"Good morning mo ma'am" magalang niyang bati sa medyo may edad ng babae. Ito ang sumalubong sa kanya sa ay gate ng malaking bahay.
"ano kaba ining tawagin mo nalang akong Merna ikaw ay si Maica diba?" anito na may masuyong ngiti sa labi. Napaisip siya ganito ba lahat ng pilipino workers sa ibang bansa kahit kakikilala palang sa tao masyado ng magiliw paano pala kung masama yung taong yun? Di napahamak sila?
"Opo." sagot niya saka gumanti ng ngiti dito.
"Nasabi naman siguro sa ito ni Jesus na walang Na inform si Mr Kiyusaki na kasambahay na dadating."agpaaptuloy nito.
"Ganun Na nga po at nagpapasalamat po aKo Na pinatuloy nyo parin aKo kahit Na wala akong appointment " Tumango ito at pinagmamasdan siya na para bang pinagaaralan siya. Tipid lang siyang ngumiti ng magtama ang kanilang mga mata.
"Maaari ko bang malaman kung kailan kapa dito sa Japan?" pagkuay tanong nito matapos siyang pagmasdan. Hmmm hindi naman pala totally na nagtitiwala ito agad siguro natural na talaga sa mga pilipino ang maging accommodating sa kapwa.
"Kahapon lang po aKo dumating at kasalukuyan po akong nakatira sa chojamaro street sa isang apartment po para sa mga cleaners working ng JCF."
"Kung ganun bakit ka nag-aaply as a Maid?" may ppagtataka nitong tanong.
"No choice po, ito po ibinigay sa akin na trabaho saka baka po kc paalisin ako sa apartment na iyon eh, Hindi na po aKo welcome dun kc po ibang work Na ang nakaline sa akin." ayaw nyang magpaawa pero wala na siyang choince for the succes of her mission kailangan niyang maging practical.
"Maaari ko bang makita ang paper na ibinigay sayo?"
"Opo ito po oh." napatango tango ito matapos pasadahan ang papel na hawak pero agad ding nanlaki ang mata nung dumako na sa ibaba ng papel ang paningin.
"Nagkakamali ka ng lugar na pinuntahan." Wika nito Na may pagaalala na palipat lipat ang tingin mula sa paper na hawak bago sa mukha niya.
"Ano po ang ibig mong sabihin?" may pagdududa na sa kanyang isipan.
"Hindi dito sa miguro ang lugar Na dapat mong puntahan kundi doon sa Negishi palace." anito sabay abot pabalik nng papel sa kanya.
"Ay ganun po ba nako! Sorry po sa abala sige po aalis na aKo." nagmadali siya sa pagtayo wala dapat siyang sayangin na oras.
"Wait alam mo ba kung ano ang meron sa lugar na iyon?" Habol nitong tanong. Huminto siya saka umiling. Bumuntong hininga ito.
"Ang lugar Na iyon ay lugar ng patay sindi ang ilaw in short ay bahay aliwan." Napahumindig siya sa narinig.
"Pero ang sabi po ng manager ay sa bahay ang magiging trabaho ko. Binigyan nya ako ng option kung sa bahay o sa clab. Mas pinaburan nya aKo sa clab kasi daw hindi papasok ang hitsura ko sa clab tapos malalaman ko clab ang pinapapuntahan niya sa akin?" hay nako maica umiiral na naman yang katangahan mo. Kastigo niya sa sarili. "payong kababayan kung aKo sa iyo wag ka ng pumunta doon. Hindi mo alam kung ano ang naghihintay sayo sa lugar Na iyon."
"Pero wala po akong trabahong mapapasukan. Umaasa po ang pamilya ko sa akin." Malungkot niyang sabi. Nakakaunawa itong tumingin sa kanya bago nagsalita. Dumito ka muna hayaan mo at kakausapin ko si Mr Kiyusaki Na kung maaari ay dito ka muna habang naghahanap ka pa ng trabaho."
"Talaga po? Nako maraming salamat po hulog kayo ng diyos sa akin thank you very much po." Sa tuwa niya ay niyakap pa niya ang ale. Natawa naman ito humiwalay sa kanya. Wag ka muna ng magsaya Hindi pa alam ni sir ito."
"Kahit Na po maraming salamat parin. Kukunin ko lang po ang mga damit ko sa apartment ."
"Kung aKo sa iyo ay wag Na muna Baka mamaya ay may nakaabang Na dyan sa iyo upang ikaw ay sapilitang kunin. Siguro naman ay wala kang mahalagang gamit doon na naiwan." Umiling siya
"wala naman po."
"Halika sasamahan kita sa magiging silid mo. Mamaya ay binigyan kita ng ilang perasong damit Na Hindi Na ginagamit." Tumango lang siya saka sumunod dito buti nalang at sanay siyang labitin ang mga importante niyang gamit. Tulad ng passport at syempre ang hidden camera niya.
"Nanay Merna wala po ba kayong ibang kasamang katulong dito sa bahay?"
"Meron nasa kanilang bahagi ng mansion Na ito. Mamaya ipapakilaka kita sa kanila sa ngayon magpahinga ka muna."
"maraming Salamat po. Hindi po ba kayo pagagalitan ng amo nyo. Si Mrs Kiyusaki po nasaan?" Curious niyang tanong. "Wala Na si Mrs Kiyusaki at si Mr Kiyusaki naman ay wala dito nasa ibang Bansa inaasikaso ang ina niyang Negishi kasama ang pangalawa niyang anak ang panganay naman na anak ay nasa pilipinas doon Na yun naglalagi at minsan nalang pumunta dito. At kung sakali naman Na pumunta dito umiwas kana lang kc Hindi maayos ang pakikitungo non sa ibang Tao pero I guarantee naman Na mabait iyon. Yun nga lang magaspang ang ugali."
"Ah, noted po." Sagot nalang niya. "Iiwan Na kita ha "
"K! Po salamat." Pasimple niyang inilibot ang paningin sa silid. Simple lang at pang dalawahang tao. Dahil double deck ito. Pinili niya ang kama sa itaas ng sa ganun Hindi siya maisturbo kung sakaling magkakaroon siya ng kasama sa silid. Nang makaakyat ay agad niyang inilatag ang bag sa kama. Saka hinimas himas ang balikat. Medyo nangawit din siya sa bigat ng bag niya.