung mga bagong guro sa school. Sayang nga kasi lumipat na ng school yung paborito kong teacher, maghahanap nanaman ako ng panibagong uutuin. "Hoy, Tala! Tara daw sa isawan sabi ni Ymara! Maaga pa naman daw, gala nalang muna sa Downtown!" Sigaw ni Karina habang tumatakbo papunta sa akin. "Hard pass tol! Wala akong pera, pero may pera ako kung bibigyan niyo ako!" Sabi ko bago ko siya inakbayan. "Alam namin! Ready na kami sa mga linyahan mo teh!... Pero libre naman daw ngayon ni Sid kaya G na ka na!" Karina replied tsaka niya ako hinila sa daan patungong isawan. Pagdating namin doon ay kita kong complete kami lahat which is himala kasi kapag nasa galaan kami after class, si Aritha palagi yung mostly absent dahil na rin sa nakabang niyang service. Nakakahiya naman kasi kung paghihintayin niya 'yon. Naghanap ng extrang upuan si Karina habang ako naman ang naatasan nilang mag order. Hindi ko gustong ako lang mag-isa yung umuorder kaya hinintay ko muna si Karina sa pag ayos ng magiging upuan niya bago ko siya hinatak patungong counter. Binigay lang sa akin ni Sid yung budget at wala siyang sinabing mga gusto nila kung kaya't kung ano-ano nalang ang pinagsasabi ko sa cashier. Lokong Karina, pinapaiyak pa yung bata sa gilid ko kanina, hindi kasi nakatingin yung magulag kaya may lakas siya ng loob para paiyakin yung bata. "Himala at nanglibre ka ngayon Sid!" Kuntyaw ko bago ko inunahang umupo sa kinuhang upuan ni Karina. "Sinong nagsabing libre 'to? Mga uto-uto! Utang niyo lahat sa'kin 'to!" She exclaimed. Syempre lahat kami umangal kahit alam naming nang jojoke time lang 'tong punyetang 'to. Baka kasi biglang saniban at gawing totoo yung pinagsasabi niya, wala akong pera tol! "May chika ba kayo diyan? Kasi ako meron!" Sabi ni Chloe bago niya sinubo yung buong kanin na may isang buong siomai. Pinitik ko naman agad bibig niya kasi ang ingay niya habang ngumunguya, pet peeve ko talaga mga unnecessary noises! Umirap naman siya agad dahil alam kong alam na niya yung pinapahiwatig ko kung bakit ko siya pinitik. Kilala na naming lahat ang isa't-isa dahil ilang taon na din kaming magkakasama. "Osige! Ano naman 'yang chika mo tol?" I asked kasi medyo natakot na ako sa sama ng tingin niya sa'kin. Bigla naman siyang ngumiti at dumiretso na sa pagsasalita. Parng tanga din minsan si Chloe eh, isa siya sa mga kulto ni Aritha na hindi mo alam kung galit ba o hindi. Kwinento lang ni Chloe yung kahihiyan niya kanina sa room kasi nadulas siya kanina tapos saktong dumaan yung crush niya na taga STEM 11. Tirador ng seniorhigh itong bruhang 'to eh. Ako naman ay madaming crush kaso kaunti nalang ngayon kasi kapag umaamin ako, kinacrush-back agad ako! Sayang naman siya! Sakit na ata namin ni Sid na iuncrush mga crush namin kapag kinacrush-back agad kami. Hindi naman siguro kami walking red flag ni Sid 'no? Wala naman kaming ginagawang masama? Sumakay kaming lahat sa service ni Aritha at iyon ang isa sa mga paborito ko. Magkakaiba kasi kami ng baranggay kaya nilibot nung service ni Aritha yung buong Tacloban. Si Ymara naman na yung sumagot sa pamasahe namin dahil naawa daw siya sa driver kaya mas tinaasan niya pa yung dapat na pamasahe. Pagkapasok ko palang sa bahay, rinig na rinig ko na yung away nila Mama tsaka ni Athelios. Itong dalawang 'to parehong malambing pero pareho ring may mga anger issues eh. Ako lang yung may anger issues dito sa bahay na sa utak lang nilalabas yung galit eh. Ayaw ko kasi ng gulo, masakit sa pakiramdam kaya ako nalang yung umiintindi at sa utak ko nalang sila pinapatay, emz! "Ano nanaman 'yang issue niyo diyan?" I asked calmly. "Itong kapatid mo kasi, inuutusan kong kumuha ng tubig kasi nabibilaukan na ako pero puro siya mamaya, hinihintay pa atang mamatay ako!" Mom yelled. See? Kung sisigaw ako ng patanong sa kanila, idadamay pa ako niyan ni mama, pero kahit hindi ako sumigaw, idadamay pa rin nila ako sa away nila. "At ikaw! Bakit ngayon ka lang?! Balita ko maaga daw uwian niyo ngayon! Yung anak nga ni Erning kanina pa umuwi tapos ikaw nagpapaabot ka ng gabi?" Mom yelled...again. Sabi ko na nga ba at idadamay pa ako dito eh, hindi ko alam kung bakit ganoon. Nananahimik ako palagi sa gilid pero palagi akong nadadamay sa away nila, nakakairita rin pero sanayan nalang siguro. "Mama kalma, nanglibre kasi ngayon si Sid kaya late na ako nakauwi, pagsabihan mo nalang ng masinsinan 'yang si Athelios, wala kayong mapapala diyan sa sigawan niyo." I said bago ako lumapit sa kapatid ko. "At ikaw naman tol, masama 'yang pagsigaw-sigaw mo pabalik kay mama... Ikaw para kang tanga, umayos ka nga!" "Si mama kasi! Isang beses ko lang sinabi yung wait kasi naghahanap pa ako ng baso!" Athelios exclaimed. "Oh sha! Bumili ka nalang doon ng magic sarap para makapagluto na ako" I replied tsaka ko inabot yung sampung piso. Nakita ko naman agad ang pag ngiti niya tsaka siya kumaripas ng takbo. "Magdahan-dahan ka bata!" Sigaw ni mama bago siya napailing-iling at pumunta sa kusina para siguro uminom ng tubig. Kwatro pesos lang yung magic sarap pero sampung piso yung binigay ko kasi alam kong hindi na 'yon magbibigay ng sukli, ibibili na niya 'yon ng calcheese. Umakyat lamang ako para ayusin ang sarili dahil balak kong pumunta doon sa tambayan ko, nakita ko kasi yung langit ngayon. Ang ganda nung buwan at tala. Sila talaga nakakapagpawala ng stress ko sa buhay. Sinuot ko lang yung oversized kong tshirt at pajama bago ko inayos ang mukha ko. Nagkilay lang ako kasi hindi complete mukha ko pag wala ito. Hindi ko na sana gagawin 'yon kasi gabi naman na pero may feeling kasi ako na dapat kong ayusin kahit papaano ang mukha ko, hayst bohai! Dinala ko yung gitara ko tsaka na ako gumayat. Mamaya pa naman kami kakain, sandali lang naman ako sa tambayan ko kaya makakapagluto pa ako. Walang ilaw yung paligid pero sobrang liwanag ngayon ng buwan kaya hindi gaanong kadilim. Ang saya-saya ng puso ko ngayon kasi full moon ata. Pagdating ko sa tambayan ko ay satisfied nanaman ako sa lugar. Isang puno ng mangga na pinalibutan ko ng series ang nandoon at isabay pa yung kagandahan ng mga bituin, putcha ayaw ko pa mamatay! I chuckled and dumiretso na ako sa pwesto ko. Yung pwesto ko ngayon ay sa gitna nung mga branch ng mangga pero malapad siya kaya nakakaupo at higa ako ng maayos! Sinimulan ko na ang pag strum ng paborito kong kanta sa ngayon habang pinapanood ang mga tala at buwan. Sa unang tingin, agad na nahumaling Sa nagniningning mong mga mata Ika'y isang bituin na nagmula sa langit Hindi talaga ako papayag na hindi ito yung kanta sa kasal ko. Ganda talaga ng mga kanta ni Adie, gusto ko magkaroon ng jowa na kasing ganda ng boses ni Adie. Rold susej cries, anong dasal ba kasi ang kailangan? Pinagpatuloy ko lang ang pagkanta hanggang sa mag chorus. Oh, Paraluman Ika'y akin nang dadalhin sa 'Di mo inaasahang paraiso (hoo-hoo) Palagi kitang aawitan ng Kundiman 'Di magsasawa, 'di ka pababayaan Isasayaw kita hanggang sa walang hanggan (hoo-hoo, hoo-hoo) Nagulat ako sa sumunod na boses pero pinagpatuloy ko lang ang pag strum, hindi ako natakot kasi sobrang soothing nung boses niya para katakutan. Matapos niyang kantahin ang last part nung chorus ay hininto ko ang pag strum tsaka ako bumaba at hinanap siya. Nasa likod siya nung puno kaya hindi ko siguro nakita kanina. Nakapikit siya ngayon habang suot yung glasses at earphones niya. Malabo siguro yung mata kaya red flag 'to. Char! "Tol! Sino ka?" I asked bago ko inilapag ang gitara sa gilid tsaka lumapit sa mukha niya. Idinilat niya naman ng dahan-dahan ang mata niya tsaka siya nagulat at tinanggal ang earphones niya. "AHHHH!" Syempre obvious na sigaw 'yan ng isang g4go. Tinitigan ko lang siya ng nakataas ang aking isang kilay habang naka pamewang. Para siyang tanga, seryoso. Kumalma naman agad siya at inayos ang pag upo at ang sarili. "Sino ka?" He asked! G4go kapal ng mukha mga fri, ako unang nagtanong diba?! "Ako unang nagtanong, sino ka? Anong ginagawa mo dito sa tambayan ko?" I asked bago ako umupo sa tabi niya. Feeling close ako kasi mukhang bad boy na takot sa ipis kaya comfortable ako. Tinitigan ko yung sideview niyang face. Masasabi kong medyo makapal ang lips niya pati na rin ang kilay niya. Ilong naman niya ay sakto lang ang tangos. Hala shems! Nainggit naman ako sa kilay niyang makapal! Eguls fri! Ako babae dito pero bakit ako yung hindi pinagpala sa kilay! Nagulat ako sa bigla niyang pag tingin sa'kin dahil hindi ko alam na sobrang lapit ko kung kaya't lumapat yung lips niya sa ilong ko banda. Linayo niya naman agad ang mukha ko gamit ang hintuturo at ang gitnang daliri niyang magkadikit. Medyo nahiya ako kaya inayos ko agad ang sarili ko. "Ayaw ko sabihin pangalan ko, ang pangit mo." He replied tsaka siya tumayo at naglakad na ng nakaharap sa akin. Aba! g4go talaga 'to! Ako kaya yung muse noong grade three ako tapos pagsasabihan akong pangit?! Mas pangit siya oy! Ang pangit nung kilay niya! "Pero mabango ka naman kaya pwede na, Shawn Harith pangalan ko, sana makatulog ka ng maayos!" Sigaw niya bago siya ngumiti at kumaripas ng takbo. Walang hiya talaga 'yon! Grabe, may mga tao palang pinaglilihi sa hangin 'no?! Badtrip! ___________________________________________________________ -metanoiaae
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD