Kabanata 6

1079 Words
Sa labas ng isang napakalaking Hall, na kung saan napapalamutian ng nagagandahang dekorasyon pangkasal, bumaba si Ava habang inaakay ni Lorence na guwapong-guwapo naman sa suot nitong itim na puting polo na sinapawan ng itim na tuxedo at pinarisan ng stripe na necktie at itim na slacks. Si Ava naman ay nakasuot ng puting wedding dress. Nakalantad ang kanyang magaganda at mapuputing mga balikat at nakakamangha ang napakaganda at malulusog nitong mga dibdib. Ang kanyang damit ay talagang bumagay sa kanya. Sukat na sukat ito na para bang niyari para sa kanya lamang talaga. At habang suot ang damit, lumantad ang perpektong hugis ng kanyang katawan na talo pa ang mga naggagandahang modelo. Natatakpan ng puting veil ang ulo ni Ava kaya hindi kita ng sinuman ang kanyang maganda at inosenting mukha. Ngunit sa kanyang kabighani-bighaning katawan pa lamang na pinarisan naman ng mahahabang binti at maumbok na puwit na parang ikinabit na burol, napanganga na kaagad ang mga bisita at lahat na naroroon sa kanyang pagdating. Lalo na ang mga kalalakihan na naroon. Halata sa kanilang mukha ang labis na pag-aasam na lumantad ang mukha ng dalaga. Panay ang kanilang palakpakan habang naglalakad papuntang altar ang dalaga. Habang akay ni Lorence ang dalaga papunta sa loob, nakiramdam naman ang dalaga sa paligid. Palinga-linga siya, parang may hinahanap. Manipis man ang veil na nakatakip sa kanya ay hindi niya halos makita ang mga hitsura ng mga naroroon. Ngunit segurado siya, mayroong tatlong tao ang nakaupo sa harapan ng malaking Hall.  Nagtataka man si Ava dahil hindi niya mahanap kahit anino ng tatlong misteryosong lalaki na siyang mga anak ng Prince Family sa harap ng Hall, tumahimik na lamang ang dalaga. Ngunit parang naintindihan naman ni Lorence ang kanyang mga ikinikilos kaya kusa itong nagsalita ng pabulong. "Hey, hinahanap mo yong tatlong Prince, ano?" Sabi ni Lorence. Ang boses ng binata ay may halong panunukso. "Hindi ka na makaantay na makita sila?" "Anong sinasabi mo? Bakit naman ako maging excited na makita sila samanatalang hindi ko sila kilala. Magpapakasal na nga lang ako eh wala akong ideya kung sino at kung anong klase ng tao ang papakasala ko? Aba, malay ko kung mukhang batiks pala ang mga pinsan mo." Bahagyang niyugyog ni Ava ang kanyang kamay, dahilan upang mapangiti ang binata. Pigil-pigil nito ang mapahalakhak. "Oy grabe ka naman kung manlait Miss Ava. Walang Prince na pangit." "Segurado ka? Eh kung ganun pala? Bakit mayroong ganitong kasalang mangyayari? Talagang kakaiba sa lahat." "Ewan ko. Ito ay desisyon ni Tita. So walang puweding sumuway." "So under dictatorial system pa rin pala kayo dito." Bahagyang napatawa ang lalaki. "Hindi naman sa ganun. Talagang nirerespeto at sinusunod lamang ng buong pamilya ang desisyon o salita ng itinalagang leader ng pamilya. Lalo pa at sila ang pinakamayaman sa buong angkan." "Auh, may ganun pala dito." "Oh siya, nandito na tayo. Huwag ka ng magsalita." Tumigil na sa pagsulong ang binata at binitawan ang kamay ng dalaga. Hindi na nagtanong pa si Ava kung bakit siya tumigil dahil segurado siyang kaharap na niya ang mga magulang ng tatlong lalaki na kanyang pagpipilian. "Tita, Mom, Dad, nandito na po si Miss Ava." Rinig ni Ava na sabi ng lalaki. Kinabahan si Ava bigla. Pakiramdam niya sa mga puntong iyon ay bibitayin siya. "Good job, Lorence. Hindi mo kami binigo." Sabi ng mas matanda sa kanilang tatlo. Sa hula ni Ava, ito ang ina ng tatlong Prince. Ngumiti ang may katandaang babae, "Iha, huwag kang mahiya. Magiging pamilya mo na ang mga tao dito. Itaas mo muna ang iyong veil para makita ng lahat ang iyong hitsura." "Mawalang-galang na ho. Ngunit mas mabuti pang hindi ko muna ipapakita ang aking hitsura. Naniniwala kasi kami na mas mabuti kung ang mapapangasawa ko ang unang makakakita sa aking mukha. Sabi nila, magiging suwerte daw ito sa pagsasama ng mag-asawa. Dahil siya ang unang nakakita sa aking mukha, magiging loyal daw sila sa isat-isa dahil tanging ang isn't-isa lamang ang kanilang nakikita." Napatawa ang babae. "May ganun ba? Oh sige, ikaw na ang bahala." Pumalakpak ang babae, senyalis ng mga susunod na mangyayari. "Simulan na ang pagpipili!" "Saglit!" Biglang iniabot ni Ava ang kamay.  "May problema ba, Iha?" Nagtataka na tumingin kay Ava ang lahat. Hindi nila lubos maisip na binabalak umatras sa kasal ang dalaga. Napalunok si Ava sa nararamdamang tensyon sa paligid. Upang hindi halata na kinakain siya ng kaba, dinaan na lamang niya sa tawa ang nararamdaman. "Pasensya na ho kayo. Puwedi ho munang magtanong?"  "Ano iyon, Iha?" Wala namang bahid na pagkainis ang boses ng matandang babae. "Huwag kang mag-alangang magtanong. Kung ano man iyang nasa iyong isipan, mas mabuti pang ipahayag muna upang maliwanagan ka." "Bakit ako? Marami namang mga babae riyan. Mas maganda. Mas mayaman. Bakit ako?" Napatawa ang babae. "Sa pagpili sa iyo, hindi hitsura o antas sa buhay ay aking naging basehan. Sa katunayan, hindi man lang namin nakita ang iyong tunay na mukha kahit na sa litrato man lamang. Ako, ang patay kung asawa, at ang iyong ama ay magkakilala at ito ay napagkasunduan naming tatlo. Kami ay may malaking utang na loob sa iyong ama at bago siya nilagutan ng hininga, dahil sa pag-aalala na maiwan kang mag-isa, ipinagkatiwala ka niya sa amin. Upang mabayaran ang utang na loob na iyon, ganun nga, pinagkasunduan naming ipakasal ka sa isa naming anak." "So ganun pala ang nangyari. Ma'am, este, ale, este— ay di bale na nga. Since mama ka ng lalaking papakasalan ko. Hindi siguro masama kung tatawagin ko kayong mama, tama?" Humalakhak ang babae. "Hindi mo ako binigo, Iha. Ngayon lang tayo nagkita ngunit magaan na ang loob ko sa iyo. Mas ikinatutuwa ko pang tawagin mo akong mama. Dahil sa madaling salita, hindi labag sa kalooban mo ang kasalang ito." Napakamot si Ava sa kanyang ulo. Alanganing napatawa. "Ito ang huling kahilingan ng ama. Labag man sa aking kaluuban o hindi, hindi na iyon mahalaga. Angas mahalaga ay matupad ko ang hiling ng aking ama." Napatango ang matanda. "Napakabuti mong bata. Masuwerte ang mapapangasawa mo." "Nasaan na po ba ang tatlo?" "Sandali lang. Tatawagin natin sila isa-isa." Pumalakpak uli ang babae. "Iharap na rito si Mycan Prince!" Kaagad nga ay bumukas ang katabing pintuan ng  nasa kaliwang banda ng stage. At doon, unang nasilayan ng mga mata ng dalaga ang isang lalaki na mayroon ngang natatanging aking kagwapuhan ngunit may isang napakalaking problema. Bakit nakasakay ito sa wheel chair habang tulak-tulak ng isang katulong? Anong ibig sabihin nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD