Kabanata 14

780 Words
Nang marating ni Lycan ang likod-bahay, napahinto siya sa lugar kung saan nakahilera ang mga rosas. Sa mata ng karamihan, wala namang kakaiba. Ngunit sa mga mata ni Lycan, may na nangyari sa kanyang mga bulaklak. Habang sinisuri niya ang mga bulaklak, kinakabahan at nanginginig naman sa takot ang dalawang katulong na sumunod sa kanya. Nagtutulakan silang dalawa kung isusumbong na lamang nila kaagad sa lalaki ang kanilang nakita. "Sabihin mo na kasi kay Sir ang nangyari. Baka tayo pa malintikan mamaya. Tayo pa naman ang halos dumadaan sa lugar na ito. Tayo pa ang pagbintangan ng iba." "Hala bakit ako na naman? Sino ba ako? Kung natatakot ka ay natatakot din ako. Hindi mo nga magawang magsabi samantalang mas nauna ka sa akin dito. Ikaw na." "Ikaw na. Ikaw ang mas matanda sa ating dalawa kaya ikaw na lang. Sige na." "Ano raw?" Napakamot sa ulo ang isa. "Oh sige na nga." Humanda na nga sana sila na ipagtapat sa amo ang nasaksihan ng biglang tumingin sa kanila ang amo. Walang ekspresyon ang mukha nito kaya hindi nila masabi kung ano ang iniisip o mood ng lalaki sa mga oras na iyon. Dahilan upang mas lalo silang kabahan. Nangangatog ang kanilang mga tuhod na tumingin sa mga mata ng amo. "May pumitas sa mga rosas ko, hindi ba?" Sabi ni Lycan. "Bakit hindi niyo sinabi sa akin?" Pumitik ang mga tainga ng lalaki, nakarinig siya ng kaluskos ng tubig. Suminghot din siya sa paligid. "Sir- ang totoo po ay—" "Damihan niyo pa ng pitas!" Bigla na utos ng lalaki. Siya pa mismo ang nagpasimuno sa pagpitas. "Tulungan niyo akong dalawa. Siguro matutuwa sa akin ang darling ko kapag bibigyan ko pa siya ng maraming rosas. Dali! Dali! Tulungan niyo na ako. Bilisan niyo." Nagkatinginan muli ang dalawang katulong. Paskil ang mga alanganing ngiti sa labi, napa-opo na lamang ang dalawa at pumitas na rin ang dalawa. Habang pumipitas sila ay nagbulungan ang dalawang katulong. "Anong nangyari?" "Eh di ano pa? Mas mahalaga na ngayon sa kanya ang kasiyahan ng kanyang asawa kaysa sa mga alaga niyang bulaklak." "Ang swerte naman ni ma'am Ava." Tiningnan siya ng kausap ng kakaiba. "May sira ba ulo moaning? Anong swerte roon? Baliw naman ang naging asawa niya." "Psssh, hinaan mo naman ang boses mo. Baka may makarinig. Lagot tayo." "Totoo naman eh." "Alam ko. Pero ang ibig kung sabihin, maswerte siya kasi kahit may problema sa pag-iisip si Sir ay mahal na mahal siya nito at inaalagaan. Higit sa lahat, napakayaman nila. Habang buhay na siyang hindi makakaranas ng hirap." "Hmmp, kahit ganun pa man. Halata naman na hindi siya masaya." Napabuntunghininga ito. "Yun lang ang problema. Hindi talaga mabibili ng pera ang puso." "Anong pinag-uusapan niyong dalawa?" Bigla na lamang ay may kumalabit sa likuran ng dalawa, dahilan upang sila ay napakislot. Sabay pa ang dalawa na bumigkas ng salitang baliw ng hindi sinasadya. Nahintakutan sila sa sinabi at kaagad na nag sorry. Hindi naman ito pinansin ng lalaki. Inagaw pa niya bigla ang hawak na pinitas na mga rosas ng dalawang katulong. "Akin na ang mga ito. Siguro ay sapat na ito. Pupuntahan ko na siya." Muling kumaripas ng takbo ang lalaki papunta sa may hot spring habang sumisigaw, "Darling, nandito na ako. Nandito na ako. Dinalhan kita ng napakaraming-bulaklak." Napabuntunghininga ng malalim ang dalawa. Nakatingin sa amo na para bang nakatanggap sila ng amnesty. Mula sa may batis, masayang lumalangoy si Ava. Kaya hindi niya narinig o napansin ang paparating na mga yapak sa likuran niya. Sa pagod, nagpasya siyang magpahinga muna sa gilid ng pabilog na sukat ng batis at namnamin ang sarap ng tubig sa pakiramdam. Sumandal siya at ipinikit ang mga mata. Hindi pa man naka-ilang minuto, biglang may tumakip sa kanyang mga mata. "Nakita rin kita, sa wakas." Ang sabi ng boses. "At huwag kang sisigaw." Nagtaka si Ava nang mapansin na hindi pamilyar sa kanyang pandinig ang boses ng nagsasalita. Masyado malaki at malalim ang boses nito. Parang boses ng mga gangster na karaniwang ginagamit sa mga pelikula. Matinding pangamba ang bumuo sa puso ni Ava. Gaya nga ng banda ng lalaki, hindi siya sumigaw at nakiramdam na lamang sa paligid. "Sino ba ang taong ito? Magnanakaw ba?" Tanong ni Ava sa kanyang isipan. "Impossible naman. Guwardyado ang buong mansion at napakataas pa ng mga bakod. Paano siya makakapasok ng hindi napapansin ng mga guwardiya? Auh, sigurado akong taga-rito lang din ang taong ito. Pero sino kaya? Ang lakas naman ng loob niyang tarantaduhin ako?" Napalunok si Ava. Tinapangan niya ang sarili at nakipag-usap dito. "Mister, ano ba itong ginagawa mo? Kilala mo ba ako? Ako ang asawa ni Lycan." Humalakhak ang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD