Hindi pa man ako nakakakuha ng maayos na hinga mula sa pagharap kay Mr. Darious ay biglang bumukas ang pinto ng executive floorâmalakas, walang paalam. Lumingon kaming lahat.
At dumating na nga si Tita Loraine Montrose.
Mataas ang takong, balingkinitang postura, at galit na galit ang mga mata. Ang mga empleyado sa hallway ay parang mga uwak na nagsitahimik, agad nagsialis.
âTita Loraine,â agad kong bati, pilit ang ngiti. Pero kahit ako, kinabahan. Hindi siya basta pumupunta rito kung hindi malala ang sitwasyon.
"Nasaan ang anak kong lalaki?" malamig niyang tanong habang diretso ang lakad papasok sa opisina ni Digby.
Pagkasunod ko ay nakita ko si Digby na nakatayo lang sa tabi ng glass window, nakasuksok ang kamay sa bulsa ng slacks niya, malamig ang ekspresyon, parang walang pakialam sa pagyanig ng MCC.
Loraine didnât even wait for him to greet her.
âHow dare you!â sigaw ni Tita Loraine, nag-i-echo ang boses sa buong opisina. âYou let Mr. Darious walk away with threats and demands without showing your face? Without so much as a single word?â
âHindi ako nakatanggap ng appointment sa kanya,â sagot ni Digby, kalmado pa rin.
âYou think you can afford to play that card with someone like him?â tuloy ni Tita. âYour fatherâDon Marceloâbuilt MCC with reputation and loyalty. You promised him you would carry that legacy!â
Nanahimik si Digby. Tiningnan niya lang ang city skyline sa labas. Ako naman, naiipit sa gitna, hindi alam kung paano makikialam.
âMr. Darious is demanding millions in compensation. Penalty. Public apology. Heâs threatening to withdraw.â
âHe can,â matigas na sagot ni Digby. âIf he wants to.â
Napapitlag ako. Pati si Tita Loraine, natigilan.
âAno raw?â tanong niya, mababa ang tono pero mas nakakatakot kaysa sa sigaw. âDigby, do you understand the weight of this deal? Ang housing commercial niya ang flagship project ng MCC sa susunod na quarter! Weâve invested billions into that development!â
âIâm aware,â sagot niya, humarap na sa amin. âAt mas aware ako sa kung gaano siya ka-demanding, sakim, at manipulative.â
Hindi na nakapagsalita agad si Loraine. Even I stood frozen.
âI wonât allow someone like him to lord over this company. Hindi ako nagbabalik sa MCC para lang yumuko sa mga ganitong klaseng partner.â
âPero kung mawawala siyaââ
âIâm prepared for it.â Umupo si Digby sa desk niya. âIâve reviewed the contracts. Heâs entitled to file a breach. But if he does, so am I. Mutual dissolution.â
Tumindig ang tensyon sa pagitan nila.
âDigby, this is not a simple spat between boys in business school,â ani Loraine. âAng iniwan mo sa table ay hindi lang bahay o project. Iniwan mo ang reputasyon ng MCC.â
âAnd what reputation are we saving if we bend to a man who sees our company as his piggy bank?â tanong niya, malamig at deretso.
Napakapit ako sa gilid ng mesa. Hindi ako makapaniwala sa mga pinapakinggan ko. Digby was about to sever ties with one of the biggest investors of the company... without blinking.
âDo you even realize what kind of media storm this will cause?â tanong ni Loraine. âMay kasal ka na nga sa hindi dapat. MCC is hanging on a thread and you are pulling the last one!â
Nagtagpo ang tingin nila. Walang gustong umatras.
Then Digby said, âBetter to fall with integrity than to kneel with a rotten man holding our leash.â
Boom.
Tahimik.
Hindi ko alam kung maiinis ako o... mai-impress.
âTitaâŠâ sabay ko. âIâve spoken with Mr. Darious. He gave us until the end of the week. We could still salvage the contract.â
âNo,â sabat ni Digby, mariin. âHindi ko na gusto. This isnât just business anymore. Itâs personal.â
âOf course it is,â bulong ko, hindi ko mapigilan. âBecause youâre making it that way.â
Tumingin siya sa akin. Minsan, nakakainis din ang ganyang tingin niyaâmalalim, mapanuri, parang hinuhubad niya ang laman ng isipan ko.
âCarla,â ani Tita Loraine, huminga ng malalim. âYouâre still our bridge to him. Youâve handled him well so far. Can you not make him reconsider?â
Tumango ako, pero bago pa ako makasagotâ
âNo,â Digby cut in. âHindi na natin siya hahabulin. Enough chasing snakes.â
Napakagat ako sa labi. âAnd what if this falls apart? What if the media hears about the breach? What ifââ
âIâll take the hit,â sagot niya, malamig pero matatag. âLet them crucify me. I wonât let MCC become a company that feeds monsters for profit.â
Tumahimik ulit ang buong silid. This wasnât just a power moveâit was a war declaration.
Nagpalitan kami ng tingin ni Tita Loraine. Sa isang banda, naiintindihan ko ang galit niya. Pero sa kabilang banda⊠sa unang pagkakataon, naramdaman ko na si Digby ay tumatayo hindi lang para sa pangalan, kundi para sa paniniwala.
Alam kong delikado ang hakbang niya.
Pero sa totoo langâŠ
Parang may isang parte sa akin na nagsabing, Heâs not entirely wrong.
Hindi lang siya basta Montrose na mayabang. Heâs also a man tryingâimperfectlyâto do whatâs right.
Kaya kahit naglalaban ang prinsipyo at practicalidad sa pagitan nila, napanatili ko ang katahimikan ko.
At sa sarili kong isip, tahimik kong itinaga:
Let the lines be drawn.
Kung saan siya tatayoâŠ
Doon ko rin malalaman, kung saan ako dapat pumuwesto.
Ang daming ingay sa MCCâpero sa loob ko, puro katahimikan.
Pagkalabas ko ng opisina ni Digby, sunod-sunod ang tanong ng mga department heads, mga analysts, staff. Lahat naghihintay ng desisyon. Lahat umaasang merong konkretong sagot kung paano na ang housing project. Kung tuluyan bang mawawala si Mr. Darious o may milagro pa.
Pero ako?
Wala. Blangko. Pagod.
Pikit pa lang ng elevator ay parang gusto ko nang isandal ang ulo ko sa pader at mawala. Hindi ko na alam kung saan ako tatayo, kanino ako papanig, o kung may natitira pa ba akong kontrol sa kahit anong bahagi ng buhay ko.
Kasado na ang kasal. Pero hindi si Von ang pinakasalan ko.
Montrose na rin ako. Pero wala akong kapangyarihan sa sariling desisyon.
Asawa ko si Digby. Pero hindi ko siya mahal. At kahit kailan, hindi ko siya minahal.
Pero bakit, tuwing tinitigan niya ako sa MCC habang pinipili niyang lumaban sa kagaya ni Darious, parang... nagugulo ang damdamin ko?
Gabi na nang mapansin kong nasa harap na pala ako ng isang pamilyar na club sa sentro ng Linus City.
THE NINTH LOUNGE.
Paboritong tambayan ng mga business elites. Madilim. Maingay. May jazz minsan, may chill EDM rin. Pero isa lang ang gusto ko ngayonâ
Alkohol.
Wala akong planong umarte ng waldas o pabebe. Gusto ko lang uminom. Gusto kong magpahinga sa gulo ng mundo kahit isang gabi lang.
Pagpasok ko, agad akong sinalubong ng kilalang bartender.
âMrs. Montrose,â bati niya, may pilyang ngiti. âOn your usual?â
Ngumiti ako ng pilit. âNot here for small talk, Marco. Just the strongest whiskey youâve got.â
Tumango siya at agad naghanda.
Paglingon ko para humanap ng puwesto, bigla akong natigilan.
There, sa isang sulok ng lounge na may dim light, may isang lalaking nakaupoâmag-isa. Naka-black dress shirt, nakasandal sa couch, may hawak na baso ng whiskey habang nakatingin lang sa glass niya na parang may multong laman.
Digby.
Of course, ikaw rin.
Ang kulit ng tadhana. Ilang milyong tao sa lungsod, pero kami pa ring dalawa ang dinala ng gabi sa parehong lugar.
Pinigil ko ang sarili kong lumapit.
Pero pilit akong hinihigop ng presensya niya. Lalo naât kita kong lasing na siya, pero dignified pa rin. May kung anong lungkot sa mga mata niya na bihirang lumabas. Hindi âyon yung tipikal niyang tingin na bossy o mapang-akit.
Ito, totoo. Sugat.
Naglakad ako palapit. Hindi ko alam kung tama, pero heto na ako. Dalang-dala ng mga tanong sa puso ko na hindi kayang sagutin ng alak lang.
âWala bang boardroom dito, Mr. CEO?â biro ko, hawak ang baso ko.
Napatingin siya, medyo nabigla, pero agad bumalik ang kunot sa kanyang kilay.
âAkala ko hindi ka nagpupunta sa ganitong lugar,â sagot niya.
âAkala ko rin hindi ka rin mahilig uminom mag-isa,â balik ko.
Tahimik. Hanggang sa inalok niya ako ng upuan sa tabi niya.
âI can share the silence,â aniya. âBut I canât promise Iâll stay quiet.â
Umupo ako. Kumuha ng isang lagok mula sa whiskey ko. Napapikit sa init at tapang nito.
âAlam mo bang malapit nang mawala ang ulo ni Tita Loraine saâyo?â bungad ko, hindi tumingin.
âLet her,â sagot niya. âMasyado na tayong maraming kahulugang sinusunod para sa pangalan natin. Gusto ko lang⊠kahit isang beses, magdesisyon para sa sarili ko.â
Napatingin ako sa kanya.
âEven if it means losing everything?â
He looked back. âEverything, Carla? Or just the ones na hindi naman dapat hawakan?â
Bakit ganyan âto magsalita?
Kahit simpleng tanong, parang may kalabit sa puso.
âBakit ba ang kulit mo?â tanong ko, medyo mas malakas. âBakit ba gusto mong gawin lahat ng âto na parang wala kang pakialam sa gulo?â
âI do care,â he said, soft but certain. âKaya nga ako nandito. Dahil alam kong nasasaktan ka. Dahil hindi ko rin maintindihan kung bakit, kahit pakiramdam kong buo na ang desisyon ko, kailangan ko pa ring magtanong: 'Okay ka lang ba?'â
Hindi ako nakasagot agad.
Okay ka lang ba, Carla?
Hindi.
Pero hindi ko kayang aminin sa kanya.
âDigby,â mahina kong sabi. âHindi ko alam kung anong klaseng laro âtong meron tayo. Hindi ko alam kung sinusuyo mo ba ako, sinisira mo, o sinasadyang guluhin lang lahat.â
He leaned closer, just a bit. âMaybe Iâm trying to understand if thereâs still something in you that believes Iâm not all bad.â
âWala,â mabilis kong sagot, pero masyadong mahina.
Tumango siya. âOkay.â
Tiningnan niya ulit ang baso niya. Tapos ako.
âPero andito ka.â
I hated him for that. For being right.
Sumandal ako, pinikit ang mga mata, habang marahang pinapainit ng whiskey ang dibdib ko.
Siguro nga, hindi lang ako napunta sa maling lugar. Napunta rin ako sa maling damdamin.
Pero sa sandaling âto⊠sa katahimikan ng club, at sa bigat ng lahat ng iniwan naming problema sa MCCâ
Parang gusto ko munang makalimot.
Kahit sandali lang.
Kahit sa tabi ng lalaking⊠hindi ko alam kung minumura ko ba sa isip ko o unti-unti ko na ring pinipilit mahalin.