"Tama na yan lasing ka nanaman feeling boyfriend ka naman kasi?" natatawang wika ni Blue na inagaw ang baso ng alak kay Ian na panay na ang bagsak ng ulo pero tuloy ang laklak. "Hindi n'yo kasi ako na iintindihan hindi kasi kayo ang binaboy." pigil naman ang tawa nila Doel na nag katingin sa kaibigan. "Ang dami mo kasing magugustuhan bakit si Tomas pa," ani Storm. "Correction please hindi ko s'ya gusto ano! Excuse me," wika pa ni Ian na kinuha naman ni Storm ang cellphone ni Ian saka binuksan gamit ang password na birthday nilang magkakapatid at kung ilang years na silang magkakaibigan. Dun palang nahalata na ni Torm kaya ng tingnan n'ya ang mga picture sa gallery nito na sa unang tingin puro scenery lang magagandang view pero kapag zinoom mo ang lahat ng picture daig pa nito ang stalke

