"Where have you been?" tanong ni Drix kay Lyka nang makita siya nito. "Why? May nangyari ba?" balik-tanong sa pinsan. "I saw you with Bryan. Saan ka ba niya dinala? Medyo natagalan kayo," sagot nito sa kanya. "Sa hotel nila. May iniutos si Papa." Pinaningkit nito ang mga mata na parang hindi naniniwala sa sinabi niya. "Eh, nasaan na siya? Hindi mo ata kasama." "Nagpaiwan. Nag-taxi na lang ako," sagot niya rito. Siyempre hindi niya sasabihin kung ano talaga ang nangyari sa kanila ni Bryan dahil paniguradong marami na naman itong sermon sa kanya kapag nalaman nito na kinaladkad siya ni Bryan patungo roon upang...Enough! "Bakit mo pala ako hinahanap?" tanong niya rito. "Kain lang kasama ng tropa," wika nito sa kanya pagkatapos ay hinila siya patungo sa cafeteria ng ospital. K

