Kabanata 10

908 Words
Kukurap-kurap ang mga mata ng lalaki habang nakatingin kay Ava. Nasa mga mukha ang kalituhan dahil sa kakaibang reaksyon ng babae. Nang hindi makatiis, malungkot na sumimangot ang lalaki at tumayo. Diritsahan itong lumapit kay Ava at pabagsak na naupo sa kanyang tabi. Kumunot ang ilong ni Ava dahil sa magkahalong-amoy ng pagkain na nanggagaling sa hininga ng asawa. Nanlaki ang kanyang mga mata at mas lalo pa siyang maiyak nang biglang hawakan ni Lycan ang kanyang mga balikat gamit ang masebo nitong mga kamay at hatakin siyang bigla paharap sa kanya. Malungkot pa rin itong nakasimangot. "Darling, ayaw mo na ba agad sa akin? Bakit hindi mo ako sinasamahan sa pagkain? At bakit kakaiba ang ekspresyon mo at tingin mo sa akin? Hindi ko maintindihan. Nalilito ako. Pero pakiramdam ko, galit ka sa akin. Darling, sorry na. Huwag ka ng magalit sa akin." Mas lalong bumagsak ang nakangangang mga labi ni Ava dahil sa hindi kapanipaniwalang pangyayari. Akala niya na siya na ang pinakamaswerteng babae sa lahat ng mga kababaihan. Hindi niya lubos mansion kung paano siya naikasal sa isang lalaking may sira sa pag-iisip? Hindi naman sa minamaliit niya ang lalaki. Pero hindi siya makapaniwala na ganito pala ang kahahantungan ng kanyang kasal. "Talagang totoo ang sinasabi ng mga tao. Ang pag-aasawa ay hindi minamadali dahil hindi ito kanin na kapag mainit ay iluluwa mo lang." Bulong ni Ava sa isip. Nagpa-cute pa si Lycan upang ngumiti ang babae. Nang wala pa ring epekto, tumayo siya at hinarap si ang tulala ngunit nagluluksang si Ava. "Darling, alam mo bang napakaganda mo?" Biglang hinawakan ni Lycan ang magkabilang pisngi ni Ava at pinisil-pisil habang ngumisi ng nakakaloko. Parang baliw talaga siyang tingnan. Walang tigil niyang ginagawa ito habang masayang pinupuri ang babae. "Darling, ang cute cute mo talaga. Sobrang cute. Nakakagigil. Ang sarap pisil-pisilin ng iyong mukha. Ang lambot at makinis. Parang Siopao. Paborito ko. He he he." Hindi na talaga mapigilan ni Ava ang magluksa. Kagat ang pang-ibabang labi, nakapikit siya habang nagsusumigaw sa isipan. "Ano ba itong nangyayari sa akin? Ano ba ang naging kasalanan ko upang paglaruan ako ng mundo? Sa sobrang pili ko, napunta ako sa isang baliw? Ang mas masaklap pa, matagal ko ng pinapangarap at iniibig ang lalaki ito. Pagkatapos ay madidiskubre ko na lang na isa pala siyang baliw? Nakakaloka." Hindi na nakatiis si Ava. Bigla niyang ibinuka ang mga mata at umatungal ng kanyang sama ng loob. Samantala, sa labas ng kwarto ng bagong kasal, mayroong limang tao ang lihim na nakiusyoso sa mga nangyayari sa loob. Sila ay sina Mycan, Fycan, Gng. Prince, at Lorence. Nagtutulakan sila habang nakadikit ang kanilang mga tainga sa pintuan. "Ewan ko ba sa inyo. Bakit niyo nagawang pagtulungan si Ava. Kung malaman niyang nagpanggap lang kayong dalawa na pilay at bakla. Hindi ko alam ang mangyayari. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Ava." Sabi ni Lorence. "Kung alam niyo lang kung gaano siya kabangis kapag galit, ay naku. Ewan ko lang talaga." "Pssh, tumahimik ka nga. Hirap akong marinig ang nangyayari sa loob." Saway ni Fycan kay Lorence. "Ano pa ba kasi ang inaasahan niyo na posibleng mangyayari? Maya-maya lamang ay malalaman ni Ava na nahulog siya sa trap niyo." Tumayo si Lorence ng maayos at inilayo ang sarili sa pintuan. Tiningnan niya ang kanyang tiya. "And you Tita. Bakit hindi mo sinaway itong dalawa?" Ngumiti ang ginang habang isininyas ang kamay na hinaan ang kanyang boses. "Talagang hindi ko alam ang plano nitong dalawa sa umpisa. Pero napaisip ako. Mukhang maganda rin naman itong naisip ng dalawa. Kung matatanggap ni Ava si Lycan kahit ganyan siya. Hindi na ako mag-aalala sa kinabukasan niya." "Kung yan din lang naman ang pinag-aalala niyo. Sana kumuha na lang kayo ng mahusay na caregiver o nurse. Dahil hindi naman asawa ang kailangan ni Lycan kundi doktor sa utak." "Hey, hey, huwag ka ngang mag-isip ng ganyan." Saway ng ginang sa binata. "Hindi baliw ang anak ko." Napatahimik na lamang si Lorence. Wala na siyang balak na makipagtalo pa tungkol sa mga bagay na iyon. Hindi nga nagtagal ay biglang dumagundong ang boses ni Ava mula sa loob ng kwarto at nagsipagtakip sila sa kanilang mga tainga dahil sa sobrang lakas ng sigaw. Hindi pa nga sila nakakapag-adjust sa ingay, biglang bumukas ang sinandalan nilang pintuan, dahilan upang sila ay madapa sa sahig ng nagkabuhol-buhol. Maliban na lamang kay Lorence na nakatayo lamang sa may tabi at napako sa gulat at hiya para sa babae na bigla na lamang lumitaw sa may pintuan. Nasa mga mata nito ang labis na kalituhan, gulat, at pagtataka. Hindi rin mawawala ang nakatagong kabiguan sa mga mata niya. "Hi!" Sabay-sabay na sabi ng tatlo. Matigas at nahihiyang ngiti ang nasa mga labi nila. Tiningnan lamang sila ni Ava hanggang sa sila ay makatayo. Pinag-ekis ni Ava ang kanyang mga braso sa may dibdib at tiningnan ng isa-isa ang lahat. Lalo na ang magkapatid. Hindi na nakasakay si Mycan sa kanyang wheelchair at maayos naman itong nakatayo. Ang mukha naman ni Fycan ay wala ng makeup o kulurete. Malinis at makinis na ito. At guwapo gaya ng dalawa niyang mga kapatid. So, ibig sabihin, naloko lamang siya. Walang kapansanan ang isa at hindi rin bakla ang isa. Walang galit, walang lungkot, at walang panunumbat ang ekspresyon at boses ni Ava ng siya ay nagsalita. "Sinong gustong magsalita? Siguro naman ay karapatan ko na marinig ang mga paliwanag niyo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD