Steph POV Masaya ako ngayon dahil nakuha ko na ang gusto kong makuha, tawagin nyo akong desperada pero hindi ko kayang mawala si James sa akin, nag kamali ako noon pero ngayon tinatama ko na. “James, i have to go. May next subject pa ako pwede mo ba akong ihatid” Tumingin lang sya sakin at hindi naman umangal, yan ganyan dapat. “Sige” Matamlay nyang sabi, hinayaan ko na lang sya, masasanay ka din at babalik tayo sa dati, kung gaano mo ako minahal noon. Mag lalakad na sana kami ng may humarang sa daanan namin “James pwede ba kitang makausap ?” Namumukaan ko tong babaeng to, eto yung laging kasama ni Kristen. “Hindi pwede ! Diba ihahatid mo pa ako ?” Hinatak ko naman sya sa kamay nya. “Hindi ikaw ang kinakausap ko ! kaya manahimik ka nalang !” Aba ! bwiset to ah !

