"Oh!" inabot ni Ian sa dalaga ang 3 klase ng paper bag habang nasa lobby sila ng isang hotel na katabi mismo ng mall. Inis na hinablot ni Tom ang mga paper bag saka tumalikod. "Napakatagal mo." reklamo ni Tom. "Pasalamat ka nga binalikan pa kita, iniwan ko ang date ko para lang balikan ka." sumimangot naman si Tom na tumalikod pero napaharap din ng maramdaman na sumunod si Ian sa kanya. "Saan ka pupunta?" "Baka kailangan mo ng tulong kaya sasamahan kita." "Maliligo ako bakit ko naman kakailanganin ang tulong mo." baka kasi mag sarili ka nanaman ako na gagawa para sa'yo? bulong ni Ian sa sariling isipan. "Baka lang kasi kailanganin mo bigla." sagot ni Ian. "Hindi ko kailangan ang tulong mo, balikan mo na ang ka date mo nakakahiya naman sa'yo." irap ni Tom. "Ngayon pa kung kelan pi

