CHAPTER TWENTY-EIGHT BEA's POV: "ANONG GINAGAWA MO SA PAMAMAHAY NAMIN, BEA?!", sigaw ni Fiona na animo'y sasabog na ang bunganga sa galit. Ito agad ang lumabas sa bibig niya nang makilala ako. Pero hindi ako nagpatalo at nagpasindak sa kanya. Sa halip, umiyak ako ng husto para makuha ko ang simpatya ni Nico. "B-babe, umalis na tayo dito. N-natatakot ako sa lalaking 'yan.", I said while crying. Sinanday ko pa ang aking mukha sa dibdib nito habang umaagos ang luha sa pisngi. "What is the meaning of this, Nico? Girlfriend mo ang babaeng 'yan?", tanong nito nang humakbang palapit sa pwesto namin. Pero bago pa man makasagot ang binatang kayakap ko, muli akong nagsalita. "N-nico, aalis na lang ako. H-hindi ako sanay na binabastos.", "No. Hindi ka aalis babe. Gusto kong malaman ang tot

