CHAPTER FOURTHY FIONA's POV: TINGIN sa kanan at tingin sa kaliwa. Ganito ang ginagawa ko habang kumakain. Mag-isa ako ngayon sa isang kwarto kung saan iniisip ko kung paano makatakas sa pesteng hospital na 'to. 'HINDI AKO BALIW! HINDI AKO BALIW! HINDI AKO BALIW!' Ito ang sinisigaw ng utak ko kaya mahigpit kong hinawakan ang tinidor. Ilang minuto rin ang tinagal at nakaisip ako ng plano. "A-aarrray!", bigkas ko na kunwari ay namimilipit ako sa sakit ng aking tiyan. Hindi ako pwedeng tumagal pa dito. Dahil alam ko na nag-eenjoy si Bea na kasama si Mark. Hindi ko man sila makita, malakas ang kutob ko na gano'n ang nangyayari ngayon. "Aray ko!!!", sigaw ko ulit. Lumapit naman sa akin ang isang nurse at tinanong kung okay lang ba ang pakiramdam ko. Pero ang tanging sinabi ko ay

