Tulala si Autumn habang natingin sa unahan habang nag-iingay si Raine na pinsan na nag hohose sa kasal ng kakambal n'ya. Ilang weeks na s'yang hindi mapakali. Simula ng dumating s'ya mula sa bakasyon, parang may kakaiba s'yang nararamdaman na hindi n'ya maisip. Pilit n'yang inaalala na parang may nalimutan s'ya na hindi n'ya maalala kaya naman palagi s'yang tulala ay nag-iisip. Ngunit kahit anong isip n'ya wala naman s'yang maalala sa mga nangyari sa bakasyon n'ya sa El nido palawan. "So who will win kaya a gift certicate worth 5,000 pesos. Sino ang sasali?" tanong ni Raine habang kanya-kanya ng volunteer ang lahat dahil sa laki ng pa price. "Puwede bang ako ang pumili ng brides maid na kasali, may isa na akong nakita na masakit sa mata e." biro ni Raine na tinawanan ng lahat. "5 babae

