"At sino naman kayang asungot ang lalaking ito?" tanong Ian na i-close up ang mukha ng lalaking bumaba ng kotse na bisita ni Autumn. "Major Zanjoe William, teammate ni Autumn partner n'ya." "Ang itim! hindi siguro nag hihilod." "Hahahah! Tall, dark and handsome ganyan daw ang mga lalaking yummy ayun sa survey ng mga babae." "Anong yummy sa ganyang kulay, para kang na himod ng puno." inis na wika ni Ian na napamura pa ng makitang nagyakapan pa si Autumn at lalaking bagong dating sa harapan ng bahay ng mga ito. "Kalma lang! Okay ka lang ba?" natatawang tanong ni Ivan habang nakatingin sa mga vital sign ni Ian sa monitor. "Of course, I'm okay why would I not?" na naupo sa malaking sanga ng puno ng mangga kung saan s'ya naka kubli sa mayabong na mga dahon. Sa tapat ng kapitbahay nito

