Third Person Malakas ang buhos ng ulan. Sa gitna ng bakbakan, may mag-amang desperadong makadaan para dalhin ang ama ng dalagang may sakit. Hinang-hina na ang katawan nito pero nagagawa pa niyang maglakad sa tulong na din ng anak niyang nakaalalay sa kaniya. "Ama, diyan ka lang ho. Kukuha lang ako ng dahon para may pampasilong tayo." Tumakbo ang dalagang si Viktoria Creighton, isang binibining perpekto sa paningin ng lahat. Pero ang hindi alam ng lahat, hindi perpekto si Viktoria "Ria" Creighton para sa sarili niya dahil sa problemang kinakaharap nito. Oo nga't mayaman sila. Oo nga't maganda siya. Mabait, masipag at responsableng babae. Ngunit ang kaniyang ama nama'y nagkasakit, namatay na rin ang kaniyang ina noong isang buwan lamang at unti-unti nang nawawala ang kayamanan nila. "Ri

