Samantala "Maica!!!" Humahangos na tawag ni ABCD sa kaibigan. Napatingin si briz kasabay ng pagkunot ng noo at masamang tiningnan ang bagong dating na lalaki. Naningkit ang mata nito habang kinikilala ang bagong dating. Napatiim bagang ako ng makilalang Ito ang lalaking nakita nila na kasama ni Maica sa larawan. Nang tingnan ko ang dalaga para sana alamin kung ano ang magiging reaction nito nag bunyi ang loob ko ng makitang nakakunot ang noo nito. "Ano nangyari sayo bhe? Bakit ganyan hitsura mo? Don't tell me malakas ang limang yun at napurohan ka ng todo." Nangaasar na tanong ng babae pero iba ang dating noon sa pandinig ko. Agad tumalim ang mga mata ko at masamang tumingin sa dalawa. Napasipol si Andrew. Hindi ko yun pinansin at patuloy lang ang paninitig sa dalawang tao. "W

