Nagtataka naman si Autumn na nag-aabang sa gilid ng kalsada, tumawag sa kanya si Tracey nakikipag kita ito sa kanya dahil may sasabihin daw ito sa kanya na hindi nito puwedeng sabihin kay Winter importante lang daw tungkol daw kay Jeremiah kaya agad na s'yang pumayag dahil kailangan din n'ya itong makita dahil hindi s'ya na niniwala na kasama ang ama nito sa sumabog na restaurant malakas ang kutob n'yang isang malaking palabas lang ang lahat. Kilala n'ya ang superior n'ya noon hindi ito basta-basta mamatay kung pinatay nga man ito ibig sabihin hindi basta sindikato ang kinabibilangan ng mga ito. Kilala n'ya si Stuart Taylor na ama ni Jeremiah hindi ito magiging commander in chief kung madali itong mamatay. Natitiyak n'yang may misteryo sa kamatayan nito na aalamin n'ya ng palihim. Nakita n

