CHAPTER THIRTY-SIX BEA's POV: "WALA KA NG MALOLOKO PA, NICO! HINDI MO NA AKO MAPAPAIKOT PA! KAYA ITO ANG TANDAAN MO, IPAKUKULONG KITA!", sigaw ko na halos umigting ang aking panga sa galit. Kahit anong paliwanag pa ang sabihin niya, hindi na ako maniniwala pa. Sinungaling siya! At higit sa lahat, mamamatay tao! Wala siyang puso! Kaya nagtataka ako kung bakit naging pulis ang tulad niya! "Oo, Bea. Makukulong ako. Ako mismo ang papasok sa kulungan para mapatawad mo ako. Pero mahal kita. At totoo ang pagmamahal na pinakita ko sayo--", I slapped him. Malakas na sampal ang binitawan ko sa kanyang pisngi. Ang kapal ng mukha niya para sabihin na minahal niya ako? "Gustong-gusto kita patayin. Pero naalala ko, hindi ako demonyo para gawin 'yan sayo!", bigkas ko muli na may madiin pa rin s

