Dahan-dahan na inihiga ng lalaki si Ava. Inayos pa nito ang pagakakahiga ng asawa at saka nahiga sa tabi nito.
Niyapos ng pakahigpit-higpit ni Lycan si Ava. Para bang balak nitong kapusan siya ng hininga at nang mamatay.
Tinipon lahat ni Ava ang kanyang lakas at puwersahan na tinanggal ang braso ng lalaki mula sa pagkakayakap sa kanya. "Bitawan mo nga ako. Hindi ako managing sa iyo."
Bumangon si Ava at tumayo. Aalis sana sita ngunit bigla siyang hinatak pabalik muli sa higaan at pinahiga. Inipit pa ng lalaki ang mga binti ni Ava gamit ang kanyang mga binti rin upang hindi na tuluyang makarios ang babae.
"Anong ginagawa mo? Bitawan mo ako, pwede ba?" Singhal ni Ava kay Lycan. Pinandilatan pa niya ito ng mata. Mukhang galit man magsalita o tumingin si Ava. Sa katunayan, hindi naman talaga galit o nandidiri sa lalaki si Ava sapagkat hindi naman niya masisisi si Lycab kung bakit siya ang napangasawa niya.
Lumingo-lingo ang ulo ni Lycan. Nakanguso ang mga labi. Ang kanyang ekspresyon ay talagang parang bata na ayaw makipag-share ng labuan sa iba. "Dito ka lang. Huwag kang lumabas. Gabi na. Sabi ni mama ay oras na para magpahinga."
Tiningnan ni Ava ang lalaki habang nasa mahigpit nitong mga yakap. Nang makita ang nakakatawang ekspresyon ng lalaki, sa kabila ng napasukang sitwasyon, hindi niya mapigilan ang mapangiti.
Hindi iyon nakalagpas sa mga mata ng lalaki at ito ay napangisi rin.
"Bakit ka na naman nakangisi? Pwede ba na sumeryoso ka naman?" Nasampal ni Ava ang noo. Pabulong-bulong, kaya hindi siya masyadong naintindihan ng lalaki. Ang mga huli niyang sinabi ay hindi na lamang nito pinansin. "Oo nga naman. Hindi ka nga naman kailanman maging seryoso."
Lumingo ang lalaki. "Hindi pwede."
"Bakit?"
"Dahil napapangiti talaga ako kapag nakatingin ako sa ganda mo. Darling, ang cute mo ngumiti. He - he- he. Talagang asawa kita. Maganda. Bagay sa akin na gwapo at bibo."
"Limang taon ka ba talaga o nagpapanggap lang?"
"Of course I'm-I'm, ilang taon nga ulit ako?" Kinuskos ni Lycan ang kanyang ulo. Bakas sa mga mukha ang labis na pagkalito.
Bumuntung-hininga ng malalim si Ava. "Oh siya na. Matutulog na tayo. Huwag ka ng mag-abala pa na alalahanin ang edad mo."
Tumayo si Ava at kinuha ang isang kumot. Pagkatapos ay inilapag sa may sahig. Nagtataka na tiningnan naman siya ng lalaki.
"Darling, a-anong ginagawa mo? Bakit mo nilagay ang kumot sa may sahig?" Tanong ni Lycan. Labis ang pagkalito nito habang hinihintay ang sagot ni Ava.
Pinagpag ni Ava ang isang unan at sabay na inihiga ang sarili pagkalapag ng pagkalapag ng unan sa may sahig. "Dito ako matutulog."
"Kung diyan ka matutulog, eh di sino ang tatabi sa akin?"
"Problema ko pa rin ba iyon?" Napatawa ng alanganin si Ava. "Eh di mag-asawa ka ng isa pa para may tumabi sayo? Hindi ako sanay matulog na may katabing bata. Ang gusto kong katabi ay kasing-edad ko para naman hindi ako magmukhang nanay."
Malungkot na ipinatong ni Lycan ang kanyang mga pisngi sa magkabila niyang mga palad. "Darling, galit ka ba sa akin? Ano ang gusto mong gawin ko para hindi ka na magalit sa akin?"
Huminga ng malalim si Ava. "Lycan, makinig kang mabuti. Una, hindi ako galit sa iyo. Masama ang loob ko sa mga nangyayari pero hindi naman tama na ibunton ko sa iyo ang sisi. Siguro hindi mo ako naiintindihan pero huwag mong isipin na galit talaga ako sa iyo. Pangalawa, gusto ko munang mapag-isa. Bigyan mo ako ng panahon na mag-isip."
Tumango ang lalaki.
"So naiintindihan mo ako?"
"Hindi." Seryosong sagot ng lalaki.
"Ano?"
Ngumisi ang lalaki pagkatapos ay tumalon pababa sa tabi ni Ava. Nagsusumigaw naman si Ava sa gulat.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Ava ng makita ang lalaki na humiga sa tabi niya at niyakap pa siya ng mahigpit.
"Tatabihan ka." Nakangisi nitong sabi. "Sabi kasi ni mama, kapag pumupunta raw sa ibang bahay ang isang tao, sa umpisa ay naninibago ito at naging malungkot. Ayaw kung maging malungkot ka kaya ipaparamdam ko sa iyo na may kasama ka. Kung dito ka matutulog, dito rin ako matutulog."
"Ano ba ang naging kasalanan ko noon upang maranasan ito?" Huminga na lamang ng malalim si Ava at tumalikod sa lalaki. Hinayaan na nakayakap ito sa kanya.